Kabanata 15 Bituin A P P L E Masaya akong bumalik sa bahay sakto namang patapos na sa pag hahanda sila tatay kaya naman naligo na ako upang makapag handa na. Pinag suot ako ni Tiya ng dress na inarkila niya pa daw sa kakilala niya sa bayan. Maganda iyon at hindi pa ako nakakapag suot ng ganung klaseng bestida kaya naexcite talaga akong isuot iyon. Sinubukan din akong ayusan ni Tiya ng buhok at nilagyan na din ng konting kolorete sa mukha. Nagustuhan ko naman ang naging ayos ko nang humarap ako sa isang salamin. Tube type iyong dress at hapit na hapit iyon sa aking katawan. Parang hindi ko yata kayang humarap kay Nicholas nang ganito ang suot.. Pakiramdam ko kasi masyadong naka expose ang balat ko. Baka hindi bagay sa akin itong ganito pero ang sabi naman ni Tiya bagay na bagay daw sa

