Simula
Simula
N I C H O L A S
"Where are you going babe? Uuwi ka na agad?" malambing na tanong ni Adeline habang isinusuot ko ang pantalon ko. I just gave him a nod as a response to her question.
She was one of my good friends during college days. I really don't have any intention to sleep with her or be her fvck buddy, it just happened. Isang araw na lang nagising akong katabi ko na siya sa isang kama at pareho na kaming hubad. I apologize to her pero ang sabi niya ay ayos lang naman daw at hindi naman daw ako dapat humingi ng sorry dahil ginusto din naman daw niya iyon. Well she's right. She fcking seduced me that night so it's not really just my fault. After that night, nasundan pa ulit iyon ng maraming beses na ganun. Ilang beses kaming nagkita para gawin iyon. Nuong una hindi ako pabor sa pakikipag talik sa babaeng hindi mo naman karelasiyon. Para sa akin dapat ginagawa lang ang bagay na iyon ng taong magka relasiyon O ng taong nag mamahalan pero hindi ko na namalayan na nakakasanayan ko na din pala ang ganuong klaseng pamumuhay.
Sometimes I go to a bar just to hook up with girls at saka ko sila dadalhin sa isang exclusive hotel. Pero madalas kapag wala akong ganang pumunta sa bar or medyo busy sa trabaho ay si Adeline na lang ang tinatawagan ko. Kumbaga sa lahat ng mga babaeng naikama ko siya ang pinaka convenient and besides she knows how to pleasure me real good. Kabisado na niya ang mga gusto ko during s*x.
Umikot sa trabaho at sa ganun ang buhay ko. s*x and work. Puro na lang ganun. Sometimes parang nagsasawa na din ako. Minsan naiisip kong mag hanap na ng babaeng pakakasalan at mag settle na lang sa buhay but then I just couldn't find the right one. Sabi nila masiyado lang akong pihikan sa babae kaya hindi ako nagkaka-girlfriend but actually it's not just about that. Yes, mapili ako pag dating sa babaeng mamahalin ko but that's because I don't wanna be like dad. Ayokong gayahin ang pagkakamaling nagawa ng sarili kong ama nuong mag pakasal siya sa ibang babae para lang makalimutan si Mom. Hindi ako galit kay Dad dahil sa pagkakamali niyang iyon dahil matagal nang tapos iyon at naitama na din naman niya ang mga maling nagawa niya pero siya na din mismo ang nag sabi sa akin nuon na kung mag papakasal ako ay dapat duon sa taong sigurado na akong mamahalin ko ng buong buo at habang buhay. Gaya nang kung paano niya mahalin si Mom ngayon.
Sa tingin ko kaya hindi pa ako nakakahanap ng tamang babaeng pakakasalan ay dahil hindi ko pa nahahanap iyong babaeng tulad ng Mom ko. Bata pa ako nuong sinabi ni Dad sa akin na kapag magmamahal daw ako ay siguraduhin kong katulad siya ni Mom na hindi lang maganda, may mabuti ring kalooban. Pero paano ko nga naman makikilala ang babaeng katulad ni Mom kung palagi akong nasa bar. Surely iyong mga babaeng gaya ni Mom ay hindi mag pupunta sa ganung klaseng lugar.
"Dito ka muna. It's too early to leave. We can still..." Binitin niya ang sinasabi niya at ngumisi. I smirked back at her.
"I'm sorry but I need to meet with parents. May pag uusapan kami. Hindi ko alam kung ano 'yon at hindi ako pwedeng humindi," paliwanag ko. Ngumuso siya at wala nang nagawa kundi yakapin na lang ang unan sa kanyang tabi para takpan ang kanyang hubad na dibdib.
Nag paalam na ako sa kanya at dumaan muna sa condo ko para makapag shower bago dumiretsiyo sa bahay. Naabutan ko sila Mom and Dad na parehong nag aantay sa akin sa veranda. Wala ang dalawa kong kapatid so baka tungkol sa negosiyo ang pag uusapan namin. Hinalikan ko si Mom sa pisnge nang makalapit.
"Oh my Nicholas. I missed you so much, son. Hindi ka na madalas dumalaw," nagtatampong sabi niya.
"I'm sorry mom, sobrang busy lang sa trabaho," paliwanag ko pero ngumisi lang sa akin si Dad at tinapik tapik ang aking balikat.
"Busy with works and girls, you mean son?" may mapang asar na ngising sabi ni Dad. Binalingan siya ni Mom at hinampas siya sa kaniyang dibdib.
"Ikaw talaga Cal! Hindi ganyan si Nicholas." Pagtatanggol sa akin ni Mom.
Now I feel guilty.
"Oh angel, it's normal for a single man to..."
Hindi na itinuloy ni Dad ang sasabihin niya dahil sinamaan na siya ng tingin Mom. Parang kriminal na nahuli si Dad ng itaas nito ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko kay Mom. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Hindi gagawin ni Nicholas iyon. Pakakasalan niya muna ang babae bago niya gawin iyon. Right son?"
Oh damn. Hindi ako nakapag salita. I don't wanna disappoint her but I won't lie to her. Kaya minabuti ko na lang na huwag sumagot. Nang hindi makakuha ng sagot mula sa akin ay biglang nag bago ang tingin ni Mom sa akin. Bigla namang natawa si Dad na para bang nakakatawa ang mga pangyayari. Inis na tinignan ko lang si Dad pero mas lalo lamang lumakas ang tawa nito.
"Nicholas! Anong ginawa mo? Hindi ba kabilin bilinan ko sayo na kasal muna bago ang bagay na iyon?" galit na sabi ni Mom.
Damn it. This is dad's fault! Bakit ba kasi kailangan niya pang sabihin iyon! Argh. Mas lalo kong sinamaan ng tingin si Dad bago muling bumaling kay Mom nang may mas malambot na ekspresiyon.
"I'm sorry Mom..." I said softly.
"Angel, it's normal. He's a grown-up man now, hindi mo mapipigilan ang anak natin sa bagay na iyan. Lalo pa at nasa tamang edad na siya para duon. Hayaan mo na siya. Mag sasawa din iyan sa pag lalaro kapag nakaharap na niya ang babaeng mamahalin niya," ani Dad na pilit pinapakalma si Mom na ngayon ay mukhang gigil na gigil na sa akin.
"Paano ko hahayaan ang anak natin ha, Callum? At paano kung may mabuntis iyang anak mong 'yan! Handa ba siyang panagutan ang babaeng mabubuntis niya? Hindi niyo alam ang pakiramdam naming mga babae kaya ganiyan kayo! At ang gusto mo pa ay kunsintihin ko itong anak mo sa kalokohan niya? Hindi Callum. Hindi ko mapapalampas ito."
Muling bumaling sa akin si Mom.
"At ikaw? Kailan ka pa natutong mang babae? Ang akala ko ay kaya ka hindi nakakadalaw dito ay dahil lang busy ka sa trabaho iyon pala ay bukod sa trabaho ay may iba ka pang pinagkaka busyhan! Tigilan mo iyan Nicholas huh! Hindi maganda iyang ginagawa mo! Paano ka makakahanap ng matinong babae kung ganyan ang inaatupag mo! Mas mabuti pa nga sigurong ipadala ka na lang namin muna sa San Rafael nang sa ganun ay malayo ka sa mga babae mo at makapag isip isip ka ng maayos!"
Agad na napabaling ako kay Dad nang sabihin iyon ni Mom. Ipadala sa San Rafael? At anong gagawin ko ruon? Oh wait. Mukhang alam ko na ang dahilan nang pag papapunta nila sa akin dito. Siguro ay ipag pipilitan nanaman nila sa akin na pamahalaan ang hacienda habang hindi pa ito tinatanggap ni Calyx. And I say no way! I have my own company to run. Hindi ko pwedeng basta na lang iwan iyon. Hindi pwede lalo na ngayon at unti unti na din iyong nagkaka pangalan. Kaya hindi ako papayag kung binabalak man nilang ipadala ako sa San Rafael.
"Inatake sa puso si Mang Arturo kaya walang naiwang mamahala duon sa hacienda. Ikaw lang ang pwede naming pagkatiwalaang umasikaso nun," ani Dad ngunit mabilis akong umiling.
"No dad! I can't! Alam mo namang may kompaniya akong pinatatakbo hindi ko pwedeng basta na lamang iwan iyon. Hindi lalo na ngayon."
"Ako na ang bahala duon son. Ang hiling ko lang sayo ay sana asikasuhin mo muna ang hacienda kahit mga tatlong buwan lang."
"No Dad! Hindi pwede. Bakit hindi si Calyx ang kinukulit niyo tungkol dito?" May inis na sabi ko. Hindi ko na napigilan.
"Alam mo namang hindi papayag si Calyx kahit anong gawin nating pag pilit duon."
"Pwes ganun din ako Dad. Ayoko!" mariin kong sabi kaya lang ay biglang kumapit sa braso ko si Mom.
Hindi na galit ang hilatsa ng mukha nito ngayon. Hindi tulad kanina na parang sasabog na siya sa galit.
"Nicho, please? Just for three months. Tatlong buwan lang at kapag di pa din pumayag si Calyx na patakbohin ang hacienda ay kami na ng Dad mo ang pupunta ruon at iiwan na lang namin sayo ang kompaniya. Sa tingin naman namin ay kaya mo na. Subukan mo lang muna Nicho. Please?"
Shit! Mom really knows I can't say no to her. Walang nagawang tumango na lamang ako.
"When?" pagod kong tanong.
"Tomorrow," agad na sagot ni Dad.
Oh fvck!
Maaga akong pinauwi nila Mom sa condo ko para makapag empake. Gusto ko mang umatras kaya lang ay ayokong ma-disappoint sa akin si Mom kaya wala akong magawa kundi ang sundin na lamang ang gusto nilang mangyari. Tatlong buwan lang Nicholas. Tatlong buwan lang. Paulit ulit kong pinapaalala sa sarili ko iyon habang nag iimpake.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising para maagang maka biyahe. Naisipan kong mag drive na lang papunta ruon kaysa mag commute pa. Masyadong malayo iyon alam ko pero kaya ko naman sigurong mag drive hanggang duon. Bahala na. Oh damn it parang gusto ko na umatras. Hindi ko alam kung ano bang klaseng pamumuhay ang nag aantay sa akin sa lugar na iyon.
Gabi na nang marating ko ang San Rafael. Magiliw na sinalubong ako ng mga katulong ruon pati na din ni Manang Luisa ang mayor doma ng mansiyon. Mababait naman silang lahat at mukhang mga masisipag kaya wala naman akong naging problema sa kanila. Walang masiyadong nag bago sa mansiyon kahit taon na ang lumipas mula nang huli akong tumapak dito. Siguro talagang pinanatili nila Manang na ganuon ang itsura ng mansiyon para kapag umuwi kami ay hindi na kami manibago.
Mabilis akong nakatulog sa kwartong binigay sa akin ni Manang Luisa dahil na din siguro sa antok. Maaga din naman akong nagising dahil kinasanayan ko na din naman ang pag gising ng maaga. Kailangan kong maagang pumasok sa opisina para mag silbing magandang halimbawa para sa mga empleyado ko. Kailangan iyon para mas igalang ka ng tauhan mo. Iyon ang itinuro sa akin ni Dad.
Bumaba na ako para sana dumiretsiyo sa kusina at makapag agahan ngunit nang mapadaan ako sa may living room ay may natanaw akong isang babaeng mukhang masiglang nag lilinis. Kumunot ang nuo ko pagkakita sa mukha niya. Hindi siya naka unipormeng pang kasambahay. Naka pulang bestida siya na umaabot sa kanyang mga tuhod. Balingkinitan ang katawan at parang anghel ang mukha. Hindi ko siya nakita kagabi nang salubungin ako ng mga katulong so I think hindi siya isa sa mga maids. Pero sino siya at bakit nandito siya sa mansiyon?
Napansin kong tila masayang masaya siya habang pinupunasan ang isang picture frame. Naka ngiti pa siya habang ginagawa iyon kaya mas lalong lumalim ang kunot sa nuo ko. Hindi ko siya nilapitan at pinag patuloy lang ang pag titig mula sa malayo. Ayokong pag lumapit ako sa kanya ay bigla na lang siyang maasiwa. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang gusto ko pa siyang panuorin habang nag lilinis. Kahit wala naman akong mapapala kung titigan ko siya habang nag pupunas ng litrato.
"Hubby, bakit hindi ka umuuwi dito?" Nagulat ako nang bigla niyang kausapin ang litrato. Bigla tuloy akong na curious kung kaninong litrato ba ang hawak hawak niya ngayon.
Sino ba ang babaeng ito?
"Miss na miss na kita, hubby. Pakiss nga," Aniya sabay halik sa litratong hawak hawak. Medyo nag tagal ruon ang kanyang mapupulang labi.
Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa pwesto niya bago pa man niya ako mamalayan ay nasa harap na niya ako.
"Who are you?" I asked.
Agad siyang napapitlag sa gulat sa biglaan kong pag sasalita. Nabitawan niya pa ang litratong hawak hawak niya mabuti na lamang ay maagap ko iyong nasalo. Natigilan ako sa pagka mangha nang makitang litrato ko ang hawak hawak ng babae kanina. Lalo tuloy akong na curious sa kanya. Sino ba ang babaeng ito at bakit niya kinakausap ang litrato ko? And she kissed my photograph with her luscious red lips. Oh darn it! How I wish it was my lips she was kissing and not my fvcking photograph.
"Who are you and what are you doing here?" I asked her again when she didn't say anything.
Napasinghap siya at parang hindi pa din makapaniwalang nasa harapan niya ang taong nasa litratong hinahalikan niya kanikanina lang. Parang gusto kong mapangiti kung hindi lang bigla niyang kurut kurutin ang sarili niya na para bang naninigurado kung totoo nga ba ang kaniyang nakikita. Nagulat ako nang bigla na lamang niyang sinampal ng malakas ang kanyang pisnge. Uulitin pa sana niya ito kung hindi ko lang maagap na nahawakan ang braso niya upang pigilan ito sa muling pag lapat sa kanyang mapupulang pisnge.
"What the hell young lady? You're hurting yourself." inis na sabi ko.
Bago pa man siya makasagot ay bigla nang dumating si Manang Luisa.
"Senyorito Nicholas! Gising na pala kayo!" ani manang. Ayoko pa sanang sagutin si manang dahil hinihintay kong sagutin ako ng babaeng nasa harapan ko. Pero ang bastos naman kung hindi ko sasagutin si manang. Kaya naman bumaling ako sa kanya at sinagot ang kanyang sinabi.
"Kagigising ko lang po manang," sabi ko nang bumaling ako kay Manang pero naging paraan naman iyon ng babae upang tumakas.
Mabilis itong nag lakad palayo sa aming pwesto habang kinakausap ako ni Manang. Sinundan ko lamang siya tingin habang nag mamadali siyang lumabas ng mansiyon. Hindi ko na namalayan ang mga sinabi ni manang dahil naka focus lamang ang atensiyon ko sa babaeng iyon. Nang mawala ito ay muli kong binalingan si manang pero papaalis na ito at mukhang pinapasunod ako papunta sa kusina.
Napangiti na lamang ako habang napapailing dahil sa naabutang pangyayari kanina. Ilalapag ko na sana ulit ang litrato ko sa dating pwesto nito nang may mahulog na isang pirasong nakatuping papel mula rito. Nag tatakang dinampot ko iyon at agad na binuklat upang mabasa kung ano man ang nakasulat ruon. Mas lalo lang lumawak ang ngisi sa mga labi ko matapos mabasa ang munting tulang naka sulat ruon.
Hindi ko alam kung paano ito nag simula,
At hindi ko alam kung paano ito mawawala,
Ito'y naramdaman ko na lang ng bigla,
Gusto kita sana ay wag kang mabibigla.
- Mansanas