Kabanata 1

2088 Words
Kabanata 1 Young lady A P P L E Mabilis akong tumakbo papasok sa mansiyon ng mga Montemayor upang tumulong sa pag lilinis. Araw araw ko itong ginagawa at kahit kailan ay hindi ako nag sawang gawin ito. Lalo na at may inspirasiyon akong gawin ito. Napangiti ako nang maisip ang dahilan ng madalas kong pag tulong dito sa mansiyon. Agad akong tumungo sa bahagi ng mansiyon kung saan naka display ang mga litrato ng mga Montemayor. Napangiti ako nang makita ko ang litrato ng pinaka mamahal ko. Agad ko itong niyakap. "Good morning, hubby!" Bati ko sa litrato ng mahal ko bago ko ito pinunasan ng basahan upang maalis ang mga alikabok na naipon dito. "Ayan hubby, malinis ka na ulit. Ang gwapo gwapo mo talaga." Sabi ko bago ko ito muling niyakap. Alam kong nag mumukha na akong baliw sa ginagawa kong ito araw araw pero ito lang kasi talaga ang nakakapag pasaya sa akin. Kapag nakikita ko ang mukha ng lalaking ito ay tila ba nawawala na lang bigla ang mga problemang iniisip ko. Siya lang ang nag papagaang ng loob ko kapag sobrang bigat na ng nararamdaman ko at kapag gusto ko ng sumuko. Hindi ko alam kung bakit ganun ang epekto sa akin ng lalaking nasa litrato kahit na hindi ko pa naman siya nakikilala. Basta mula nung makita ko itong litrato niya dito nuong labing tatlong taong gulang pa lang ako may kakaiba na akong naramdaman. Masiyado pa akong bata nuon kaya hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang naramdaman ko na iyon ngunit habang tumatagal at lumilipas ang panahon unti unti kong napapagtanto ang totoong nararamdaman ko sa lalaking nasa litrato. Gusto ko siya at walang araw na hindi ko pinangarap na makita siya. Naalala ko pa nuon gumawa ako ng isang tula para sa kanya at inilagay ko yun sa likod ng frame nag babaka sakaling isang araw maisipan niyang umuwi dito at mabasa niya ang message ko na yun pero kahit kailan hindi iyon nangyari. Walang lalaki sa litrato ang umuwi dito sa mansiyon. Bakit kaya hindi nila binibisita ang mansiyon na ito. Sayang naman ito kung ganun. Nag babayad sila sa taga pangalaga nito pero hindi naman nila tinitirhan. Kung sa bagay ang sabi naman ni tatay mayaman daw talaga ang pamilyang Montemayor kung kaya't wala lang sa kanila ang mga pinapasahod nila sa mga tauhan nila dito. Nag tatrabaho din si tatay sa pamilyang Montemayor bilang isang magsasaka sa malakinh sakahan nila. Mula daw ng mamatay ang Senyor ay si Manong Arturo na daw ang namahala sa sakahan dahil may sarili daw kompanyang inaasikaso sa maynila ang panganay na anak ni Senyor. Wala din namang interes ang mga anak nitong babae na pangalagaan ang hacienda kaya pinagkatiwala na lamang nila ito sa malapit na kaibigan ni Senyor dito sa San Rafael na si Manong Arturo. Ngunit nitong nakaraan lang ay inatake ito kung kaya naman ay nag papahinga pa muna ito sa hospital at walang naiwang nag aasikaso sa buong sakahan. Sabi nila Manang Luisa baka daw umuwi ang isa sa magkakapatid na Montemayor upang pamahalaan ang buong hacienda pero mag dadalawang linggo na ngunit walang ni isa sa mga ito ang umuwi. "Hubby, bakit hindi ka umuuwi dito?" Tanong ko sa litrato. Minsan na akong nag tanong kay Manang Luisa tungkol sa lalaking ito. Ang sabi niya apo daw ito ni Senyor at nuon daw ay madalas ang pamilya nilang mag bakasyon dito tuwing summer. Sayang dahil hindi pa ako nag pupunta dito nuon kung kaya't hindi man lang nag krus ang landas naming dalawa. Saka kahit naman siguro mag krus ang landas namin nuon ay hindi niya din ako mapapansin dahil bata pa ako nuon. Pero siguro naman ngayong sixteen na ako ay may pag asa nang mapansin niya ako kahit papano kung sakaling mag kukrus ang mga landas namin. "Miss na miss na kita, hubby. Pakiss nga," Sabi ko sabay halik sa kanyang litrato ng medyo matagal. "Who are you?" Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa sala. Agad kong nabitawan ang hawak hawak kong litrato mabuti na lamang at maagap ang lalaking nag salita at nasalo nito ang frame kung hindi ay nagka basag basag na ito sa sahig. Hindi ko napigilan ang pag uwang ng aking bibig at ang paglaki ng aking mga mata habang pinag mamasdan ang lalaking nasa harapan ko ngayon hawak hawak ang kanyang sariling litrato na kanina'y hinahalikan ko. Nanaginip ba ako O masyado na akong nababaliw kakaisip sa lalaking ito kaya kung ano ano nalang ang naiimagine ko ngayon? Sandali niyang tinignan ang kanyang litrato bago muling bumaling sa akin. "Who are you and what are you doing here?" Napasinghap ako nang muli siyang mag salita. Kinurot kurot ko ng marahan ang sarili ko upang makasiguradong hindi ako nananaginip. Ang lalaking nasa litrato ay nasa harap ko na ngayon at abot kamay ko na. Parang gusto kong mag diwang kung hindi lang para akong matutunaw sa mapanuri niyang mga mata. Isa pa nahuli niya akong hinahalikan ang picture niya. Hindi ako nakontento sa pag kurot sa sarili kaya malakas kong sinampal ang sarili ko pero nanatili pa din ang lalaki sa aking harapan na ngayon ay magkasalubong na ang kilay dahil sa ginawa ko. Muli ko sanang sasampalin ang sarili ko nang bigla niyang pigilan ang braso ko upang hindi lumapat ang aking palad sa aking pisnge. Hala! Totoo nga siya! "What the hell young lady? You're hurting yourself," Aniya sa medyo pagalit na boses. Bago pa man ako makapag salita ay bigla nang dumating si Manang Luisa, ang mayordoma ng hacienda. "Senyorito Nicholas, gising na pala kayo!" masayang sabi ni manang sa lalaking nasa harap ko. Agad naman nitong binitawan ang aking braso upang harapin si manang. "Kagigising ko lang po manang," anito. Yun na ang naging hudyat ko upang lisanin na ang lugar at lumabas na ng mansiyon. Pulang pula ang mukha ko nang lumabas ako ng mansiyon. Hindi ako makapaniwala na nandito na nga talaga siya. Ang lalaki sa litrato. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na ito na uuwi siya dito at mag kukrus ang landas namin. Mabilis akong tumakbo patungo sa aming bahay upang humarap sa salamin. Pinag masdan kong maigi ang hitsura ko at napa simangot na lamang ako nang mapag tantong hindi maayos ang pagkakasuklay ko kanina sa buhok ko. For sure nakita niya ang sabog sabog kong buhok kanina tapos nahuli niya pa akong hinahalikan ang litrato niya. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa lalaking iyon kapag nagkita ulit kami. Dito na kaya siya mananatili o nag babakasiyon lang siya. How I wish dito na lang sana siya manatili para palagi ko na siyang makikita hindi na lang sa litrato. Teka lang, siya siguro yung pinadala dito para pangasiwaan ang pamamahala ng hacienda. Mabilis akong naligo at nag ayos upang muling bumalik sa mansiyon. Tutulong ako sa pag hahain ng haponan para makita ko ulit siya. Kilala na ako ng mga guwardiya at ng mga katulong sa mansiyon kung kaya't hindi na mahirap sa aking makapasok sa loob nito kailan ko man gustuhin. Wala naman akong ginagawang masama at tumutulong naman ako sa gawain dito sa mansiyon kaya hinahayaan na lang nila ako. Pagdating ko sa bulwagan ng mansiyon ay agad kong namataan si Nicholas na kausap ang ilang mga taohan. Kasama din dun siyempre ang aking ama na agad napalingon sa pwesto ko kaya tuloy ang ilan sa mga kasamahan niya ay napatingin na din sa akin, maging si Nicholas. Napayuko ako sa kakaibang pakiramdam ng kanyang tingin. Ganito ba talaga kapag nasa harap mo na ang taong gusto mo? Bigla ka na lang manghihina at para bang sasabak sa isang mahirap na misyon sa sobrang kaba. Ngayon ko lamang naramdaman ang mga ito kung kaya't naninibago pa ako sa ganitong pakiramdam. "Apple, anak!" tawag sa akin ni tatay kaya naman agad akong lumapit sa pwesto nila. Binati ako ng mga kasamahan niya bago niya ko ipinakilala kay Nicholas. "Senyorito, ito nga po pala ang anak kong si Apple. Matalino yan at masipag pa, paminsan minsan ay tumutulong siya sa gawain dito sa mansiyon," pag mamalaking sabi ng aking ama kay Nicholas. Agad namang ngumiti ang lalaki ngunit sandali lamang iyon nag tagal. "Good to see you, Apple," anito sa tonong nang aasar. Hindi ko naiwasang mapasimangot. Inaaasar niya ba ako dahil nakita niya akong hinahalikan yung picture niya kanina? "Apple, bumati ka kay Senyorito Nicholas. Siya na ang mamahala sa buong hacienda mag mula ngayon," ani tatay. Agad akong yumuko upang magpakita ng pag galang sa kanya. "Magandang hapon, senyorito. Masaya po akong makilala kayo," sambit ko. "Really huh? Bakit ka nga ulit bigla na lang tumakbo kanina?" anito sa tonong nang aasar pa din. Agad na napabaling sa akin si tatay nang sabihin iyon ni senyorito. Hinihintay ang magiging sagot ko. "A-Akala ko ho kasi multo.." pag dadahilan ko na naging rason upang mag tawanan ang mga kasamahan ni tatay at pati na din siya. Napatungo na lamang ako sa pagkapahiya. "Pasok na po ako sa loob. Tutulong pa po ako sa pag luluto ng haponan ninyo," Paalam ko at agad naman nito akong tinanguan upang pag sang ayon. Bumaling ako kay tatay at nag paalam na din pati sa mga kasamahan niya bago pumasok sa loob ng mansiyon. "Oh hija, mabuti bumalik ka. Bakit ka ba bigla na lang tumakbo kanina?" tanong ni manag Luisa pag pasok ko sa kusina. "Pasensya na manang. Akala ko ho kasi nakakita ako ng multo. Pano naman po kasi sa litrato ko lang palaging nakikita si senyorito kaya hindi ako makapaniwala kanina na nasa harapan ko na siya," Paliwanag ko. "Anong tingin mo ngayon kay senyorito ngayong nakita mo na siya?" nakangiting sabi ni manang. "Wala naman po." parang bale walang sabi ko habang pilit itinatago ang sumisilay na ngiti sa aking mga labi. "Mabuti naman kung ganun. Tuluyan mo na sigurong nakalimutan ang mumunting pag tingin mo kay senyorito. Mas mabuti iyon dahil sa pagkakaalam ko may nobya daw iyan sa maynila kaya kung nagkataong may nararamdaman ka sa kanya ay mabibigo ka lamang." ani manang. Parang may patalim na tumusok sa aking dibdib. Ang pag-asang umusbong sa aking dibdib nang makita ko siya kanina ay unti unting nag lalaho sa sinabing iyon ni manang. Ngayon ko pa nga lang siya nakita tapos may girlfriend na pala siya. Hindi man lang ako nabigyan ng chance kahit paano. Palihim akong sumimangot. Hindi matanggap ang nalaman mula kay manang. "Bata pa ho ako nuon manang," sabi ko. "At bata ka pa din naman ngayon." "Pero di naman masamang magka crush sa edad ko na ito di ba manang?" "Oo naman anak. Naalala ko nga ganyang edad din ako nuong magkaruon ako ng kasintahan ngunit dahil bata pa kami nuon ay hindi din naman iyon nag tagal." "Talaga manang? Ibig sabihin pwede na din akong magka nobyo?" natutuwang tanong ko. "Depende sayong ama, kung papayagan ka niya." Napangiti ako. Kung si Nicholas naman ang gugustuhin kong maging nobyo tiyak na hindi naman aangal si tatay duon. Ngunit imposible namang mangyari yun lalo na at ang tingin sa akin ngayon ni Nicholas ay isang baliw dahil sa naabutan niya kaninang ginagawa ko. Para tuloy gusto kong magsisi sa mga pinag gagagawa ko kanina. Nakakahiya talaga kapag iniisip ko iyon. Pero kahit naman di niya isiping baliw ako imposible pa ding magkagusto siya sa akin dahil mayroon na siyang nobya sa maynila at natitiyak ko na mas maganda iyon sa akin at baka malay ko kasing edad niya din iyon. Di tulad ko na masyado pang bata para mapansin ng isang tulad niya. Sabi ng kaibigan ko yung mga lalaking taga maynila daw mahilig sa mga babaeng malaki ang hinaharap at maganda ang katawan. Siguro ganun din si Nicholas dahil taga maynila siya. "Bakit Apple, may nanliligaw na ba sayo sa skwelahan?" salubong ang kilay na tanong ni manang. Mula nang mamatay si nanay nuong twelve pa lang ako ay si manang Luisa na ang tinuring kong parang ina. Malayong kamag anak siya ni nanay kaya magaang ang loob ko sa kanya at ganun din naman siya sa akin. Nung mag trese ako duon na ako nag simulang tumulong sa kanya dito sa mansiyon naka tulong din iyon sa akin upang mabilis na makalimutan ang pagkamatay ni nanay. Simula nuon nakasanayan ko nang mag punta dito sa mansiyon kapag gusto kong may mapag libangan. Saka gustong gusto ko din kasing binibisita ang litrato ni Nicholas dito. Inaalagaan ko iyon sa punas upang makasigurong walang alikabok na maiipon duon. Para bang naging responsibilidad ko nang alagaan ang litrato niyang iyon. "Wala ho manang. Wala pa po yun sa isip ko," agad na sagot ko kay manang. "Mabuti naman kung ganun. Halika na at mag simula na tayo, para makakain na ang senyorito." "Opo!" magana kong sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD