Kabanata 2
Commitment
A P P L E
"Sabayan niyo ko manang," ani Nicholas nang mapansing naka tunghay lamang kami sa kanya habang kumakain siya. Agad namang tumanggi si manang sa paanyaya ni Nicholas.
"Naku huwag na senyorito. Pagkatapos niyo na lang kami kakain," sabi ni manang pero hindi iyon tinanggap ni Nicholas.
"Come on manang, ayokong tinatanggihan ako. Mag tatampo ako nyan sa inyo," banta ni Nicholas. Napangiti ako nang mapag tantong mabait naman pala si Nicholas. Ang akala ko kasi tulad siya nung mga lalaki sa maynila na medyo arogante at walang pake alam sa kahit sino lalo na sa inasal niya sa akin kanina na parang nang aasar pa.
Sa huli ay wala nang nagawa pa si manang kundi ang maupo na lang sa silyang nasa harapan. Sumunod namang bumaling sa akin si Nicholas nang makaupo na si manang. Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba pero hindi ko maatim na tumitig sa mga mata niya ng matagal. Para akong matutunaw kapag nag tatama ang mga mata namin.
"Sit," aniya.
"Huh? Ako po?" tarantang tanong ko sabay turo sa aking sarili.
"May iba ka pa bang nakikitang naririto?" medyo supladong sabi niya.
"Ah wag na po. Ayos lang po ako dito. Busog pa naman ako."
"Sige na Apple maupo ka na dito sa tabi ko at sabayan na natin si senyorito."
"Ah osige po manang," sambit ko sabay mabilis na naupo sa tabi ni manang.
"Kailangan pa palang si manang ang mag aya sayo bago ka sumunod," ani Nicholas.
Napa tungo ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya at hindi ko din magawang makipag sayan ng tingin sa kanya. Hays. Mukha na akong tanga nito.
"Pasensiya na po senyorito," sabi ko habang hindi pa din tumitingin sa kanya.
"Do I really look like ghost to you kaya hindi ka makatingin sa akin?" tanong niya na lang bigla na dahilan upang bumilis pa lalo ang mabilis nang t***k ng aking puso.
"Siguro ay nahihiya lang ang batang ito dahil ngayon ka lamang niya nakita ng personal."
"Why? Matagal mo na ba akong kilala?" tanong niya hindi kay manang kundi sa akin. Muli ay hindi ako nakasagot kaya si manang na lamang ang sumagot para sa akin.
"Madalas ko kasing maikwento sa kanya ang tungkol sa pamilya niyo kaya kilala ka na din niya ganun na din ang mga kapatid mong babae," paliwanag ni manang.
"I see," tanging nasabi na lang ni Nicholas at ipinag patuloy na ulit ang pagkain.
Nilingon ko si manang at nginitian ito upang tanda ng pasasalamat dahil sa ginawa niyang pag sagot para sa akin. Hindi ko kasi talaga kayang makipag titigan sa kanya ng matagal dahil pakiramdam ko para akong nanghihina ng pakonti konti.
"Kamusta nga pala ang mga magulang mo senyorito?"
"Nicholas na lang po, manang."
"Nicholas." Agad namang sunod ni manang.
"Okay naman po sila sa maynila. Medyo busy lang si Dad sa pag papatakbo ng kompanya kaya ako na lang po ang ipinadala niya dito upang pamahalaan ang buong hacienda," sagot ni Nicholas.
"Ang ibig mo bang sabihin hijo ay mag tatagal ka rito?"
"Ganun na nga po."
"Mabuti naman kung ganun. Magkakaruon na din ng buhay ang mansiyon. Matagal na din kasi nung huli kayong bumisita dito, kaya masaya akong malaman na mag tatagal ka dito."
Ngumiti lamang si Nicholas sa sinabi ni manang at ipinag patuloy na ang pagkain. Sa akin naman bumaling si manang. Nilagyan niya ng maraming pagkain ang plato ko.
"Ayan kumain ka ng kumain. Tignan mo yang katawan mo ang nipis nipis na dahil ang konti mo kumain. Samantalahin mo nang maraming pagkain sa hapag para naman magka laman laman ka din kahit papano," ani manang habang tuloy pa din sa pag sandok.
"Wag na po manang! Tama na po yan," nahihiyang sabi ko habang napapatingin sa nakatingin lang sa amin na si Nicholas. Nahihiya akong ngumiti dito.
"Ikaw talagang bata ka. Pano ka magkaka nobyo niyan kung payatot ka. Kumain ka ng kumain dyan. Sige na," dagdag pa ni manang mas lalo tuloy akong nahiya.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin iyon sa harap ni Nicholas. Nakakahiya tuloy. Baka akalain niya masyado akong deseradang babae na gustong magka nobyo.
"Hindi ba masyado pa siyang bata para sa isang relasyon?" biglang singit nito kaya agad na natigilan si manang.
"Ano ka ba Nicholas. Parang hindi ka naman sa maynila tumira. Ganitong edad din ako nuong una akong magkaruon ng nobyo. Naalala ko pa nun maraming mga binatang nag tangkang manligaw s a akin pero si Patricio lang talaga ang nag patibok ng puso ko. Hanggang ngayon naman kahit na wala na siya ay siya pa din ang laman nitong puso ko. Kaya nga anak, gusto ko mag ingat ka sa pag pili ng magiging nobyo mo. Mas maganda kung ang unang magiging nobyo mo ay ang siya ring mapapangasawa mo," humalakhak si manang Luisa habang naalala ang mga panahon nilang dalawa ni mang Patricio.
Napangiti na lang din tuloy ako. Kitang kita sa mga mata ni manang na talagang maganda ang naging pag sasama nila nuon ni mang Patricio. Parang ang pag sasama nila nanay at tatay nuong nabubuhay pa si nanay. Tama si manang gusto ko ang unang magiging boyfriend ko ay yun na din ang huli ko. Napatingin ako kay Nicholas na nakangiti na ding nakatingin kay manang habang nag kukwento ito. Napaiwas lang ako ng tingin nang mag tama ang tingin naming dalawa.
"Ikaw hijo, balita ko may nobya ka na daw. Aba'y pang ilan mo na yun?" tanong ni manang kay Nicholas.
"Wala ho akong girlfriend manang," natatawang sabi ni Nicholas.
"Sus! Wag ka nang mag akila pa. Alam kong marami kang babae sa maynila. Sinabi sa akin ng ama mo nung minsang dumalaw siya dito."
"Nakarating na din po pala sa inyo yan. Wala naman po sigurong masama kung mag lalaro muna ako total nasa tamang edad na din naman po ako at masyado naman po akong bata para mag settle agad sa isang relasyon."
"Naku. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon," sabi ni manang at hindi na nag salita pa.
Mag laro? Bakit ang pakikipag relasyon ba para sa kanya ay laro laro lang? Hindi na lang ako umimik at nag simula nang kainin ang pagkaing nasa harapan ko.
"But manang Luisa is right, Apple. Dapat sa isang tao mo lang ipagkakatiwala ang sarili mo. Iba na ang mga lalaki ngayon kaya dapat marunong kang pumili. Mas maganda kung unang lalaking mamahalin mo ay siya na ding huli ngunit sa edad mong yang I doubt kung may mahahanap ka bang ganung lalaki. You're too young for a serious relationship. Boys your age aren't ready for a serious commitment," paalala ni Nicholas. Hindi ko inasahang sasabihin niya iyon sa akin.
Sa huli ay tumango na lamang ako at nagpatuloy sa aking kinakain. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin iyon. Parang masyado naman yata niyang ipinapamukha sa akin na masyado pa akong bata kung kayat walang kaalam alam sa pakikipag relasyon.
Pagkatapos mag haponan ay muli akong tumulong sa pag lilinis ng pinagkainan. Tumulong na din ang iba pang mga katulong sa mansiyon. Pinanuod ko na lamang na umalis ng kusina si Nicholas upang pumasok sa kanyang sariling kwarto.
Humawak ako sa aking dibdib habang unti unti na ding nagiging banayad at normal ang t***k ng aking puso dahil sa pagkawala niya sa aking paningin. Bumuntong hininga ako.
"Ang lakas mo namang magpakaba hubby," bulong ko sa sarili ko habang hawak hawak pa din ang aking dibdib.
"Sumasakit ang dibdib ko sayo eh," sabi ko pa bago napagpasyahang mag paalam na kina manang upang makauwi na.
Lumipas ang mga araw na parating nagiging ganun ang tagpo sa mansiyon. Kapag mag hahain kami ng pagkain kay Nicholas ni manang ay isinasabay na rin kami nito at habang kumakain ay nag kukwentuhan sila ni manang tungkol sa kung ano ano. Minsan tungkol sa akin ang ikinukwento ni manang pero mas madalas tungkol sa sakahan ang pinag uusapan nila kung kaya't hindi ako masyadong nakaka sabay. Pero kahit ano namang usapan nila ay madalas naman talaga akong tahimik lang tulad ngayon. Pinag uusapan nila ang tungkol sa mga magulang ni Nicholas.
"Alam mo bang dito sa San Rafael nag dala ang iyong ina?" kwento ni manang kay Nicholas.
"Nabanggit nga po niya sa akin, manang."
"Napaka bait ng iyong ina, Nicholas. Para siyang anghel. Maganda na busilak pa ang puso." nakangiting sabi ni manang.
Totoo naman ang sinabing iyon ni manang. Madalas ko ding titigan ang litrato ng kanyang ina kasama ang kanyang ama sa may sala at hindi ko maikakailang sadyang napaka ganda nga ng kanyang ina. Kaya siguro ang gwapo gwapo ni Nicholas dahil sa kanyang mga magulang. Kamukhang kamukha niya ang dad niya na sobrang gwapo din. Maging ang mga naka babata niyang kapatid ay magaganda din. Napaka ganda ng kanilang lahi.
"Alam mo minsan ay nakikita ko si Katharina dito kay Apple."
Agad akong nabulunan nang sabihin iyon ni manang.
"Manang!" sita ko dahil sa sobrang hiya.
Sino ba naman ang hindi mahihiya kung ihahalintulad ka sa isang babaeng saksakan ng ganda. Napakalayo ng agwat namin ni Mrs. Montemayor kaya imposible ang sinasabi ni manang na nakikita niya si Mrs. Montemayor sa akin. Uminit ang pisnge ko ng balingan ako ni Nicholas at sandaling pinag masdan.
"Totoo iyon, hija. Ganyan na ganyan si Katharina nuon, masipag at matulungin sa magulang. Napaka buting bata. Maganda pa tulad mo." dagdag pa ni manang na lalong mas nagpainit sa aking pisnge.
"N-Nag bibiro lang si manang," nahihiyang sabi ko kay Nicholas nang makitang nakatitig parin ito sa akin.
"Mahilig rin ho bang gumawa ng tula si mom nung bata siya?" nakangising tanong ni Nicholas kay manang habang nakatingin pa din sa direksiyon ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. Yung tula kong sinulat sa kanya nung bata pa ako na nilagay ko sa may likod ng picture frame niya! Hindi kaya nakita na niya ito at nabasa? Biglang lumakas ang tahip ng puso ko nang maisip na baka posible ngang nabasa na niya ito.
"Hindi ko lang alam ang tungkol sa bagay na yan Nicholas. Bakit? May nabasa ka na bang tula na isinulat ng iyong ina?"
Umiling iling si Nicholas.
"Wala naman manang, naitanong ko lang," ani Nicholas na nakangisi.
"Itong si Apple, bata pa lang ay mahilig nang sumulat ng kung ano anong tula. Kaya madalas maanyayahan sa mga patimpalak tungkol sa pag susulat ng mga tula."
Mas lalong lumawak ang ngisi ni Nicholas nang tila may nakonpirma sa sinabi ni manang. Muli itong bumaling sa akin at ngumisi na parang nang aasar. Napayuko na lang ako sa sobrang pagka pahiya. Walang dudang sa mga tingin niya na yan ay nabasa na niya ang isinulat kong tula para sa kanya. Kung pwede lang sanang hilingin na sana ay lamunin na lamang ako ng lupa ay kanina ko pa iyon hiniling. Bakit ba kasi hindi ko pa tinanggal ang sulat na iyon sa likod ng frame? Bata pa ako nung sinulat ko iyon at napaka baduy nun. Baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.
"Hija, ayos ka lang ba? Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ni manang nang mapansing di ko ginagalaw ang aking pagkain sa harap.
"Busog pa po ako manang," mahinang sabi ko na lang habang naka tungo pa din.
Nang sumilip ako sa pwesto ni Nicholas ay nakita kong nakatingin din siya sa pwesto ko at mukhang seryoso. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Siguro iniisip niya na weird ako kasi nagkakagusto ako sa kanya kahit na bata pa lang ako at hindi ko pa siya nakikita nuon. Bigla akong nalungkot nang maisip iyon. Siguro nga ganun ang iniisip niya sa akin ngayon. Pero tama naman sila eh. Bata pa ako masyado para isipin ang mga pagibig na yan. Lalo na at hindi lang basta basta ang taong minamahal ko. Isa siyang Montemayor, napakalayo ng agwat ng mga buhay namin kaya imposibleng magustuhan niya ako.