Kabanata 3
Crush
A P P L E
Isang hapon, naisipan kong pumunta sa dalampasigan upang mag libang. Hindi na muna ako pupunta sa mansiyon ng mga Montemayor para tumulong dahil natatakot akong magkaharap kaming muli ni Nicholas. Hindi ko pa din kasi alam ang isasagot ko sa kanya kung sakaling komprontahin niya ako tungkol sa tulang sinulat ko nuon para sa kanya. Hindi ko naman kasi talaga akalaing nanduduon pa din pala yung tulang yun sa likod ng picture frame niya. Saka di ko na din naisip ang tungkol sa bagay na 'yun dahil alam ko namang hindi na sila bumibisita dito sa San Rafael ng pamilya niya. Tapos bigla na lang mag papakita siya sa akin habang hinahalikan ko pa ang litrato niya! Nakakahiya! Kapag naaalala ko ang mga sandaling iyon hindi ko pa din mapigilang mahiya para sa sarili ko.
Naupo ako sa puting buhangin at pinag masdan ang pag hampas ng alon sa dagat. Ganito ang parati kong ginagawa kapag may libre kong oras. Nililibang ko ang sarili ko sa panunuod ng mga malalaking alon sa dagat, walang pakialam kahit na mabasa pa ng tubig. Kapag naman walang masyadong alon sa dagat ay madalas akong nag tatampisaw rito. Maganda ang tubig ng dagat dito kaya naman minsan ay may mga turistang dumadayo dito kahit na masyadong malayo ito sa kabihasnan. Malayo kasi ang dagat na ito sa mga kabahayan at mga establisyimento kaya naman bibihira lang din ang nagagawi sa bandang ito ng karagatan. Kaya mas pinipili kong dito mag palipas ng oras.
Mga isang oras na lakaran pa ito mula sa mansiyon ng mga Montemayor kaya mas mabuting dito na lang muna ako mamalagi. Imposibleng mag kukrus ang landas namin ni Nicholas rito. Hindi naman siguro niya alam ang bahaging ito ng San Rafael. Tinanaw ko ang malayong isla sa kabilang bahagi ng dagat. Matagal ko ng gustong pumunta ruon kaya lang hindi ako pinapayahan ni tatay na mamangkang mag isa. Masyado daw delikado lalo na at palaging malakas ang alon dito sa bandang ito ng dagat, kaya hindi na din naman ako nag tangka pang pumalaot papunta sa kabilang isla. Nakontento na lamang ako sa pag tanaw nito mula sa pwesto ko.
Napatayo ako sa kinauupuan kong buhangin nang may marinig akong makina ng isang motor. Agad agad kong pinagpagan ang bestida kong nalagyan ng buhangin dahil sa pag upo ko. Nang balingan ko ang dumating na naka motorsiklo ay napa-nganga ako sa gulat. Mangha kong pinanuod si Nicholas habang bumababa ito sa kanyang motorsiklo. Hindi ko akalaing alam niya ang bahaging ito ng San Rafael. Akala ko ba minsan lamang sila dito ng pamilya niya? At masyadong malayo ito sa mansiyon nila kaya imposibleng dayuhin niya pa ito. Anong ginagawa niya dito?
Ngumisi siya sa akin nang makababa sa kanyang motorsiklo. Lalapit na sana siya sa akin nang wala akong pag aalinlangan na tumakbo papasok sa kakahoyan. Alam ko para kong tanga sa ginawa ko pero wala na akong mapag pipilian pa. Ayokong makaharap siya. Ngayon lang nag sink in sa akin ang mga nakakahiyang pinag gagagawa ko. Nakakailang araw pa lang siya rito pero puro kahihiyan na ang ipinakita ko sa kanya. Siguro nawiwirduhan na siya sa akin ngayon.
Mabilis akong pumasok sa kawayang pahingahan upang duon mag tago. Isinarado ko ang pinto at naupo duon habang hinahabol ang hininga. Hindi naman na siguro niya ako hahabulin hanggang dito di ba? Pero teka lang, bakit naman niya ako hahabulin? Sigurado pumunta lang siya duon para maligo sa dagat at wala siyang pakay sa akin kaya bakit ba ako nag tatago dito na akala mo naman ay hinahabol niya ako. Bakit naman siya mag aaksaya ng oras para habulin ang wirdong tulad ko. Napa buntong hininga ako. Makauwi na nga lang. Kung ano ano nanamang naiisip ko. Patakbo takbo at tago pa ako hindi naman ako hahabulin nuon. Nababaliw ka na talaga Apple. At bakit ka naman hahabolin ng lalaking yun, aber? Ano bang mapapala niya sayo?
Dahan dahan akong umangat sa kinauupuan ko at napag desisyonan nang lumabas ng pahingahan. Ngunit nang buksan ko ang kawayang pinto ay bumungad sa akin ang seryosong si Nicholas na mukhang nag aantay sa akin duon. Ngumisi siya na para bang nang aasar pa nang makita ang gulat sa mukha ko. Agad tuloy akong yumuko sa labis labis na pagkapahiya. Ano ba naman ito! Ang galing mo talaga Apple! Ano nang ipapaliwanag mo ngayon sa lalaking yan kapag tinanong ka niya kung bakit ka tumakbo.
"S-Senyorito, kayo po pala." Nanginginig kong sabi habang nakayuko pa din at hindi makatingin sa kanya ng diretsyo.
Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga kayang tumingin sa kanya ng diretsyo sa hindi ko malamang dahilan O baka dahil gusto ko siya kaya naiilang akong titigan siya sa mga mata. Baka kasi bigla na lang akong pag-initan ng mukha kapag tinitigan ko siya. Nakakahiya namang biglang kiligin habang kaharap siya di ba? Hindi naman pwede iyon kaya mas pipiliin ko na lang na wag siyang tignan kahit mukha akong tanga dito.
"Iniiwasan mo ba ako?" Diretsiyahan niyang tanong na nagpakaba lalo sa akin.
"Bakit ka bigla na lang tumakbo? At sa dami dami ng matatakbohan mo bakit dito pa sa napaka mapanganib na lugar na ito? You don't even know kung may mga mababangis na hayop ba dito at mapahamak ka. Bigla ka nalang kumaripas ng takbo papunta dito for what? Dahil iniiwasan mo ako? And why is that anyway?" Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin nang mag angat ako ng tingin sa kanya.
"P-Pasensiya na po senyorito." Tumungo akong muli dahil hindi ko talaga kayang makipag sabayan sa kanya ng titigan.
"I'm asking you, bakit mo ko tinakbohan at tinataguan?"
Parang gusto ko nang tumakbo ulit palayo sa kanya para lang maiwasan siya pero alam kong hindi ko magagawa iyon dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
"Never mind. Halika na. Hinahanap ka ni manang sa mansiyon. Nag aalala kung bakit hindi ka bumisita ngayong araw. You're coming with me." Anito nang ilang sandali akong hindi sumagot dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ba ang isasagot ko sa tanong niyang iyon.
Hindi naman na ako nakapag protesta nang bigla niyang kunin ang kamay ko at hilahin ako pabalik sa tabing dagat kung nasaan naka parada ang kanyang motorsiklo.
Kumalabog ng husto ang puso ko nang bigla siyang lumapit sa akin at sinuotan niya ako ng helmet. Napanganga na lamang ako habang inaayos niya iyon sa akin. Nagkaruon tuloy ako ng sandaling pagkakataong masulyapan ang kanyang mukha. Mas gwapo pala siya sa personal kaysa sa mga larawan niya sa mansiyon. Mas nag mature na din ang kanyang mukha kumpara sa mga kuhang litrato niya. Ang sarap sarap niyang titigan. Para akong lumulutang sa langit habang ganito siya kalapit sa akin. Nang matapos siya sa pagkabit ng helmet sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay. Napansin niya siguro ang biglaan kong pagkakatitig sa kanyang mukha.
"May crush ka sa akin, bata ano?" Ngumisi siya. Agad naman akong napasimangot hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pag tawag niya sa aking bata. Tsk! Hindi naman na ako bata ah!
Ang sabi ng tatay ko dalaga na daw ako.
"Dalaga na ako. Hindi na ako bata." Sabi ko nang naka simangot.
"Really huh, kid?" Pang aasar niya pa din bago bumaling sa kanyang motorsiklo.
"Masyado ka pang bata para sa mga bagay na yan. Mag aral ka na lang muna, bata, kung ako sa'yo." Anito nang makasakay sa motorsiklo.
"Sabing hindi na nga ako bata! Isa pa wala akong crush sa'yo!" Inis na sabi ko bago lumapit sa pwesto niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago ngumisi.
Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa bewang at itinaas ako upang makasampa ako sa kanyang motorsiklo. Sobrang bilis at lakas ng tahip ng aking dibdib sa kanyang ginawa. Hindi ko namalayan na pinaandar na pala niya ang kanyang motorsiklo dahil sa sobrang pagka balisa sa kanyang ginawa. Binuhat niya akong parang bata at isinakay sa kanyang motor! Sobra sobra ang pagka pahiya sa ko sa kanyang ginawa. Kung tratohin niya ako ay parang isang batang paslit. Pinasakay niya pa talaga ako sa harapan niya na para bang isa akong batang maliit. Uminit ng husto ang mukha ko sa sobrang pagka pahiya. Siguro nga tama siya, masyado pa akong bata para sa kanya. Siguro ang mga babaeng gusto niya ay iyong mga babaeng may malalaking dibdib at magagandang katawan. Mga bagay na wala ako dahil bata pa nga ako.
Pag dating sa mansiyon ay walang pasabi kong hinubad ang helmet na suot ko at mabilis na bumaba sa kanyang motor siklo.
"Salamat pero hindi na muna ako tutuloy. Pakisabi na lang kay manang na okay lang ako." Dirediretsiyo kong sinabi bago nag mamadaling umalis.
Mabilis akong tumakbo patungo sa bahay namin pinipigilan ang pag tulo ng mga di inaasahang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng panunukso niyang iyon ay naapektuhan na ako ng husto. Tama naman talaga siya. Masyado pa akong bata para sa mga ganung bagay at totoo din naman talagang crush ko siya pero ano bang masama duon? Hindi ba normal lang sa mga kaedad ko ang magkacrush? Ang humanga? Bakit kailangan niya pa akong tuksuhin ng ganun?
Pagkatapos nang araw na iyon ay hindi na muna ako ulit bumisita sa mansiyon. Idinahilan ko na lang kay tatay na marami akong kailangang asikasuhing project sa school kaya hindi ako makabisita ruon. Hindi naman na siya nag tanong pa nang sabihin ko iyon. Pinalipas ko muna ang isang linggo bago ako nag pasyang pumaruon muli. Abot abot ang tahip ng dibdib ko habang papasok ako ng mansiyon. Hindi ko alam kung paano ko pa patutunguhan ang senyorito dahil sa nangyari nuong isang linggo. Alam niyang may crush ako sa kanya kaya hindi ko alam kung tama pa bang mag punta ako dito. Pero kung iisipin nag punta lang naman talaga ako rito dahil gusto kong tumulong kay manang at wala ng iba kaya bakit ako kakabahan? Wala naman akong ginagawang masama di ba? At ano naman kung gusto ko nga siya? Normal lang naman sa edad ko ang magkacrush. Panigurado makakalimutan ko din siya.
Naka uniform pa ako nang pumasok sa mansiyon. Binata ako ng mga ilang trabahador na nakakita sa akin. Nag tanong pa sila kung bakit daw ngayon na lang ako bumisita ang sabi ko busy lang sa school at hindi naman na sila nangusisa. Masaya akong nag tungo sa bulwagan ng mansiyon ngunit agad ding nahinto sa pag lalakad nang bumungad sa akin si Nicholas na may kasamang babae. Dahan dahan akong yumuko at nag lakad muli papasok sa takot na baka maistorbo ko sila pero agad akong tinawag ni Nicholas.
"Apple!"
Agad akong bumaling sa kanila nang babae niya. Parang gustong tumaas ng kilay ko nang makitang nakahawak ang babae sa braso ni Nicholas. Siguro girlfriend niya ito. Hindi siya pamilyar sa akin kaya hindi ko sigurado kung taga dito ba siya sa San Rafael. Pinag masdan kong maigi ang babae, maputi ito at kutis artista. Matangkad din ito na parang modelo. At ang kanyang katawan... Napailing ako nang makitang medyo nakalabas ang kanyang dibdib dahil sa klase ng kanyang pananamit. Ganitong babae kaya ang gusto ni Nicholas? Mas lalong lumalim ang kunot sa aking nuo nang maisip iyon. Edi mas lalo palang malabong magustuhan ako ni Nicholas dahil ganitong klase ng babae ang gusto niya. Bigla akong nakaramdam ng inis sa babaeng nasa harap at malagkit ang tingin kay Nicholas habang nakakapit pa talaga sa braso nito. Iniwasan kong irapan ito.
"Apple!" Muling tawag ulit ni Nicholas nang hindi ako sumagot saka lamang ako bumaling sa kanya.
"Bakit po senyorito? Dadalawin ko lang po si manang at tutulong na din po." Sabi ko. Baka kasi isipin niya sa ang ipinunta ko rito kahit totoo naman talaga. Oo at gusto ko ding tumulong kay manang pero gusto ko din naman talagang masilayan siya kahit alam kong hindi niya ako magugustuhan kailan man.
"Okay then. She's in the kitchen by the way." Aniya. Tumango ako nag patuloy na sa pag pasok sa malaking entrada ng mansiyon. Nakita ko pang yumakap 'yung babae kay Nicholas bago ako makalayo sa kanila.
Mabibigat ang mga paang nag tungo ako sa kusina. Naiinis ako pero alam kong wala naman akong karapatang mainis dahil hindi naman kami ni senyorito Nicholas at isang hamak na bata lamang ang tingin niya sa akin. Hindi kagaya nuong babae niya duon. Mukhang mas matured at mas marami nang experience. Siguro ganun nga talagang babae ang gusto ng mga lalaking laking maynila. Kung dito sa amin ay hindi pupwede ang mga ganyan. Parang pag eeskandalo kung ilalabas mo ng husto ang dibdib mo para lang mang-akit ng lalaki. Pero ano nga bang pakealam ko? Buhay nila iyon at 'yon ang gusto nila kaya dapat irespeto ko 'yon di ba? Wala namang masama siguro kung maging proud sila sa katawan na meron sila lalo at ganun kaganda. Inggit lang siguro ako kaya ako naiinis nang ganito. Alam ko naman kasing wala ako ng mga bagay na iyon. Pasimple kong sinipat ang dibdib ko. May umbok naman na pero hindi kagaya nuon.
Napa buntong hininga na lamang ako at napabulong sa hangin.
"Ang hirap mo palang maging crush, Nicholas."