Kabanata 4
Child
A P P L E
"Oh Apple! Mabuti at nakadalaw ka din dito! Kamusta ang school? Sabi ng iyong ama naging abala ka daw sa pag aaral mo ah." Bungad sa akin ni manang pag pasok ko sa napaka laking kusina nang mga Montemayor.
Agad na sumilay ang malaking ngiti sa aking mga labi pagkakita kay manang. Kaya naman agad ko ring pinalis sa isip ko ang nakitang hindi kaaya-ayang tanawin kanina sa b****a ng mansiyon. Naisip ko tuloy kung taga maynila ba ang babae at napadalaw lang dito ibig sabihin ay dito siya sa mansiyon na ito namamalagi? Nuong isang linggo pa siguro ang babaeng iyon nandito hindi ko lang alam dahil hindi na ako nakabisita ulit.
"Opo manang. Medyo naging busy nga lang po. Maglilinis na po ako sa sala!" Sabi ko gaya ng nakaugalian ko. Ang sala kasi ang paborito kong linisin nuon dahil nga sa litrato ng hubby ko pero ngayon ewan ko lang kung matutuwa pa akong maglinis ruon.
"Teka muna, Apple. Halika muna rito at may pakikisuyo ako sayo." Ani manang. Agad naman akong lumapit sa kanya syempre.
"Ito ang miryenda ni senyorito at ng bisita niya. Ikaw na muna ang mag abot at may niluluto pa ako rito."
Nag dalawang isip akong sundin ang utos na iyon ni manang. Hindi ko pa kahit kailan sinuway ang utos ni manang kaya nakakapag taka naman kung tatanggihan ko siya ngayon. Wala na akong nagawa kundi ang ihatid na nga ang miryenda ng dalawa na ngayon ay nasa sala na. Bago pa ako makalapit sa kanila ay narinig ko na boses ng malanding babae.
"Eh kailan ka ba kasi babalik sa maynila? Pwede ba dito na lang muna ako habang hindi ka pa bumabalik?" Malanding sabi ng babae.
"Hindi pwede Issa. Tiyak magagalit si Dad kapag nalaman niyang nag patira ako ng babae dito sa mansiyon." Ani Nicholas.
"Eh di ako na lang ang mag sasabi sa kanila. I'm sure papayag sila, basta ako." May kompiyansang sabi ng babae.
"Issa hindi ba sinabi ko na sa'yo. Parang kapatid lang ang turing ko sa'yo. Kalimutan mo na kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin."
Ganyan ba talaga kapag gwapo? Basta basta na lang kung mag taboy ng mga babaeng may gusto sa kanila. Porque maraming reserba kung makapag taboy ganun ganun na lang. Napairap ako. Kanina lang inis na inis ako sa babae pero ngayon naman dinidepensahan ko ito. Para na akong baliw nito. Dumiretsyo na ako ng lakad palapit sa kanila nang aksidenteng madulas ako sa basang sahig. Napapikit na lang ako habang hinihintay na bumagsak ang aking katawan sa sahig ngunit bigla kong naramdamang may mga brasong pumulupot sa bewang ko upang pigilan ang pag bagsak ko. Agad akong napadilat at gulat na gulat akong napatitig sa madidilim na mga mata ni Nicholas. Sandali akong hindi makakilos sa aking pwesto sa labis labis na pagkabigla. Hindi ko inasahan ang ganito. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at halos magkayakap na din kami sa ayos namin. Biglang bumilis ang tahip sa aking dibdib na halos hindi na ako makahinga ng maayos. Agad akong humiwalay sa kanya nang mapag tanto ang lahat.
"Omg, ang lampa mo naman girl. Natapunan pa tuloy ng dala dala mong juice ang sapatos ko!" Sunod kong narinig ang pag angil ng bisita ni Nicholas na si Issa. Agad ko itong dinaluhan upang punasan ang kanyang sapatos. Sa sobrang taranta ay ang laylayan na lamang ng bistidang suot ko ang aking pinang punas sa kanyang natapunang sapatos.
"What the hell are you doing?" Muling inis na asik nito kaya naman agad akong natarantang tumayo at yumuko.
"Do you even know how much it is? Baka isang taon mong sahod hindi pa kasya para mabayaran ito." Galit na galit na sabi ni Ms. Issa kaya naman hindi ko na napigilang mamutla. Ganun kamahal ang kanyang sapatos?
"Pasensiya na po miss, hindi ko naman po sinasadya."
"Hindi mo sinasadyang tatanga tanga ka? Magkano ba ang sweldo mo rito para mabayaran mo itong sapatos ko ha?"
Agad akong kinabahan. Wala akong sahod kaya wala rin akong ipambabayad sa kanya. Sapat lang din ang kinikita ni tatay para sa aming dalawa at sa pag aaral ko kaya wala talaga akong ipambabayad sa kanya.
"Pasensiya na po talaga, miss." Halos tumulo na ang luha ko pagkasabi nuon.
"Gaga ka! Siguro sinadya mo lang iyon dahil naiinggit ka sa akin at wala kang pambili! Pobre!" Muling malupit na sabi nito.
"That's enough, Issa!" Mariing sabi ni Nicholas.
"She apologize already at hindi niya sinasadya ang nangyari. Wala namang nangyari sa sapatos mo. It's not as if hindi mo na magagamit iyan ulit." Sabi pa ni Nicholas.
"Talagang hindi ko na susuotin ang sapatos na ito ano!"
"Then ako na lang ang mag babayad para sa sapatos mo. Just leave her alone, she's just a child."
She's just a child... I'm just a child. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon dahil pinag tanggol niya ako laban sa kanyang babae o maiinsulto kasi tinawag niya ako sa ganun. Pero sino nga ba ako para mag reklamo di ba? Dapat maging masaya ko dahil pinag tanggol niya ako pero bakit ganito? Di ko magawang mag diwang na pinag tanggol niya ako. Dahil lang tinawag ka niyang child? Ang babaw mo naman Apple.
"What are you still doing here, huh kid? Leave!" Anang babae kaya wala na akong pag aalin langan pang tumakbo ng mabilis palabas ng mansiyon.
Wala na akong pake nang makasalubong ko ang ilang mga taohan ng mga Montemayor. Nag dirediretsiyo lang ako habang walang tigil sa pag tulo ang mga luha sa mga mata ko. I'm crying and sobbing like a child. Naupo ako sa ilalim ng isang punong nadaanan ko upang duon na ipag patuloy ang pag-iyak. Wala ng pake kung may makakakita ba sa akin. Basta ang alam ko lang ay masama ang loob ko dahil pakiramdam ko, naapakan ng babaeng iyon ang pagkatao ko, pati na din ni Nicholas. Oo alam kong sinabi niya iyon para ipag tanggol ako pero di ko magawang tanggapin ang bagay na iyon pero siguro nga tama siya. I'm just a child. Kaya ba para akong batang musmos ngayon dito habang umiiyak. Hindi ko magawang pigilan ang aking sarili sa pag iyak sa hindi ko malamang dahilan. Sobra nga siguro akong nasaktan sa panlalait ng babae at idugtong mo pa ang pag tawag ng lalaking gustong gusto ko sa akin ng 'child'.
Patuloy pa din ako sa pag iyak kahit na mukha na kong tanga sa pwesto ko. Wala na akong pake kung masabihan ulit akong bata dahil sa pag iyak ko. Totoo naman iyon eh. Bata pa naman talaga ako eh. Bakit ko ba minamadali ang sarili ko? Dahil lang gusto ko si Nicholas? Sapat na bang basihan iyon para hilingin kong tumanda na para magustuhan niya na ako? Sino bang niloloko mo Apple? Kahit tumanda ka pa hindi ka magugustuhan nuon dahil isa ka lamang hamak na pobre. Yung mga tipo nuon ay yung mga babaeng taga maynila na may magagandang buhay. Iyong kagaya nuong babaeng kasama niya sa mansiyon.
"What are you doing here?" Isang baritonong boses ang nag patigil sa akin sa pag iyak.
Agad kong dinungaw si Nicholas na ngayon ay papalapit sa aking pwesto. Nakataas ang isang kilay nito habang lumalapit sa akin. Bakit pa siya nag tatanong obvious ba na kaya ako nandito dahil gusto kong umiyak?
"Bakit ka umiiyak?" Mariin ang kanyang pagkakasabi ruon.
Hindi ako sumagot kay muli siyang nag salita.
"I'm asking you, kid. Why are you crying?"
"Di ba nga ang sabi mo bata lang ako kaya anong pake mo kung umiiyak akong parang bata ngayon dito?" Sagot ko habang matalim siyang tinititigan. Wala na akong pake ngayon kung ang pamilya niya pa ang may-ari ng lupaing inaapakan ko ngayon.
"And you're mad at me? Really huh, kid? Pagkatapos kitang ipag tanggol duon?"
"Bakit ka ba nandito? Bumalik ka na lang duon sa babae mo!" Naiinis na sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko gamit ang aking damit.
"Pinaalis ko na si Issa." Walang gana niyang sinabi.
"Bakit mo papaalisin iyong girlfriend mo? Ganyan ka bang boyfriend sa kanya. Wala ka palang kwenta eh." Sagot ko pa rin habang may panibagong mga luhang pumapatak sa aking mga mata.
"Are you jealous of her, huh kid?" Nakakunot ang nuong tanong niya kaya naman agad na nag init ang aking pisnge at hindi kaagad nakasagot. Natigilan ako sandali sa sinabi niyang iyon.
"So you are huh?" He assume nang hindi ako sumagot. Nakita ko ang pag silay ng isang ngisi sa kanyang labi. I know that smirk! For sure iniinsulto nanaman ako ng lalaking ito dahil lang alam niyang crush ko siya.
I hate you Nicholas! You're such a jerk.
"Sinabi ko na sayo di ba? Masyado ka pang bata para sa mga ganyang bagay. Bakit di ka na lang umuwi sa inyo at mag aral? Hindi iyong inuubos mo ang oras mo dito. Hindi ka naman namin pinapasahuran, kaya wala kang obligasiyong tumulong sa mansiyon." At ngayon ay gusto na niya akong paalisin at wag na muling tumulong sa mansiyon? Bakit? Dahil naiirita siyang makita akong pakalat kalat sa paningin niya? Naiinis na ba siya sa akin kaya niya sinasabi ito?
Muling may tumulong luha sa mga mata ko pero maagap ko itong pinunasan.
"Pero nuon pa man ay tumutulong na ako rito. Hindi naman ako nag rereklamo kahit wala akong sahod, isa pa nag eenjoy naman ako sa pag tulong dito. Kung ayaw mo akong makita palagi at naiinis ka na sa akin pwede naman akong umiwas kapag nandyan ka. Malaki naman ang mansiyon kaya siguro naman pwede pa din akong tumulong nang kahit di tayo nagtatagpo." Naka yukong sabi ko. Parang gusto kong magsisi sa mga nasabi ko sa kanya dahil baka iyon pa ang maging dahilan para hindi na ako muling makatapak pa sa mansiyon ng mga Montemayor.
"That's not my point, Apple. Ayoko lang na umiiyak ka ng ganito sa tuwing makikita mo akong may kasamang ibang babae. You're still young for sure marami ka pang lalaking makikilala dyan. Not like me. I'm not the right man for you." Aniya.
Dahan dahan akong tumayo at humarap sa kanya.
"Kaya nga ang sabi ko iiwas na lang ako. Basta hayaan mo lang akong pumunta dito! Ito na ang nakasanayan ko kaya sana wag mo namang ialis sa akin ito." Sabi ko sa pagitan ng pag hikbi. Bumuntong hininga si Nicholas at sa huli ay marahan itong tumango.
"But for now, umuwi ka na muna. Ako na ang bahalang mag paliwanag kay manang." Aniya.
Dahan dahan akong tumango sa kanyang sinabi. Wala na din naman akong ganang mag trabaho pa para sa araw na ito dahil sa nangyari kaya siguro uuwi na lang muna ako ulit. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ito. Kailangan kong mag pahinga. Nag simula na akong mag lakad palayo sa kanya at sa punong iniyakan ko kanina lang.
Ganito pala iyong pakiramdam na masawi sa taong gusto mo. Ang sakit sakit sa dibdib na para bang may nakadagan duon na isang mabigat na bagay, ngunit hindi mo magawang tanggalin dahil alam mong ang taong makakapag patanggal lang nuon duon ay ang taong naging dahilan kung bakit ka din nasasaktan. Ang hirap pala kapag broken hearted ka. Para kang lutang at hindi makakilos ng tama dahil may malalim kang iniisip. Ganito pala iyong pakiramdam ng mabigo sa pag ibig. Mas masakit pa ito kaysa sa mga pang aasar niya sa akin nuong isang linggo. Pero wala naman akong choice kundi ang tanggapin na lamang ang lahat saka talaga namang imposibleng magustuhan niya ako dahil sa layo ng agwat ng estado namin sa buhay. Ang mga babaeng dapat sa kanya ay iyong mga babaeng kasing yaman ng pamilya nila.
Hindi mawala wala sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya sa akin. Kahit pa nang marating ko na ang aming bahay. Papasok na sana ako sa loob nang may biglang humawak sa braso ko. Agad akong napalingon kay Jasper na ngayon ay nakangiti ng malapad sa akin. Agad din naman akong ngumiti sa kanya kahit na nag hihinagpis pa din ang kalooban ko.
"Oh Jasper may kailangan ka?" Tanong ko.
"Isasama ako ni tatay sa pangingisda, gusto mong sumama?" Aniya na mukhang ang saya saya.
"Hindi na muna Jasper. Pagod kasi ako galing ako sa mansiyon." Wika ko kaya naman agad nawala ang ngiti sa mga labi nito.
Si Jasper ang matalik kong kaibigan dahil simula bata pa lang ay sabay na kaming lumaki kaya naman hindi na iba ang turingan namin sa isat isa. Kung kaya't alam na alam niya kapag di ako okay o kung may masama akong dinaramdam. Nag salubong ang mga kilay niya at matamang tumitig sa akin. Agad naman akong nag iwas para lang hindi niya mapansin na umiyak ako kanina kahit na alam kong halatang halata naman talaga iyon.
"Umiyak ka?" Takang tanong niya.
"Hindi napuwing lang ako kanina habang nag lalakad. Sige na Jasper pasok na muna ako." Pag dadahilan ko at tatalikuran na sana siya nang hilahin niya ako paharap sa kanya.
"Bakit ka umiyak? Anong nangyari sa mansiyon? May umapi ba sayo ruon o may nambastos?" Nag aalala niyang sinabi.
Ganito palagi sa akin si Jasper. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya para ko na din siyang kuya kung ituring. At ako naman para ng nakakababatang kapatid sa kanya. Nuon pa man kami na talaga ang palaging magkasama. Madalas kasi akong mabully ng mga kalaro naming mga babae nuon dahil ang sabi nila sa inggit daw kasi maganda daw ako. Sa tingin ko hindi naman dahil duon. Kaya sila inis sa akin ay dahil close ako kay Jasper na crush nila. Gwapo at mabait si Jasper kaya marami ring nagkakagusto sa kanyang mga dalagang taga rito. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kanya kung gwapo na siya tapos mabait pa. Nag susumikap din siyang makapag tapos ng pag aaral. Kaya lalo tuloy humahanga ang mga taga rito sa kanya.
"Siguro masama ang ugali ng amo mo! Ang rinig ko ay nandyan na daw iyong apo ni senyor ah. Iyon ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak? May ginawa ba sayo?" Muling sabi ni Jasper pero iling lang ang isinagot ko.
"Halika rito." Aniya sabay hila sa akin upang makayakap sa kanya. Walang pag aalinlangan ko naman siyang niyakap ng mahigpit.
Sana pala si Jasper na lang iyong naging crush ko. Siguro mas madali lang dahil hindi naman nalalayo ang agwat naming dalawa hindi kagaya ni Nicholas na napakalayo sa akin. Bukod sa mas malaking agwat ng edad namin, malaki din ang agwat ng estado namin sa buhay kaya imposible talaga.