Kabanata 5
So near yet so far
A P P L E
Isang buwan akong hindi na muna bumalik sa mansiyon pagkatapos ng nangyari. Nag tataka na nga si tatay at kinakamusta na din daw ako ni manang pero dinahilan ko na lang na maraming activities sa school kaya hindi ako makabisita. Minsan nililibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pag sama kay Jasper sa may dalampasigan. Minsan naman tinuturuan niya ako sa mga assignments ko kapag di ko magawang sagutan. Maayos namang natatapos ang buong araw ko kahit hindi na ako bumibisita sa mansiyon ng mga Montemayor. Siguro unti unti na din akong nasasanay. Mabuti na lang at palaging may libreng oras si Jasper nitong mga nakaraang araw. Nasasamahan niya ako palagi kapag naiinip ako sa bahay.
Tulad ngayon nasa tabing dagat kami at napagkatuwaan naming bumuo ng sand castle.
"Malapit na pala ang kaarawan mo. Anong gusto mong matanggap na regalo?" Biglang tanong ni Jasper habang gumagawa kami ng sand castle.
Sandali akong natigilan upang mag isip ng gusto kong regalo para sa ika-labing pitong kaarawan ko. Ngunit agad din akong napasimangot nang may maisip.
"Wala. Baka mamaya galawin mo nanaman iyong ipon mo para lang mabilan ako ng regalo. Wag na lang." Sabi ko.
"Wag mong isipin ang ipon ko. Maramirami na iyon saka iniipon ko talaga iyon para mabilan kita ng regalo sa birthday mo." Aniya nang magkasalubong ang kilay.
"Akala ko ba gagamitin mo iyan para makapag college ka sa maynila? Onting panahon na lang gagraduate ka na sa senior. Kailangan mo ang pera na iyan." Sabi ko nang nakalabi.
Iyon kasi talaga ang plano naming dalawa na kapag nakapag tapos kami ng senior dito ay luluwas kami ng maynila para duon na mag aral ng college. Dahil alam naming mas magaganda ang mga unibersidad duon kaysa rito saka plano din namin kumuha ng trabaho dun habang nag aaral para may pang gastos kami. Kaya alam ko na iyong ipon niya ay para talaga sa pag mamaynila niya.
"Naisip ko lang, hindi na muna siguro ako mag c-college. Hintayin na lang muna kitang matapos sa senior saka tayo sabay na pupunta ng maynila." Aniya nang nakangiti. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa pagka mangha sa sinabi niya. Hindi ko akalaing maiisip niya ang bagay na iyan.
Gusto ko na siyang makapag tapos pero syempre gusto ko din na sabay na kaming lumuwas lalo pa at wala akong alam sa maynila. Ayokong lumuwas nang mag isa kaya lang kung hihintayin niya pa ako male-late na siya. Gusto pa naman ng tatay niya na makapag tapos siya agad ng pag aaral para makatulong dito. Ngumuso ako.
"Hindi pwede. Hindi din ako papayag. Kailangan mong mauna duon para makapag tapos ka kagad. Dalawang taon lang naman at susunod na ako sayo duon. Dalawang buwan na lang at mag sesenior na ako." Nakangiti ko nang sabi.
"Siguro natatakot kang bumyahe mag isa pamaynila ano?" Pang aasar ko nang makita kong medyo nalungkot siya sa gusto kong mangyari.
"Hindi iyon ang kinakatakot ko." Aniya at seryosong tumingin sa akin.
"Eh kung hindi iyon. Ano?" Takang tanong ko naman.
"Baka mamaya may manligaw sayo dito habang wala ako. Baka maloko ka pa ng kung sinong lalaki. Hindi pa naman kita mababantayan kung nasa maynila ako. Mahirap na." Aniya na mukhang naiinis sa iniisip.
"Hindi naman ako nag papaligaw. Bata pa ako para duon." Sabi ko habang napapatungo. Bigla ko kasing naisip ang mga sinabi ni Nicholas sa akin nuong nakaraang buwan. Na masyado pa raw akong bata para sa mga ganung bagay.
"Mabuti at alam mo." Aniya nang nakangisi.
Inirapan ko siya at dumakot ng buhangin upang ibato sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko pero nang makabawi ay agad din siyang dumakot ng buhangin upang isaboy sa akin pero mabilis na akong tumakbo palayo sa kanya.
Nagtititili ako habang mabilis na tumatakbo palayo sa kanya. Nang lingon ko siya habang patuloy pa din sa pag takbo ay nakita kong bigla siyang natigilan sa pag takbo at parang nakatingin na lang sa tinatakbuhan ko. Bago pa man ako makabaling muli sa harapan ko ay sumalpok na ako sa isang matigas na dibdib. Bigla na lang nag huramentado ang t***k sa dibdib ko nang hindi ko malaman ang dahilan. Nang mag angat ako ng tingin upang makita kung sino ang nabangga ko ay agad na nalaglag ang aking panga sa sobrang pagkagulat. Mangha kong pinag masdan ang lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan at mukhang seryosong seryoso. Pagkatapos ng isang buwan ay ngayon ko na lamang ulit siya nakita kaya naman pinag halong kaba at galak ang naramdaman ko pagkakita sa kanyang mukha. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya, pinag mamasdan ang bawat parte ng kanyang mukha. Sinusulit ang pagkakataong nasilayan ko siyang muli.
Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga dahil sa kung anong bagay kaya naman agad akong napaatras. Hihingi na sana ako ng paumanhin sa pagkakabangga ko sa kanya nang bigla siyang mapatingin sa likoran ko.
"Is that boy, your boyfriend? Kaya ba di ka na bumalik sa mansiyon? You're busy with your boyfriend." May panunuksong sabi niya. Sinimangutan ko siya at agad na umiling.
"H-Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko siya." Sabi ko habang mariing nakatingin sa kanya. Muli niyang ibinaling ang tingin niya sa akin.
"Ang sabi ko, mag aral ka lang muna. Kung alam ko lang na mag bo-boyfriend ka lang din naman edi sana hinayaan na lang kitang bumisita sa mansiyon." Aniya sa matigas na tono na ikinagulat ko. Bago pa man ako makapag salita ay agad na siyang tumalikod sa akin.
"Pumunta ka sa mansiyon bukas. Hinahanap ka na ni manang." Aniya bago nag dirediretsyong nag lakad palayo. Bago pa man siya makalayo ng husto ay agad na akong sumigaw.
"Hindi ako pupwede bukas!" Sigaw ko para lang makasigurong narinig niya nga ako pero hindi na niya ako pinansin at nag patuloy sa pag lalakad.
Wala naman siguro siyang pake kung pumunta man ako o hindi bukas. Kailan ba siya nagkaruon ng pake sa akin? Ni hindi nga niya naisip kahit kailan ang nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya akong bata. Hindi ko alam kung bakit ba ako natuwa nang makita siya kanina! Dapat mainis ako kasi nakita ko nanaman siya pagkatapos kong umiwas sa kanya ng isang buwan. Ang akala ko pa naman nawala na ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya pero ngayong nakita ko siya parang bigla na lang bumalik ang lahat. Nakakainis naman. Hindi naman talaga siya ang gusto ko eh! Iyong litrato niya. Mas mukhang mabait iyon kaysa sa kanya kaya bakit ako nag papaapekto sa kanya ng ganito. Hindi naman siya ang crush mo in the first place kaya tumigil ka na dyan sa pag eemote mo, Apple. Ang isipin mo na lang, iyong litrato niya ang crush at hindi siya mismo. Kahit na mas gwapo siya sa personal kaysa duon sa litrato niya. Tama ganun na nga ang dapat mong isipin.
Hindi ko na namalayan ang biglang pag lapit ni Jasper sa akin. Nag tataka niya akong tinignan.
"Iyon ba ang apo ng Senyor?" Agad na tanong nito nang tuluyang makalapit.
Marahan akong tumango habang nauupo sa buhanginan. Pakiramdam ko bigla akong nanghina nang makausap ko lang siya saglit. Ewan ko ba. Siya lang yata ang may epekto ng ganito sa aking sistema. Hindi naman ako ganito sa ibang tao pero pag siya bigla na lang akong nanghihina sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Anong sinabi niya sayo?"
Naupo siya sa tabi ko.
"Sinabi lang niya na hinahanap na ako ni manang." Sabi ko.
"Oo nga pala. Parang hindi ka na bumibisita sa mansiyon. Nagka problema ba duon?"
Umiling iling ako.
"Hindi naman."
"Eh bakit hindi ka na bumalik?" Tanong niya pa ulit.
"Gusto ko ng umuwi Jasper. Pagod na ako." Sabi ko kaya agad naman siyang tumango at hindi na nag tanong pang muli.
Kinabukasan ay napag pasiyahan kong mag tungo sa mansiyon kahit na sinabi ko kay Nicholas na hindi ako pwede sa araw na iyon. Hindi ko naman siguro siya makikita duon. Di ba busy naman siya sa pamamahala ng buong hacienda? Saka malawak naman iyon. Hindi na siguro kami mag tatagpo. Iiwas na lang ako kapag makita ko siya. Namiss ko na din kasi si manang. Matagal na din ang isang buwan tiyak na namimiss na din ako nun. Pinusod ko ang mahaba kong buhok at nag tungo na sa mansiyon. Nakangiti akong pumasok sa loob dahil sa pagkasabik. Ang tagal ko ring hindi nabisita ito. Dumaan muna ako sa isang parte ng sala kung saan ako madalas tumatambay upang pag masdan ang crush ko. Hindi si Nicholas! Kundi ang larawan niya! Napangiti ako pagkakita sa crush ko pero agad din akong lumayo duon sa takot na mahuli ako ni Nicholas na tinititigan ang larawan niya.
Dumiretsyo ako sa kusina kung saan palaging naruon si manang pero hindi siya ang nadatnan ko ruon kundi ang kamukha ng crush ko. Aatras na sana ako para makaalis duon pero agad siyang napalingon sa direksiyon ko. Tumaas ang kilay niya pagkakita sa akin. Na para bang namamanghang nakita niya ako rito. Hindi ba siya naman ang nag sabi na pumunta ako dito? Tsk! Pero ang sinabi mo naman Apple, hindi ka pwede.
"Ah hinahanap ko lang si manang." Sabi ko na medyo natataranta dahil sa titig niya.
"Akala ko ba hindi ka pwede?" Anito.
"A-Ano kasi.." Agad akong umisip ng palusot.
"Maaga kong natapos ang mga assignments ko kaya nakadalaw ako dito. Sige hahanapin ko pa si manang." Sabi ko at balak na sanang tumalikod nang bigla uli siyang mag salita.
"Samahan mo ako sa koprahan." Parang wala lang niyang sinabi. Agad akong napalingon sa kanya ng may pagtataka sa mukha.
"Ako po senyorito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Itinuro pa ang sarili.
Luminga linga siya sa paligid na para bang sinasabing para sa akin talaga iyon dahil wala namang ibang taong naruon. Agad akong nataranta sa gusto niyang mangyari. Ako? Sasamahan ko siya sa koprahan? Kaming dalawa? Magkasama? Akala ko ba ayaw niya akong nakikita sa paligid dahil naiirita siya sa akin? Bakit ngayon gusto niyang samahan ko siya sa koprahan.
"Mag hahatid tayo ng pananghalian ng mga trabahador duon." Aniya. Ngunit parang hindi pa din rumerehistro sa isip ko ang gusto niyang mangyari kaya hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.
Bitbit ang isang basket na puno ng mga pagkaing para sa mga trabahador ay nilampasan na niya ako. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kanya.
Nag taka pa ako nang dumiretsyo sa kuwadra ng mga kabayo. Ibig sabihin ba nito ay mangangabayo siya? Hindi! Ang ibig sabihin ay sasakay kaming dalawa sa kabayo. Pero teka hindi naman ako marunong mangabayo ah! Paano ako makakasakay dyan? Pwera na lang kung isasakay niya ako. So isasakay niya nga ako? Sasakay kaming dalawa sa iisang kabayo lang? Para akong mabubuhal sa kinatatayuan ko habang iniisip na isasakay niya nga ako sa kabayo. Ang isipin lang iyon ay tila nanghihina na ang mga tuhod ko paano pa kaya kung mangyari na nga iyon.
Pinanuod ko siyang ilabas ang isang kabayo mula sa kwadra nito bago siya bumaling sa akin.
"Come." Tawag niya at ako naman itong sunod sunuran lang sa mga gusto niyang mangyari, lumapit na sa kanya.
"A-Ano kasi, hindi ako marunong sumakay niyan." Sabi ko.
"Hawakan mo ito." Utos niya sabay bigay sa akin ng basket na hawak hawak niya. Agad ko naman siyempre itong tinanggap.
Napatili ako nang bigla na lamang niya akong itinaas at pinasakay sa kabayo. Mabuti na lang at mahaba ang suot kong bestida kaya hindi ako masisilipan kahit na medyo umangat ang suot ko.
Muli akong napatili nang maramdaman kong kumilos ang kabayo. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay mahuhulog ako ruon mabuti na lang at naka hawak pa din ang braso ni Nicholas sa aking baywang para suportahan ako at hindi mahulog. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa dahil sa pag tili ko. Sinimangutan ko siya dahil mukhang nang aasar pa siya habang ako dito ay nininerbiyos na. Sumampa na din naman siya sa kabayo hindi nag tagal ngunit parang lalo yatang tumindi ang nerbiyos ko nang makasakay na siya sa likod ko. Ngayon ay hindi na dahil takot akong mahulog kundi dahil natatakot akong mas lalo pang mahulog sa kanya dahil sa pagkakalapit naming ito.
Sobrang lapit niya sa akin na halos maramdaman ko na ang pag hinga niya sa aking tenga. Bumilis ang tahip sa aking dibdib. Ito nanaman ang pamilyar na pakiramdam kapag naglalapit kami o di kata ay nakikita ko lang siya. Sumisikip ang dibdib ko at nagiging abnormal ang pag pintig ng aking puso. Ganito ba talaga kapag may gusto ka sa isang tao? Lahat ba nakakaramdam ng ganito? Para akong nanghihina sa sobrang kaba. Hindi ko akalain na ang lalaking tinitignan ko lang sa litrato ay heto na at abot kamay ko na. Abot kamay nga ba, Apple. Ito na siguro iyong sinasabi nilang; 'so near yet so far'. Iyong ang lapit lapit na niya sayo pero hindi mo pa din siya makuhang abutin. Ang hirap pala ng ganito ano?
Ang hirap palang magkagusto sa isang taong alam mong ang layo layo ng agwat ng buhay sa iyo. Pero teka nga muna sandali lang, Apple hindi ba ang sabi mo ay ang litrato lang niya ang crush mo at hindi ang lalaking iyan kaya ano pa ang inaarte arte mo diyan? Hindi ka dapat nagkakaganyan lang dahil lang sa lalaki na iyan. Hindi ba umpisa pa lang naman alam mo na ang agwat niyo sa buhay kaya dapat talaga hindi mo na ginusto iyan eh! Pahamak kasing litrato iyan. Kung hindi ko sana nakita iyon, hindi siguro ako ganito ngayon kabaliw sa kanya. Kasalanan ko talaga ito eh. Ang bata bata ko pa kasi lumalandi na ako iyan tuloy hindi na ako makawala pa dito sa nararamdaman ko na 'to.
"Is it your first time riding a horse?" Aniya sa tonong parang nag lalambing pero syempre guniguni ko lang iyong parang nag lalambing. Imposible naman kasing mangyari iyon.
"Ah.. Oo." Nataranta pa ako sa pag sagot at parang hindi pa ako sigurado sa isinagot ko. Ano ba ito! Nag mumukha na akong tanga dito. I swear mukha na akong constipated sa itsura ko ngayon.
"Are you scared?" Tanong niya muli. Napansin niya siguro ang panginginig ng kamay ko habang bitbit ang basket.
"Ah medyo." Kabado ko pa ding sagot.
"Should I slow down?"
"Wag na! Baka nagugutom na ang mga tao. Okay lang ako rito."
"Are you sure?"
Tumango na lang ako bilang sagot kaya ipinag patuloy na lamang niya ang pag papatakbo sa kabayo hanggang sa makarating na kami sa koprahan. Saka lang ako naka hinga ng maluwag nang ibaba na niya ako sa kabayo.
Mabuti naman at nakarating kami rito nang hindi ako nahihiatay. Akala ko kasi kanina hihimatayin na ako sa sobrang nerbiyos at bilis ng t***k ng puso ko. Mabuti na lang at hindi naman.