Kabanata 23 Possessive wife A P P L E Parehong may ngiti sa mga labi namin nang bumalik kami ng mansiyon. Magkasalikop pa din ang aming mga daliri kaya lahat ng makasalubong naming kasambahay ay napapalingon sa amin. Hindi na lang namin iyon pinansin. Masiyado kaming masaya para pag tuunan ng pansin ang ibang tao. Kahit na hindi official ang nangyaring kasalan kanina ay para sa amin ay sagrado iyon. Wala mang pinirmahang kasulatan ngunit nangako naman kami pareho sa harap ng panginoon kaya para sa amin ay tatoong kinasal na kami. Wala na akong ibang gugustuhin pa kundi siya lang at siguradong sigurado na ako duon. Habang buhay ay siya lang. Siya lang ang para sa akin at ako lang rin ang para sa kanya habang buhay. Humigpit ang hawak niya sa palad ko nang huminto kami sa kwartong pansa

