Kabanata 10
Gusto
A P P L E
"Here." Inilapag ni Nicholas sa harap ko ang pagkaing niluto niya.
Mangha ko iyong tinitigan. Mukhang ang sarap sarap naman litratohan nitong luto niya tapos ipag mamalaki ko kay tatay. Ang sarap siguro nito. Kaya lang wala naman akong cellphone para magawa iyon.
"Anong tawag dito?" Tanong ko habang inaabot ang kutsara sa gilid ng aking pinggan.
"Chicken cordon bleu." Aniya bago humila ng silya palapit sa pwesto ko at duon naupo.
Napatingin ako sa kanya ng ilang sandali dahil sa ginawa niya. Parang masyado naman yata siyang malapit ang pwesto niya sa akin. Nang mapansin niya ang panandalian kong tingin ay agad siyang nag taas ng kilay.
"Why?"
"W-Wala." Umiling iling ako pero nag salubong ang kilay ni Nicholas.
"Hindi ka komportable sa pwesto natin?" Tanong nito.
"Hindi! Okay lang sa akin na ganito tayo kalapit total tayong dalawa lang naman ang narito. Ang panget naman kung sobrang layo ng upuan mo sa akin." Mabilis kong sinabi na nag palalim pa lalo ng kunot sa kanyang nuo bago siya tumawa ng marahan.
Hindi pa din ako makapaniwala na maayos na kami ulit ngayon. Akala ko talaga ay habang buhay ko na siyang hindi makakausap ulit. Mabuti na lang at hindi naman ganun. Siguro naawa siya sa akin kanina nung umiyak ako. Mabait kasi talaga siya at siguro ayaw niya nang may nasasaktan siyang tao. Kaya imbis na pumunta sa mga kaibigan niya ay nandito siya sa tabi ko at sinasamahan ako.
"Bumalik ka na duon sa mga kaibigan mo. Ayos na ako dito." Sabi ko.
"Don't mind them. I'm staying here." Aniya at kinuha ang kutsara sa aking kamay upang ipang sandok duon sa niluto niya bago iyon tinapat sa aking bibig. Agad akong napa tingin sa kanya sa pagka mangha.
Susubuan niya ako? Bakit naman niya ako susubuan eh kaya ko namang kumain ng mag isa?
"What?" Anas niya nang hindi ako ngumanga at pinag masdan ko lang ang kutsarang may lamang pagkain na nasa ere.
"Ako na." Sabi ko pero hindi niya ibinigay sa akin ang kutsara at pinanindigan niya ang kagustuhan niyang subuan ako kaya naman wala na akong nagawa kundi ang isubo ang kutsarang hawak niya.
Mangha ko siyang tinignan pagkatapos matikman ang kanyang niluto. Ang sarap sarap nito. Ngayon lang talaga ako nakatikim ng ganuon kasarap na pagkain parang iyong mga niluto niya lang nuong birthday ko. Ang sarap sarap. Ngumiti ako.
"Ang sarap sarap." Sabi ko habang malawak pa din ang ngiti sa mga labi.
Muli siyang sumandok duon ngunit laking gulat ko nang isubo niya iyon sa sarili. Ibig sabihin ay kumain siya sa kutsarang pinagkainan ko rin. Hala! Hindi maka paniwalang pinag masdan ko siya habang nginunguya ang pagkaing isinubo mula sa kutsarang ginamit ko. Bumilis ang tahip sa dibdib ko kaya naman agad akong napahawak ruon. Kumunot naman ang nuo niya sa naging reaksiyon ko.
"B-Bakit dyan ka kumain? Kinainan ko na 'yan."
"Bakit? Ayaw mo ba? Ikuha ulit kita ng panibagong kutsara?" Tanong niya at nag babalak na sanang tatayo nang pigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak ng kutsara at kinuha iyon mula sa kanya.
"Hindi. Okay na ako dito." Sabi ko habang hawak na ngayon ang kutsara. Humarap ako sa pagkain at sinimulan nang kainin iyon habang ramdam ko naman ang titig niya sa akin habang ginagawa ko iyon.
Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Parang kanina lang sobra ang iniyak ko nang makita ko siyang may kahalikang babae tapos ngayon bigla na lang napawi iyong sakit na nararamdaman ko kanina at napalitan na lang ng purong saya. Ang saya saya ko dahil maayos na ulit kaming dalawa. Ang saya ko din dahil tinupad niya ang sinabi niya sa akin na ipag luluto niya ako tuwing linggo. Ang sarap sarap ng ganito. Sana palaging ganito kasaya. Kahit na alam ko naman na lahat ng ito pansamantala lang dahil darating ang araw na masasawa din siyang pag bigyan ako sa mga ganitong bagay.
Dahil alam ko din na ang lahat ng labis na saya ay may kapalit na mas labis pang kalungkutan. Pero hindi ko na muna iisipin ang tungkol sa bagay na yun. Ang mahalaga sa akin ngayon ay masaya ako at para akong nakalutang sa mga ulap sa sobrang saya ng nararamdaman ko.
Habang sumusubo ako ay biglang hinuli ni Nicholas ang kamay ko. Nahinto ang tingin niya sa palapulsuhan ko kung saan naka suot ang bracelet na bigay ni Jasper. Nag salubong ang mga kilay niya bago niya iangat muli sa mga mata ko ang tingin.
"Bakit hindi mo suot ang bracelet na bigay ko? At kanino galing itong suot suot mo?" May inis niyang tanong.
"Naisip ko kasing baka mawala iyong bigay mo sa akin kapag sinuot ko araw araw kaya itinabi ko na lang muna. Gusto ko sanang ingatan ang unang bagay na ibinigay mo sa akin. Mukhang mamahalin pa naman iyon sayang naman kung maiwawala ko lang."
"At kanino galing yan?"
Nag alangan pa ako bago sumagot.
"Kay Jasper." Sabi ko na hindi makatingin ng diretsiyo sa kanyang mga mata.
"So mas gusto mong suotin ang bigay ng ibang lalaki kaysa sa bigay ko?" May galit sa boses niya nang sabihin niya iyon.
"Hindi! Hindi ganun iyon!" Depensa ko agad bago pa siya mag isip ng kung ano ano.
"Gusto ko lang talagang ingatan iyong binigay mo pero kung gusto mo. Bukas na bukas din iyon na ang susuotin ko. Wag ka lang magalit ulit sa akin." Sabi ko sabay tungo.
"I'm not mad."
"Tampo lang?"
Selos? Imposible! Bakit naman siya mag seselos eh wala naman siyang gusto sa akin. Ikaw talaga Apple kung ano ano na lang ang naiisip mo.
"More like jealous." Aniya na parang wala lang iyon sa kanya.
Ito nanaman tuloy ako. Nag huhuramentado nanaman sa pagkabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang hindi ko naman naintindihan ang ibig sabihin. Nag seselos siya? Pero bakit naman siya mag seselos eh hindi naman niya ako gusto? Hindi ko na alam! Hindi ako makapag isip ng maayos habang ganito siya kung makatingin sa akin ngayon.
"Isuot mo ang ibinigay ko sayo." Aniya sa seryosong tinig at ako naman itong sunud sunurang tumango na lamang at sumang-ayon sa gusto niyang mangyari.
Kinabukasan nuon ay isinuot ko na ang bracelet na ibinigay niya sa akin bago ako pumasok sa skwelahan. Agad naman iyong napansin ni Sugar kaya naman pilit niya akong tinatanong kung kanino iyon nang galing. Sinabi ko lang na sa isang kaibigan pero ayaw niyang maniwala. Wala naman daw kasi siyang kilalang kaibigan ko bukod sa kanya at kay Jasper. Siguro daw ay bigay ito sa akin ng isang mayamang manliligaw at inililihim ko lang sa kanya. Kung ano ano talagang iniisip ng babaeng ito. Oo nga at mayaman si Nicholas pero hindi ko siya manliligaw ano.
Naging regular na ulit ang pag dalaw ko sa mansiyon tulad ng dati. Hindi ko na din kailangan magkaruon ng takdang aralin para turuan ako ni Nicholas dahil siya na mismo ang nag kukusang tignan ang mga notes ko. Tinatanong niya ako kung alin duon ang hindi ko gaanong makuha at iyon ang ituturo niya sa akin. Matalino talaga siya. Siguro nag mana sa kanyang ama na ang sabi ni manang ay magaling daw sa pag papatakbo ng negosiyo.
Mas nagiging komportable na din akong kasama siya habang tumatagal iyon nga lang hindi ko pa din talaga makuhang makipag sabayan ng titig sa kanya ng matagal. Naiilang pa din ako at hindi na yata mawawala iyong pakiramdam na iyon hanggat may nararamdaman ako para sa kanya. Pero kapag hindi naman siya naka tingin ay nagagawa ko namang titigan siya ng malaya. Tulad ngayon, may pinapaliwanag siyang kung ano tungkol sa subject ko sa math habang ako naman ay nakangiting nakatitig lamang sa kanya habang seryoso siya sa kanyang pag papaliwanag. Nandito kami ngayon sa library ng mansiyon. Palagi kaming nandito kapag tinuturuan niya ako sa mga subjects ko.
"Nakikinig ka ba?" Masungit na sabi niya nang mapansing tinititigan ko lamang siya at hindi sinasaulo ang mga paliwanag niya. Mabilis akong tumango.
"Ano nga ulit ang huling sinabi ko?"
"Uhm.." Pilit akong nag hanap ng sasabihin. Hindi naman kasi talaga ako nakikinig. Paano ko ba naman kasi mapapalampas ang pagkakataon na ito na matitigan siya ng malaya. Minsan lang ito kaya sinusulit ko na.
"Pwede bang coffee break muna? Kukuha ako ng maiinom natin." Sabi ko sabay tayo upang tumakas pero mabilis niya akong nahila kaya agad akong napabalik sa pwesto ko kanina.
"Di ba ang sabi ko, mag focus ka muna sa pag aaral? Bakit tila nagiging distraction pa ako sa pag aaral mo?" Naka taas ang kilay na sabi niya.
"Nag aaral naman ako ng maayos ah. Hindi lang ako makapag focus ngayon kasi.."
"What?"
"Nagugutom ako. Gusto ko na talagang kumain. Pahinga na tayo!" Sabi ko upang iwala ang usapan. Palagi kasi siyang ganiyan kapag alam niyang nawawalan ako ng gana mag aral. Paano ba naman kasi galing na ako sa school tapos pag dating dito aral nanaman. Sino bang hindi tatamarin kung ganun?
"Okay fine, we'll eat but after that babalik tayo dito para mag aral." Aniya na agad ko namang pinang sang-ayunan. Siguro gagawa na lang ako ng paraan mamaya para malibang ko siya at makalimutan niya na kailangan pa naming bumalik dito.
Tumayo na siya at kinuha na ang palapulsuhan ko upang igaya sa kusina na para bang isang maliit na paslit. Hindi naman ako syempre nag reklamo dahil gusto ko naman talaga iyon. Sino bang may ayaw ng ganun. Nasanay na din naman ang mga kasambahay na palaging ganun si Nicholas sa akin. Siguro ang tingin nila ay parang isang nakababatang kapatid lang ang turing sa akin ni Nicholas at siguro nga ganun lang talaga iyong tingin niya sa akin. Parang naka babatang kapatid. Okay na din naman at least palagi ko siyang kasama at nahahawakan ko pa siya hindi tulad nuon na para bang ang layo layo niya sa akin. At least ngayon ang lapit lapit na niya sa akin at hindi ko na nararamdaman ang sobrang layong agwat ng buhay naming dalawa.
Isang hapon dinala ako ni Nicholas sa kuwadra ng mga kabayo upang turuan sana akong mangabayo pero dahil sa sobrang takot talaga akong mahulog duon ay isinakay na lang niya ako at namasyal na lang kami hanggang sa may kakahoyan kung saan kami malapit nakatira. Onti lang ang mga naka tayong bahay ruon at kung meron man ay layo layo pa ito kaya talagang delikado para sa nag iisa sa buhay ang tumira dito. Mabuti na lang at kasama ko si tatay sa bahay, kaya komportable akong nakakatulog sa gabi.
Huminto kami sa tapat ng isang kubong pahingahan. May malapit na sapa ruon kaya naman naisipan namin ni Nicholas na maligo na duon. Total mainit naman ang panahon at gusto naman naming mag palamig. Iyon nga lang kailangan kong umuwi nang basa dahil wala naman akong dala dalang pamalit lalo at hindi naman namin pinlano talaga ang pag punta rito. Ayos lang naman dahil malapit na lang naman dito ang bahay namin.
Mabilis akong lumusong sa tubig at nakangiting bumaling kay Nicholas na nuon pala ay nag huhubad na ng kanyang damit pang itaas. Biglang nag laho ang ngiti sa mga labi ko at manghang napa titig na lamang sa kanyang parang perpektong pangangatawan. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang katawan ni Nicholas kapag walang suot na pang itaas. Hindi ko naman kasi siya nakikitang nag wowork out kaya hindi ko na isip na ganito pala kaganda ang katawan niya. Ngunit na hinto ang tingin ko sa kanyang dibdib. May isang medyo may kalakihang peklat duon. Bigla tuloy akong napaisip kung saan galing iyon. Para kasi iyong peklat mula sa isang operasiyon.
Habang nag iisip ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala sa akin si Nicholas. Naka taas ang isang sulok ng labi nito habang nakatingin sa akin na para bang inaasar ako dahil nahuli niya akong naka titig sa kanyang katawan. Sinimangutan ko siya at sinabuyan ng tubig sa mukha habang unti unting lumalayo sa kanya. Sinubukan niyang lumapit ulit sa akin pero sa tuwing gagawin niya iyon ay sinasabuyan ko siya ng tubig kaya naman hindi niya magawang makalapit sa akin.
"Stop it Apple!" Inis na sabi niya habang sinasabuyan ko siya ng tubig.
"Ayoko nga! Bakit ako hihinto?" Natatawang sabi ko pero nagulat ako nang mabilis siyang sumisid pailalim at bago pa man ako maka kilos sa kinatatayuan ko ay may mga braso nang pumulupot sa bewang ko.
"Damn it!" Aniya nang umahon sa harapan ko.
Para akong napako sa kinatatayuan ko sa sobrang pagka gulat sa ginawa niya. Naka yakap pa din ang mga braso niya sa bewang ko. Nag simula na naman sa pag tahip ng mabilis ang puso ko at para akong hinihingal sa bilis nuon. Mataman niya akong tinitigan habang ako din naman ay nakatitig lang sa kanya. Hindi magawang ikilos ang katawan dahil parang bigla na lang nang hina ang binti ko at hindi na magawang kumilos nuon. Para na din akong pansamantalang nawala sa sarili ko habang naka titig sa mga mata niya. Ito ang unang beses na tinitigan ko siya nang naka tingin din siya sa akin. Ang lakas lakas na ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko naririnig na niya iyon pero wala akong pakealam sa mga oras na iyon kundi ang sulitin ang sandaling panahon na matitigan ko siya ng ganito kalapit.
Kung hindi lang siya naka yakap sa bewang ko ay siguro kanina pa ako nabuhal sa kinatatayuan ko sa sobrang panghihina.
Nakita kong bumaba ang tingin niya mula sa aking mata pababa sa aking mga labi. Sandali iyong nag tagal ruon bago niya ibinalik sa mga mata ko ang tingin. Napa kagat ako sa akong labi sa kagustuhang pigilan ang sariling mapangiti sa labis labis na saya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang pumulupot ang mga braso ko sa kanyang batok. Nag salubong ang kilay niya sa ginawa kong iyon at seryoso akong tinignan na para bang nananansiya.
"Bakit pakiramdam ko ay gusto mo rin naman ako ngunit pinipigilan mo lang dahil alam mong bata pa ako. At hindi pa pupwedeng maging tayo dahil wala pa ako sa tamang edad." Hindi ko alam kung saan ko nahagilap ang mga salitang iyon, basta ang alam ko lang ay basta na lamang iyong lumabas sa bibig ko bago ko pa man iyon naisip.
Natigilan siya na para bang nagulat sa aking sinabi. Pero sandali lang iyon agad ding bumalik sa pag seseryoso ang kanyang mukha.
"Hindi lang gusto. Gustong gusto." Walang kaabog abog niyang sagot.
Napa awang ang mga labi ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inasahang papatulan niya ang kalokohan ko at sasagutin ang hindi naman seryosong tanong na iyon. Pero mas hindi ko yata inasahan ang naging sagot niyang iyon.