Kabanata 13 Her day A P P L E At dumating na nga ang araw na pinaka hihintay ko. Sa wakas eighteen na ako! Pwede na akong mag desisyon para sa sarili ko at magawa ang mga bagay na hindi ko pwedeng gawin nuon. Hindi na din ako tutuksuhin ni Nicholas na bata dahil nasa tamang edad na ako. Napangiti ako ng malawak nang maisip ang mga bagay na pwede ko ng gawin ngayong nasa wastong gulang na ako. Pwede na ako makipag boyfriend di ba? Kasi nasa tamang edad na ako. Ibig sabihin kahit papano may chance nang maging kami ni Nicholas. Pinupok ko ang sarili ko ng unan dahil sa naisip na iyon. Ang taas mo namang mangarap Apple, ang aga aga pa lang. Ah basta! Masaya ako ngayong araw dahil pwede ko ng gawin ang kahit anong gustuhin ko nang hindi na kinakailangan ng pahintulot ni tatay. Tatayo pa

