Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tamad ko itong kinuha sa tabi ko at nakitang unknown number ang tumatawag. It's already ten thirty at sinong nasa matinong pag-iisip ang tatawag ng ganitong oras? "Hello?" Tahimik sa kabilang linya. Tinignan ko pa kung nandiyan pa ang tawag dahil walang nagsasalita. "Hello?" Ulit ko Buntong hininga ang bumungad sa akin, followed by an husky voice, "Hi? Still up?" Ramdam ko ang kalabog ng puso ko ng marecognize kung kaninong boses iyon! Tila nawala ang antok ko at napaupo ako ng wala sa oras. Bakit siya tumawag? Safe naman siyang nakauwi, hindi ba? What if hindi? "Mavy? Nakauwi kana? May problema ba? Bakit ka napatawag? Where are you?" Sunod-sunod na tanong ko. Mumunting tawa lang ang narinig ko at agad namula ang mukha ko n

