bc

Vena Dusa: The Fallen Princess (TAGALOG) (COMPLETED)

book_age12+
1.6K
FOLLOW
11.2K
READ
fated
goodgirl
powerful
princess
tragedy
magical world
betrayal
lies
special ability
like
intro-logo
Blurb

Minsan mo na bang pinangarap na magkaroon ng kapangyarihan? O baka ang kaibigan mo ang nangangarap na maging isang diwata? Paano kung lumaki kang iniisip na wala ng magulang ngunit mali pala ang lahat ng ito?

Gaya nalang ng nangyari kay Eade. Siya ay lumaking iniisip na wala na siyang magulang ngunit isang araw, may lalaking nagpakita sa kaniya at nagpabago ng takbo ng buhay niya.

Mga impormasyon patungkol sa kaniya na nalaman nkya dahil sa tulong ng lalaki, si Mavy. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Eade sa lahat ng impormasyong iyon? Ano kaya ang pagbabagong mangyayari sa buhay niya?

Paano kung ang matagal na niyang pangarap na makasama ang mga magulang ay matupad ngunit agad ding bawiin ng tadhana? Paano kunh ang matagal mong pinangarap ay babawiin rin pala agad ng tadhana sa isang iglap.

chap-preview
Free preview
Chapter One
     "Bakit ba kasi lagi ka nalang nakikipag-away ha?" Inis na inis si Callie habang ginagamot ang sugat na nakuha ko sa kutsilyo.  "Hindi ako nakikipag away, Callie. Inaaway ako, okay? Magka iba yun" iniiwas ko ang mukha ko sa hawak ni Callie dahil sa hapdi.   "Whatever. Bakit kasi hindi mo sila labanan ha? Hinahayaan mo kasi kaya namimihasa. Kung nandoon lang ako kanina naku baka kalbo na yung Sarah na yun!" Idiniin nya ang bulak sa pisngi kong may maliit na hiwa kaya napasigaw ako.   "Ano ba! Mahapdi ah!" Inis na sabi ko.   "Sorry hehe" nagpeace sign pa ang baliw. Napailing nalang ako. "Ayan tapos na" tumayo sya at iniligpit na yung first aid kit niyang dala sa bag.   Kinuha ko naman ang salamin sa bulsa ng uniporme ko at tinignan ang kanang pisngi ko na sinugatan ni Sarah kanina. Natatakpan ang sugat ng band aid. Medyo mahaba at pa-slant ito, mula sa malapit sa ibaba ng mata.   "Pasalamat talaga 'yang si Sarah at malakas ang kapit nya." Bumubulong bulong pa si Callie habang nililigpit ang gamit nya. Lunch break na kaya wala kaming ibang kasama dito sa classroom namin. Nasa Dubai halos lahat ng studyante para makakain na ng tanghalian.   "Hayaan mo na. Kumain nalang tayo" aya ko sa kanya para manahimik. Alam kong hindi talaga matatahimik si Callie hanggat hindi nakakaganti. Sa oras na makita niya o namin si Sarah, siguradong susugurin niya ito at pag sasabihan.   Wala namang epekto. Nagpapagod lang si Callie. Malakas ang kapit ni Sarah dahil anak sya ng Gobernador dito sa probinsya namin. Samantalang anak lamang ako ng business man, gayun din si Callie.   Siguradong gagamitin nya ang kapangyarihang hawak ng ama nya sa oras na gantihan namin sya. Kilalang palaban at bully itong si Sarah kaya't sanay na ang mga studyante sa halos araw-araw na away rito sa paaralan.   Simula elementary hanggang ngayong senior high school ay magkakasama na kami sa iisang school nina Callie at Sarah. Mabait naman noon si Sarah kaso nagbago simula high school dahil sa mga maling kaibigan na sinamahan nya.   "Alam mo dapat isumbong natin 'yang si Gov eh. Napaka corrupt" usal ni Callie. Naglalakad kami ngayon papuntang food center para mag lunch.   "As if naman may makikinig sayo. Hayaan mo na. Kakarmahin din yan"   "Ewan ko sayo. Puro ka 'hayaan mo na'. Sumobra ka sa bait eh. Kaya ka inaabuso at inaaway ng mga school mates natin" iiling-iling pa sya habang nag sasabi-sabi. Bungangera talaga.   Malapit na kami sa gate papasok ng Dubai, lugar sa school kung saan makikita ang iba't ibang karinderya, ng natanaw ko si Sarah na nasa ilalim ng puno ng mangga sa gilid ng gate at may hawak na softdrinks kasama ang mga kaibigan. Nilingon ko si Callie para tignan kung nakikita nya ba sina Sarah pero mukhang hindi.  "Callie, sa iba nalang tayo kumain" hinila ko ang kamay nya kaya napalingon sya sakin ng nagtataka.   "Hmm? Bakit? Gutom nako. Wag mong sabihing iniisip mong nandyan sina Sarah kaya umiiwas ka? Ayan na 'yung gate oh!" ngumuso pa siya para ituro ang gate. Unti-unting nagbago ang expression niya dahil nakita na niya sina Sarah na ngayon ay nag tatawanan na.   "Speak of the devil and the devil will come" bulong niya bago mabilis na nagmartsa palapit kina Sarah.  Napalingon sina Sarah kay Callie na ngayon ay malapit na sa kanila. Tumakbo ako para sana awatin siya kaso bago ko pa mahatak ang kamay nya, naitulak na niya si Sarah kaya napaatras ito ng kaunti.   Agad na kumilos ang mga kaibigan ni Sarah at hinawakan sa magkabilang kamay si Callie na ngayon ay namumula na sa galit.   "Hoy babaeng impokrita na anak ng magnanakaw!" Gigil na sigaw ni Callie. "Anong ginawa mo sa pisnge ng kaibigan ko, ha?"   Ngumisi si Sarah. Sinulyapan ako ng isang beses bago binalingan si Callie ng nakataas ang isang kilay at nakangisi. "Bakit? May problema ka ba sa ginawa ko? Maganda naman ah? Bagay sa pangit niyang mukha"  "You daughter of a btch!" Nagpumiglas si Callie kaya nabitawan sya ni Alessandra, kaibigan ni Sarah. Agad na sinabunutan ni Callie si Sarah kaya't mabilis din akong kumilos para awatin ang kaibigan ko kaso pinagtulungan din ako ng mga kaibigan ni Sarah.   Dehado kami dahil apat sila at dalawa lang kami. Hinatak ko ang buhok ng kung sino mang kaibigan ni Sarah na malapit sakin. Narinig ko ang sigaw nya at kasabay noon ay naramdaman kong humapdi ang braso ko. Siguro may kumalmot.   "Callie!" Sigaw ko ng makitang sinipa siya ni Sarah sa tiyan kaya natumba ang kaibigan ko.   "Ano? Ano, ha? Susugod-sugod kayo wala naman pala kayong binatbat!" Sigaw ni Sarah habang itinatayo si Callie. "Sa susunod, mag dala kayo ng bala bago sumugod sa giyera mga walang kwenta!" Isang beses pa niyang itinulak si Callie bago nag simulang pagpagan ang unipormeng natanggalan ng dalawang butones bago naglakad palayo.   Sumunod ang mga kaibigan ni Sarah sa kanya. Agad akong tumakbo palapit kay Callie na ngayon ay nakaupo sa sahig at iniinda ang sakit ng tiyan.   "Ayos kalang?" Tinulungan ko siyang tumayo. "Tara sa clinic. Ikaw naman kasi bakit kapa sumugod" sinermonan ko siya habang naglalakad papunta sa clinic. Medyo malayo ang Dubai sa clinic dahil nasa bandang likod ito ng school. May dalawang daan kang pwedeng pagpilian. Ang isang kanto na malapit sa Dubai pero kailangan pang lumiko ng dalawang beses habang ang isang kanto naman ay diretso lang papuntang clinic pero medyo malayo sa Dubai.   "Ano? Kesa naman hayaan ko 'yung impaktang Sarah na 'yun! Kailangan kitang iganti dahil alam kong hindi ka gaganti sa kanila!"   "Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan gumanti. Minsan mas magandang manahimik nalang at hayaan sila sa gusto nilang gawin." Ngumiti ako sa kanya, baka sakaling maramdaman niya ang sinseridad ng sinabi ko.   "Hay naku tumigil-tigil ka Eade Rodriguez ha! Saka hindi biro 'yung ginawa ni Sarah sayo kaninang umaga! Tignan mo tuloy pisngi mo!"   "Ewan ko sayo. Bahala ka" kumatok muna ako sa pintuan ng clinic bago ito binuksan.   Napalingon sa amin ang nurse na naka duty. "Anong nangyari?" Tanong niya ng makita ang namumulang pisngi ni Callie. May mga galos din sya sa hita at braso. "Away nanaman dahil kay Sarah Fajardo at mga kaibigan nya?"   Tumango ako. Umiling naman ang nurse na mukhang sanay na sa mga gulong kinasasangkutan ni Sarah.  "Hindi ko alam kung bakit hindi pa naki-kick-out ang batang 'yun. Puro lang naman stress ang naibibigay dito sa school." Aniya habang kinukuha yung mga tingin ko'y gamot o cream. Hindi ko alam.   Nagsimula na siyang gamutin ang mga galos ni Callie. Sinabi ko sa nurse na nasipa rin siya sa tiyan. Ayaw kasi sanang sabihin ni Callie dahil hindi naman na raw masakit pero para makasiguro na okay nga siya, sinabi ko nalang. At bawal ding magsinungaling sa mga medical personnel ano.   "Saka po pera, hehe" singit ni Callie na kasalukuyang nakaupo sa kama. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ang pisngi niyang namumula parin. Tapos na ang nurse sa panggagamot kay Callie at sinabihan niya itong magpahinga muna saglit.   "Sinampal ni Sarah?" Tumango sya sa tanong ko. Huminga ako ng malalim at tinitigan siya. "Sorry nadamay ka pa"   Napalingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, "dinamay ko sarili ko. Choice kong mapasama sa kung ano mang gulong mapasukan mo kaya don't worry." Kinindatan niya ako kaya napangisi at iling na lang ako.  "Miss..." nilingon ng nurse ang nameplate na nakapin sa I.D lace ko, "Rodriguez, akin na ang kamay mo" aniya.       Nilingon ko ang kamay ko. Kumunot ang noo ko ng makitang wala naman sugat doon kaya nag angat ako ng tingin sa nurse ng nagtataka.   "May galos ka sa braso baka di mo alam" tinuro niya ang braso ko sa pamamagitan ng pag nguso.  "Ahh nawala po sa isip ko" saad ko habang inilalapit sa kanya ang braso kong may tatlong mahahabang galos. Namumula ito at medyo mahapdi.   "Ay sino may gawa? Si Alessandra? Sira kutis mo bes" ani Callie habang tinitignan ang pisngi niyang mamula-mula pa. Mukhang malakas ang sampal ni Sarah ah.   "Hmm. Siguro. Hindi ko sigurado. Pinagtulungan ako ni Alessandra at Miray eh"   "May araw rin 'yang mga bully'ng yan" iiling-iling si Callie habang hinihimas ang pisngi.  "Anyway, umuwi nalang tayo. Late na tayo at lagot tayo kay Mrs. Pineda kapag pumasok pa tayo"   Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa may itaas ng pinto ng clinic at nakkitang thirty minutes na kaming late. Ipinagkibit balikat ko lang iyon. Wala na din namang magagawa. Magpapaliwanag nalang kami bukas sa prof.   At malaki naman ang chance na alam na niyang may gulong nangyari kanina. Madami ang nakakita at may pakpak ang balita. Siguradong may mga nagsumbong na at gaya ng dati, kahit lahat ng students ay mag sumbong, walang aksyong gagawin ang mga school officers dahil anak ng Gobernador ang involve. Ganun kalakas ang kapit ni Sarah.   "Kung gusto niyo, mag stay na muna kayo dito. Bibigyan ko kayo ng letter para ma-excuse kayo sa panghapong klase nyo" nginitian kami ng nurse bago umalis.   Ikinatuwa ni Callie ang sinabi ng nurse. Mabilis siyang humiga sa kama para siguro matulog. Kinuha ko naman ang aklat sa bag ko. Itutuloy ko nalang ang pagbabasa ko na hindi ko natapos kagabi dahil nakatulog ako. Fantasy ang genre ng kwento at tungkol ito sa mga angel. Mahilig ako sa ganoon. Minsan, hinihiling ko na sana amy kapangyarihan ako para cool at para wala ng mabully si Sarah at ang mga kaibigan nya dahil gagawin ko siyang ipis.   Nasa kalagitnaan na ako ng kwento ng magpaalam ang nurse na lalabas lang siya saglit dahil may pupuntahan lang daw siya sandale at babalik din agad. Aniya'y ako muna ang magbantay sa clinic. Tinanguan ko nalang, bayad sa paggamot niya ng mga sugat namin.   Mahimbing ang tulog ni Callie ng lingunin ko dahil siguro sa pagod sa pakikipag away. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya. Napakabuting kaibigan kaso medyo maingay at magulong kasama.   "Knock, knock" nilingon ko ang pintong nakabukas naman. May lalaking dumungaw doon.   Ngumisi siya ng makita ako. Tumayo ako para sana tanungin kung anong kailangan nuya kaso naunahan niya ako sa pagsasalita. "Ikaw ba si Eade Rodriguez na nakatira sa Redwood Village?"   Kumunot ang noo ko ng binaggit ng lalaking nakatayo na ngayon sa may hamba ng pintuan. Kinilabutan ako sa presensya niya. Naka itim mula sapatos hanggang sa pang itaas na damit. Sino ba ito? Mukhang hindi dito nag aaral. O nag aaral pa ba ito? Mukhang tambay pero gwapo.   Maputi, may mapupulang labi at sapalagay ko matangos din ang ilong niya. Hindi ko sigurado dahil hindi ko makita ng husto ang mukha niya dahil natatakpan ito ng hoodie na suot niya. Mukhang grim reaper sa isang movie'ng napanood ko. "Ako nga. Sino ka?" Sagot ko Umiling ito at lalong lumawak ang ngiti. Lumabas ang mga ngipin niyang mapuputi at tila alagang alaga. "Naniniguro lang. At hindi pa oras para makilala mo ako. Paalam" kumindat muna siya bago tumakbo paalis.  Mabilis akong lumabas para sana hanapin siya kaso hindi ko nahabol. Lumingon ako kaliwa't kanan pero wala na talaga siya. Ang bilis naman niyang nawala?   "Sinong hinahanap mo?" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko.   "Ay lecheng palaka!" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Nilingon ko ang nagsalita at nakitang ang nurse iyon na ginagaya na ngayon ang ginagawa ko kanina. "Nandiyan na po pala kayo, hindi ko napansin".  "Sino ba ang hinahanap mo at mukhang tuliro ka?" Umiling ako at ngumuti sa kanya. "Wala po. May lalaking nagpunta dito sa clinic kaso hindi ko nakuha ang pangalan"   Sabay kaming naglakad ng nurse na Pamela pala ang pangalan. Ngayon ko lang napansin ang nameplate sa uniporme niyang purong puti.   "Lalaki? Anong itsura?" Tila gulat siya sa ibinalita ko.   Inilarawan ko ang itusra nung lalaki kanina at napansin kong namutla ng bahagya si Nurse Pamela. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang po? Namumutla ka"   Mabilis siyang tumango. "Ayos lang ako. Dito ka lang may gagawin pa pala ako saglit. Babalik din ako agad" aniya bago mabilis na tumakbo.   Ayos lang kaya siya? Kilala kaya niya iyong lalaki? Parang takot na takot siya nang idescribe ko ang itsura ng lalaki. Baka ex niya tapos kinukulit siyang makipag balikan? Ay ewan ko. Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa tabi ni Callie para ituloy 'yung binabasa ko kanina pero hindi ako makapag focus.   Hindi mawala sa isipan ko ang lalaki kanina. Paulit-ulit kong nakikita ang mala-anghel niyang itsura. Dinama ko ang dibdib kong hanggang ngayon ay mabilis ang t***k. Sino kaya yung lalaki kanina? At napano kaya si Nurse Pamela? Why do I feel like something's odd?           

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

Just Another Bitch in Love

read
39.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook