Chapter Two

1652 Words
   "Class!" Natahimik ang mga kaklase naming nagkakantahan ng biglang pumasok at sumigaw ang presidente ng klase namin, "wala raw si Sir! Wala tayong Botany ngayon" Agad namang bumalik ang ingay dahil sa saya nila.     Nagkatinginan naman kami ni Callie. Kanina pa kasi siya nag yayayang pumunta sa San Guillermo, isang simbahan malapit sa school para tumambay. Mayroon kasing open field sa tabi ng simbahan at malilim doon maya masarap tambayan. Aniya ay kailangan niyang mag unwind dahil sa dami ng iniisip. Nang tanungin ko naman ay ayaw niyang sabihin ang problema.     "Hep! May activity wag kayong mag saya!" Agad nawala ang saya at napalitan ng mga ungol ng pagkadismaya "mag drawing daw sa sketchpad ng plant and animal cell with label. Ipapasa bukas ng alas otso."     "Pero pwede na kami umuwi? Last subject naman na ang botany" anang isa kong kaklase na bitbit na ang bag     "Oo pwede ng umuwi basta malinis ang room kaya bilisan niyong maglinis" agad na kumilos ang lahat at nagkanya kanyang ayos ng upuan. Hindi na nagwalis at pinulot nalamang ang mga kalat na madaling makita. Hindi rin naman kasi madalas icheck ang room at tamad rin kami kaya ganyan.     "Ano? San Guillermo?" Tumango ako, hindi makapagsalita dahil naglalagay ng liptint     "Pahinging pulbo muna. Ang oily ng mukha ko" hindi pa man ako tumatango ay kusa ng kinalkal ni Callie ang bag ko. Wala lang din naman sa akin dahil sanay na ako. Ganoon din naman ako sa kanya, walang paalam na nangunguha ng gamit.     "Lalakad ba tayo? Mainit pa" sabi ko ng palabas na kami sa gate. Medyo malayo kasi ang San Guillermo kung lalakarin tapos mainit pa. Alas dos palang ng hapon at tirik pa ang araw.     "Gusto mo ba? Alam ko namang ayaw mong naglalakad sa mainit, mahal na prinsesa" panunuya nya     Nang makatawid sa daang ay agad kaming sumakay sa tricycle na nakapila roon. Mabilis lang ang byahe dahil diretso lang naman ang daan pa San Guillermo.     "Ay tae nakalimutan nating bumili ng pagkain"     "Wala rin tayong mauupuan. Puti ang uniporme natin hindi tayo pwedeng umupo sa d**o" sabi ko habang lumilinga-linga, naghahanap ng pwedeng pangsapin para makaupo kami.     "May dala akong kumot. Pagkain lang talaga ang wala natin" nagulat ako ng maglabas ng kumot si Callie mula sa bag niya. Kaya naman pala napakalaki ng daladala niyang bag.     "Maupo ka muna diyan. Aalis ako para humanap ng pagkain baka may nagtitinda diyan sa malapit" meron namang nagtitinda sa gilid ng simbahan. Madalas ay mga suman ang tinda nila pero sarado sila ngayon. Lalakad kapa pabalik para sa susunod na tindahan at medyo malayo iyon.     "Saan ka bibili? Bilisan mo ha"     "Opo mahal na prinsesa" aniya at yumuko pa. Nailing nalang ako. Madalas niya akong tawaging mahal na prinsesa. Sinasaway ko siya noong una pero mapilit siya. Aniya bagay raw sa mukha ko ang maging prinsesa. Syempre ako namang feelingera ay hinayaan nalang siya.     Naghahanap ako sa internet ng pwedeng paggayahan ng animal at plant cell para mamayang pag uwi ay mag dodrawing nalang ako ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko.     "Ang bilis ko naman?" Usal ko nang hindi tinitignan kung sino iyon dahil sigurado naman akong si Callie iyon. Wala naman kasi gaanong tumatambay rito at madalas sa mall ang diretso ng mga estudyante.     "Huh? Namiss mo ako?" Napa angat ang tingin ko ng boses lalaki ang nagsalita. Doon, nakita ko nanaman ang lalaking nagpunta noon sa clinic.     Hindi gaya noon na hindi ko makita ang mata nya, ngayon ay para akong hinihipnotismo ng mga kulay abo niyang mga mata. Diretsong nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay dinadala ako ng mga ito sa ibang dimensyon. Malamig. Masyadong malamig ang mga titig niya at hindi ko mawari kung bakit hindi ko maalis ang mga tingin ko sa akin.     "Mahal na prinsesa" aniya na siyang nagpabalik sa huwisyon ko.     "What the?" Napaatras ako ng marealize na sobrang lapit ng mukha niya sa akin! Konting lapit pa ay mahahalikan na niya ako!     Tumawa siya sa reaction ko at agad namang umayos ng upo. Ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa hiya. "Sino kaba?" Sabi ko habang pasimpleng kinakapa ang pepper spray na nasa bag ko. Regalo ni Callie sa akin ito noong nakaraang buwan.     "Ako? Hindi ko pa ba nasasabi ang ngalan ko? Paumanhin, mahal na prinsesa" tumayo pa siya at yumuko gaya ng mga prinsepe sa fairytales.     Ganoon na ba ako kaganda para tawagin nila akong prinsesa? Myghad.     "Nagpakita ka rin sa akin noong nasa clinic ako at ang sabi mo naniniguro ka lang kung ako ba talaga si Eade. Sino ka ba at ano ang gusto mo sa akin?" Mahigpit ang hawak ko sa pepper spray, naghahanda kung sakali mang may gawing masama ang lalaking ito.     Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka purong itim pa rin ito. Itim na pantalon, sapatos, at itim.na tshirt. Para tuloy siyang nag myra E dahil kumikinang ang balat niya sa sobrang puti. Ano kaya ang sabon niya?     Tinitigan ko naman ngayon ang mukha niya. Medyo mahaba ang kaniyang buhok at medyo magulo. May matangos na ilong, mapula at hugis pana na labi, mahabang pilik mata, makapal na kilay at ang mata niyang tila laging nanghihipnotismo. Malamig ang tingin ng mga ito kahit na nakangiti siya. Hawig niya si Jack Frost ng Rise of the Guardian na movie.     "Baka mahulog ang loob mo, mahal na prinsesa." Kinunotan ko lang siya ng noo. Baliw ba siya? Hindi siya nagaaral sa school namin dahil hindi siya nakauniporme.     "Ang ngalan ko nga pala hindi ko pa nasasabi. Ako si Mavy" aniya at yumuko ulit. Parang tanga. Baka mamaya lumaki ulo ko kakatawag nilang prinsesa sa akin. Charot     "Eade!" Agad akong tumayo at tumakbo palapit kay Callie. Masama agad ang tingin niya sa kay Mavy at napansin ko ang unti unting pagatras nito. Tila takot kay Callie.     "Anong ginagawa mo rito?"     "Bumibisita lang"     "At bakit? Ayos lang naman kami rito hindi mo na kailangang bumisita"     "Paano ka nakasisiguro? Wala kang alam sa mga nangyayari"     "Sigurado ako dahil sa ilang taon namin dito ay walang masamang nangyari"     Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Callie at Mavy na masama ang tingin sa isa't isa ngayon. Hindi ko makuha ang pinag uusapan nila. At magkakilala sila?     "Callie mag-" napatikim ang bibig ko ng saakin ipukol ni Callie ang masama niyang tingin. Yumuko ako at hindi nalang nagsalita     "Wag mong tignan ng ganyan ang prinsesa" nangilabot ako ng marinig ang napakalamig na boses ni Mavy. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita kong malamig at masama ang tingin niya kay Callie. Kung may yelo siguro ang tingin niya baka nanigas na si Callie sa sobrang lamig.     "Ah eh anong nangyayari?" Tanong ko pero wala ni isang sumagot. Nagpatuloy ang palitan nila ng masasamang tingin.     "Tama na yan" sabay-sabay kaming napatingin sa may kaliwang banda ng may magsalita. Si Nurse Pamela. Nakauniporme pa ito at tila napadaan lang.     "Mga baliw ba kayo? Tigilan niyo na iyan" aniya kay Callie at Mavy na nagtatapunan pa rin ng masasamang tingin.     Hinawakan ko ang braso ni Callie kaya naagaw ko ang atensyon niya "anong meron? Kilala mo si Mavy?" Tanong ko     "Mamaya ako magpapaliwanag. Umuwi na tayo" aniya at tumalikod na.     Agad akong lumapit sa inuupuan namin kanina kung sana nakatayo parin si Mavy hanggang ngayon. Kinuha ko ang bag ko at ang kumot. Tumingin ako kay Nurse Pam tapos kay Mavy.     "Pasensya na" sabi ko at yumuko "mauna na kami. Ingat kayo sa pag uwi" sabi ko.     "Mag iingat din kayo, Eade. Eto ang numero ko. Itext mo ako kapag nakauwi na kayo" ani Nurse Pam. Kinuha ko ang card na binigay niya at ibinulsa.     Tumalikod na ako at nagsimula ng naglakad pero bumagal ng marinig kong nagbubulungan si Mavy at Nurse Pam. Gusto ko sanang lumingon at huminto para makinig pero masama iyon kaya naman nagpatuloy nalang ako sa paghabol kay Callie.     "May utang kang kuwento sa akin." Bulong ko nang maabutan ko siya. Lumingon ako sa pinanggalingan namin at nakitang wala na roon si Mavy at Nurse Pam. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala na sila. Ang bilis naman? Hindi ako pinansin ni Callie at diretsong pumara ng tricycle para makapunta kami sa highway.     Ang school namin ay nasa Pampanga pero sa Bataan kami umuuwi. Isang oras ang biyahe at minsan ay mas matagal pa dahil hindi agad nakakasakay ng bus.     Suwerte ng pagdating namin sa highway ay may bus kaya agad din naman kaming nakasakay. Tahimik pa rin si Callie kaya tahimik nalang din ako. Baka mamaya sa akin pa mabuntong ang galit niya. War freak pa naman ito.     Naalala ko si Mavy at ang mga mata niyang kulay abo. Ang weird rin ng conversation nila ni Callie kanina. At si Nurse Pam. Napadaan lang ba talaga siya doon?     Base sa conversation ni Callie at Mavy ay mukhang matagal na silang makakilala. Pero bakit hindi ko alam? Tinignan ko si Callie na nakapikit ngayon pero nakakunot ang mga kilay. Badtrip pa rin.     Bumuntong hininga nalang ako at nagpasyang matutulog muna. Marami pa akong gagawin mamayang pag uwi kailangan ko ng lakas. At isa pa, mukhang mapupuyat kami dahil hindi ko titigilan si Callie hanggat hindi siya nag kukuwento kung anong mayroon kanina at nagkainitan sila ni Mavy. At kung paano sila nagkakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD