"Paano kayo nag kakilala ni Mavy?" Pagka baba ng bus ay agad ko siyang inulan ng tanong pero hindi pa rin sumasagot.
Naglalakad kami ngayon mula sa kantong binabaan namin hanggang sa mga bahay na tinitirhan namin. Mauunang madadaanan ang bahay nina Callie bago ang appartment na tinitirhan ko.
Hindi kagaya ko, mayroong kasama si Callie at iyon ang kaniyang tiyahin na isang doctor. Dalawang taon palang silang magkasama ng tiyahin niya pero magkasundong magkasundo sila.
Inaaya nila akong sa kanila na lamang tumuloy pero tumanggi ako dahil nga gusto kong matutong mamuhay ng mag isa kaya ako umalis sa ampunan tapos makikitira ako sa kanila? No way.
"Bukas ko nalang ikukuwento" napairap ako. Siguradong makakasampu o higit na bukas pa siya bago tuluyang mag kuwento. "Sige una na ako. Ingay ka" aniya at humalik na sa pisngi ko. Nakagawian na kasi namin ang pag beso sa tuwing nagpapaalam kami sa isa't isa.
Pag kauwi sa bahay ay agad akong nag bihis at ginawa na ang mga dapat gawin para sa school bukas. Nagtagal ako sa pag dodrawing dahil hindi ko alam ang ibang parts at hindi ako sigurado kung lalagyan ba ng functions o label lang kaya naman nag chat ako sa gc naming mag kakalase.
Ako: Hi guys! 'Yung animal at plant cells ba ay label lang o with definition/functions?
Walang nag rereply kaya naman tinapos ko nalang muna ang drawing at nag iwan nalang ng tamang space para kung sakaling with functions, madali nalang ilagay.
Inabot ako ng kumulang isang oras para lang sa animal cell. Napakadami kasing parts at ang iba ay maliliit pa. Nagpasya rin akong kulayan. Nasa kalagitnaan na ako ng pag dodrawi ng plant cell ng tumunog ang cellphone ko. Nag reply ang president namin.
Pres: Sorry late reps! Tinanong ko pa kasi kay sir. With functions daw and may premyo ang may pinaka magandang drawing. Goodluck!
Gian: nubayan. Minadali ko pa man din. Uulitin ko sayang premyo!
Pres: bakit kasi hindi muna mag tanong.
Gian: blah blah
Callie: Eade pa drawing!
Nagtuloy tuloy ang usapan nila kaya hindi tumitigil ang cellphone ko kakatunog kaya naman nimute ko para makapag concentrate ako sa oag dodrawing.
Tumatawag din si Callie at nagpapadrawing pero hindi ko pinansin. Bahala siuang magpakahirap no. Nakakapagod mag drawing.
Alas nuebe na ng matapos ako sa ginagawa. Kadalasang tulog ko ay alas dies kaya naman nagpahinga nalang ako at nag alarm ng maaga oara makapag review.
Patulog na ako ng mag ring ang cellphone ko. Sasagutin ko na sana kaso namatay rin agad at hindi na tumawag ulit. Unknown ang number kaya hindi ko nalang pinansin. Baka namali lang ng pindot o kaya ay nangpaprank.
Alas kuwatro ng madaling araw ng tumunog muli ang cellphone ko para naman sa alarm. Balak ko kasing mag aral sa Zoology dahil nahihirapan ako sa tissues. Medyo komplikado at marami kasi. Si Callie ang magaling dito kaya magpapaturo rin ako sa kaniya mamaya sa school kapag break time.
"Sabay tayo" ani Callie ng tumawag siya kalagitnaan ng pagbibihis ko para sa pagpasok.
"Basta ba mag kukuwento kana tungkol kay Mavy?"
"Ay malelate pala ako. Una kanang pumasok magkita nalang tayo sa school. Bye!" Hindi na niya ako hinayaang makasagot at agad ng binaba ang tawag.
Lalo lang niyang pinalakas ang hinala ko na matagal na silang maglakilala ni Mavy. Nacucurious ako at sa tuwing ganito ay hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakahanap ng sagot.
Muntik na akong malate dahil sa napakatagal na pag aabang ng bus kaya naman tumatakbo ako sa hallway ngayon. Wala na ring gaanong estudyante dahil halos parepareho lang ang oras ng unang subject.
Saktong pagpasok ko sa pinto ay siya ring pagpasok ng prof at muntik pa kaming magkabanggaan dahil sa bilis ko.
"Galing ah, Eade? Muntik ka ng malate" anang prof namin na natatawa dahil sa itsura ko.
"Sorry sir. Good morning" sabi ko at yumuko pa. Pumasok na ako at naupo sa usual seat ko pero nagulat ako ng makitang tatawa tawa si Callie na nakaupo sa bandang likod, kausap ang kaklase naming magaling mag drawing. Akala ko ba malelate siya? Iniwan ako leche.
"Okay class settle down" anang prof kaya naman bumalik na sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase namin.
Naupo sa tabi ko si Callie at agad akong lumapit sa kanya para bumulong "akala ko ba late ka? Nauna kapa sa akin".
Tumawa siya at inilapit ang bibig sa tainga ko. Humarap ako sa prof para makita kung nakatingin siya sa amin habang pinakikinggan ko ang sinasabi ni Callie. "Baliw. Late ako. Late nga lang si sir at ikaw"
"May utang ka pang kuwento baka nakakalimutan mo" bulong ko pabalik pero hindi na ako nakakuha ng sagot kaya nilingon ko siya at nakitang nagsusulat na siya ng notes.
Ganyan na ganyan siya kapag ayaw niyang magsabi ng sikreto o anuman. Hindi ka niya papansinin kahit ngumawa ka pa at kapag ipinilit mo ay ipagpapabukas niya ng ipagpapabukas hanggang sa makalimutan mo na.
"Hoy weirdo!" Napasimangot ako ng marinig ko ang boses ni Sarah. Nasa gym kami ngayon at naghihintay ng prof para sa P.E namin.
"Dimunyu" bulong ni Callie kaya naman agad ko siyang sinaway. Baka mamaya ay mapaaway kami.
"Balita ko magaling ka mag drawing?" Ani Sarah kaya naman tumango ako
"Medyo lang. Bakit?"
"May project kami. Self portrait. Ipapagawa ko sayo iyong akin" aniya at iniabot ang mga gamit. Kinuha ko nalang para walang away dahil ayoko na ng g**o. Kung tatanggi ako ay paniguradong sasaktan niya ako tapos magagalit si Callie at gaganti at masasaktan din siya.
"Eade! Baliw kaba?" Sigaw ni Callie at inagaw ang mga gamit sa kamay ko "gawin mo sarili mong project, Sarah! Wag kang tamad" aniya
Tinaasan siya ng kilay ni Sarah "talaga? Coming from you? Eh balita ko nagpa drawing ka ng animal at plant cell sa kaklase mo?"
Natahimik naman si Callie dahil guilty. Hindi kasi siya marunong mag drawing. Minsan ay ako ang nag dodrawing para sa kaniya dahil naawa ako kapag nakikita ko siyang nahihirapan.
"Ako na mag dodrawing." Sabi ko kay Sarah at inipon ang mga gamit na nagkalat sa sahig dahil binato ni Callie.
Masama naman ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa pero nginitian ko siya. Wag kang mag alala, Callie. May plano ako.
"What are you doing here in my class, Miss Sarah?" Anang professor namin. Guwapo sana kaso guwapo rin ang hanap. Sayang.
"May inabot lang po kay Callie." Ani Sarah at walang sabing umalis. Bastos talaga.
"Okay class. Compress here" itinuro niya ang oarte ng gym kung saan inilatag ang mga mat kanina para may maupuan kami.
"We have a new instructor for our self defense topic" nagbulungan kami dahil kuryoso sa kung sino. Samantalang si Callie ay mukha ng natatae at hindi mapakali. Kanina lang ay ayos siya ah?
"Napano ka?" Tanong ko ng mapansing hindi talaga siya okay.
"Nahihilo ako. Ayoko yung amoy" aniya. Suminghot ako para maamou sana ang sinasabi niya pero wala naman akong naamoy.
"Amoy? Wala naman ah?" Sabi ko habang patuloy na sumisinghot. Tinanong ko pa ang katabi ko kung may naamoy siya pero wala naman daw.
"Hindi mo naamoy?" Tila gulat si Callie sa sinabi ko at mas lalong sumama ang itsura niya. Umiling ako at lalong nagtaka dahil para siyang takot na hindi mawari.
Tatawagin ko na sana nag atensiyon ng prof ng magsigawan ang mga kaklase ko. Nilingon ko ang tinitignan ng mga kaklase ko at nakita ang isang guwapong nilalang na naglalakad palapit sa amin.
Malali ang ngiti niya sa labi at gaya dati, naka itim ito mula sapatos hanggang oang itaas na damit. Pero ngayon ay iba. Naka black rubber shoes siya, black jogging pants at black sleeveless shirt. May suot rin siyang bonet na itim kaya mas lalong lumitaw ang mga mata niya.
Narinig kong bumuntong hininga si Callie, tila nakaramdam ng ginhawa ng makita si Mavy. Nagkatinginan kami at ngumiti lang siya sa akin kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Mavy na hinahapos na ng pasimple ng professor namin.
Nagkatinginan kami ni Mavy at gaya dati, para akong nawasala sa huaisyo dahil sa mga mata niya. Tila nahihilo ako at mag isa sa mundong paikot ikot lang. Ang mga mata niya ay parang may sinasabi pero hindi ko makuha kung ano.
Lumakas ang pintig ng puso ko ng mag iwas siya ng tingin at ibinaling ang tingin kay Callie. Nagpapaliwanag ang professor namin ng kung ano tungkol sa self defense pero wala akong pakealam doon dahil busy ako sa pag tingin kay Mavy at Callie na ngayon ay tila nag uusap na gamit ang mata.
Kakaiba talaga ang pakidamdam ko sa dalawang ito. Iba ang tinginan nila at tila may ipinapahiwatig sa isa't isa. Nang mabaling ang tingin ni Mavy sa akin ay ngumiti agad siya. Napaka guwapo talaga pero napaka misteryoso.
"Pilantro" hindi ko alam pero kinabahan ako ng marinig ko ang ibinulong ni Callie. Bakas sa mukha ni Mavy ang gulat. Lilingunin ko na sana si Callie para magtanong tungkol sa sinabi niya ngunit nagtawag na ng attendance ang prof.
Hindi na ako makapag focus at hindi ko alam kung bakit tila takot na takot ako. Pakiramdam ko hindi ako ligtas. Nagsimula ang training namin isa isa. Kailangan naming harapin at matalo si Mavy sa loob ng ilang minuto.
Hinanap siya ng mga mata ko at nakitang nakatingin siya sa akin habang walang kahirap hirap na iniiwasan ang atake ng kaklase kong payat at mahinhin. Tinatawanan na siya ng ibang kaklase namin pero hindi ako makasabay.
Hindi ko alam pero gustong gusto kong nakikita ang mga tingin ni Mavy. Pakiramdam ko ay nasa ligtas na lugar ako kapag alam kong pinapanood niya ako. Nawawala ang takot ko. Sino ka ba talaga, Mavy? At paano kayo nagkakilala ni Callie?
Ngumiti siya sa akin at agad naman akong napaiwas ng tingin. s**t. Humawak ako sa dibdib kong sobrang lakas ng t***k, tila lumaban sa mara thon. Masarap sa pakiramdam pero masakit.