Chapter Four

2069 Words
    "Miss Syntia! Wag kang lelemya lemya!" Sigaw ng prof naming nang mapansin na nakatayo lang si Almira sa harap ni Mavy.          "Ganyan mo idedefend sarili mo kapag may panganib? Ha?" Tumayo si Sir Orlando kaya naman natahimik ang lahat, "hindi ba't sinabi ko na sa inyo noon na ayoko ng lalambot-lambot sa klase ko? Lalo ka na Miss Syntia! Hindi ka ba kumakain at mukhang kang lantang gulay!"           Yumuko si Almira dahil marahil nahihiya na. Naaawa ako pero may punto rin naman si Sir. Talagang malamya kumilos si Almira. Ayoko lang ng way ng pagsasalita ni Sir dahil napapahiya si Almira at hindi niya iyon napapansin. O wala lang talaga siyang pakealam.          "Miss Rodriguez! Define Self Defense!" Halos mapatalon ako ng bigla kong nakita si Sir sa harapan ko, nakapamewang.           "Self defense is the act of defending oneself, actions, ideas, and many more, especially through the use of physical force."           "Go and show us how to do self-defense properly!" Aniya at itinulak pa akong bahagya.          What the? Wala akong nagawa kundi maglakad kung nasaan si Mavy. Nakatayo lang siya roon at tila natatawa pa sa nangyayari. Masama ko siyang tinignan pero nagkibit balikat lang siya.          "Nice. This is what I've been waiting for" aniya at nag stretch pa na akala mo ay totoong laban ang gagawin.          "Alright! Everyone! Panoorin ninyo si Miss Rodriguez. You may start now, Mav" naupong muli si Sir Orlando sa pwesto niya kanina at matalim na nakatingin sa amin, tapos sa mga kaklase kong tahimik na nanonood          "Good luck, prinsesa" mapang-asar na ngumiti si Mavy sa akin.          Sasagot palang sana ako pero mabilis siyang kumilos at nakalapit sa akin. Mabuti ay naka iwas ako at agad na kumilos. Ginawa ko ang mga naalala ko sa mga previous lessons namin.          Akmang sisipain ko palang ang private part niya kaso ay mabilis siyang umatras. Not bad. Mukhang pareho kaming mabilis ang reflexes. Ginaganahan tuloy akong lumaban.          "What? Akala ko pa naman mahihirapan ako" patuya niya bago sumugod muli.          Inabangan ko ang pagsugot niya at ng nasa tamang lapit na ay saka ko ipinerform ang elbow strike. My goal is to make him fall on his knees. Kanina ay gusto ko lang maperform ng maayos ang mga techniques pero nang makita ko ang mga kilos niya ay parang gusto ko na siyang mapaluhod.          Napa atras siya ng tamaan ko ang jawline niya. Ngumisi ako, "what? Akala ko pa naman mahihirapan ako" pang gagaya ko sa sinabi niya kanina.          Mukha naman siyang nainis at agad na sumeryoso ang mukha. Hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng atake niya. Tumakbo siya palapit at inaasahan kong tatargetin niya ang abdomen part ko ngunit nagkamali ako.          Lumagpas siya sa akin at bago pa lang ako makalingon ay nahuli na niya ako. Damn! Hindi ko inasahan na gagamitin niya sa akin ang bear hug technique!           Nagpumiglas ako habang pilit na inaalala ang pwedeng ipang counter attack. Yumuko ako at dinala ang timbang ko sa harap, dahilan kung bakit nahirapan siyang buhatin ako. Nilingon ko siya at inatake gamit ang elbow ko.           Bull's eye! Nasapul ko ang mukha niya kaya napabitaw siya. Mabilis akong umikot at lumipat sa gilid niya at siniko siya sa likod dahilan kung bakit siya napaluhod.           Akala ko ay tapos na pero agad siyang nakatayo ulit at agad na umatake sa akin. Hindi ko inaasahan iyon kaya naman ay nahuli niyang muli ako. Inikot niya ang kamay ko palikod.           Ngayon ay hawak na niya ang dalawang kamay ko sa likod. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya. "Damn" bulong ko.          Narinig ko ang mumunting tawa niya na lalong nagpainis sa akin. "Akala ko matatalo mo ako. Imposible mangyari iyon, prinsesa" bulong niya bago tinuhod ang likod ng tuhod ko.          Napaluhod ako. Mukhang hindi pa siya kuntento at itinulak pa ako dahilan kung bakit ako napa dapa. Tumigil na ako sa pagpupumiglas dahil alam ko naman na wala na akong magagawa.          "Alright. That's enough. Nice fight" anang prof namin. Binitawan na ako ni Mavy at tinulungang tumayo.           Pinagpagan ko ang uniporme ko at humarap sa kanya para makipag shake hands. "Nice fight." Aniya          Tinanguan ko siya at binitawan ang kamay niya. "Matatalo rin kita next time" ngisi ko bago siya iniwan doon at nilapitan si Callie.          Nagpatuloy ang klase at marami pa ang napagalitan dahil sa mga maling techniques na ginagawa o di kaya ay nakatayo lang doon at nanginginig. Nang si Callie na ang lalaban ay mas lalong lumaki ang ngisi ni Mavy.          Hindi rin naman nagpatalo si Callie at hindi na hinintay ang hudyat ni Sir Orlando at agad na siyang umatake. Nagpalitan pa sila ng mga atake at lahat kami ay tutok na tutok sa laban nila.          Napa sneeze ako at kinamot ko ang ilong ko dahil biglaang nangati. Lumingon lingon ako ng may maamoy na masangsang, "ang baho" bulong ko          "Ha?" Anang katabi ko na mukhang narinig ang bulong ko.           May naamoy akong parang nabubulok na hindi ko malaman. Nagsimulang sumakit ang ulo ko at hindi na ako makapag focus sa labanan nina Callie at Mavy.          Naghiyawan ang mga kaklase ko sa hindi ko malamang dahilan. Wala na akong pake at mas nag focus ako sa nararamdaman ko. Para akong masusuka sa sobrang baho.          Amoy nasusunog na laman ng kung ano na may halong amoy basura na bulok na hindi ko mawari. Naninikip na ang dibdib ko at nandidilim na ang paningin ko.           Sobrang sakit na rin ng ulo ko at nasusuka ako. Pilit kong hinahanap kung saan nanggagaling ang amoy pero wala akong makita o hindi ko man lang maisip kung saan posibleng manggaling ang amoy.          "Eade? Ayos ka lang?" Hinawakan ako ng katabi ko na siyang nagpagulat sa akin.          Nilingon ko siya ng may pagtataka ng may maisip, " ang baho. Amoy nabubulok na lamang loob na hindi ko alam"          "Ha?" Suminghot-singhot pa siya bago ibinaling ulit ang tingin sa akin, "wala naman ah?" Aniya at inulit pa ang pagsinghot.          "Ang baho kaya!" Sabi ko, nahihimasmasan na kahit papaano dahil nabawasan na ang naamoy ko.          Kanina ay sobrang baho at tapang ng amoy pero ngayon ay mild na lang pero mabaho pa rin. "Wala ba talaga?" Paniniguro ko          Umiling siya sa akin. Sabay kaming napalingon sa harap ng magsalita na si Sir Orlando. Tapos na pala ang laban nina Callie at mukhang natalo siya dahil nakasimangot. Malaki naman ang ngiti ni Mavy, ngiting pang toothoaste commercial. Yabang.          "Alright. Si Miss Torredo na ba ang last?" Lumingon lingon ang prof namin pero wala ni isa ang sumagot, "napansin ko na marami sa inyo ang walang alam sa self defense. Parang hindi ko itinuro ang mga basics sa inyo nitong mga nakaraang linggo, ah?"           Banayad ang pagsasalita niya pero may diin. Halatang nagpipigil sumigaw. Tahimik lang kami at walang nagsasalita. Ang iba ay nakayuko pa.          "May grades ang perfomance ninyo ngayon. 50 points" aniya na siyang nagpa ingay sa lahat. Kanya-kanyang reklamo ang mga kaklase ko. Tahimik lang akong nakikinig sa mga reklamo nila.          "Bakit? Kung sana ay inayos ninyo ang performance ninyo hindi sana ganito. Dalawa lang ang naka perfect sa inyo. Hindi ko ba itinuro ang mga basics? Hindi ba? Sagot!" Sigaw niya          "Itinuro po" mahinang sagot ng iba          "Oh? Itinuro naman pala? Bakit ganyan ang performance ninyo? Nakakahiya at kumuha pa ng instructor para lang sa self defense lesson ninyo tapos ganyan pa ang ipapakita ninyo? Dalawa lang ang pumasa. Si Miss Rodriguez at Miss Torredo lang! Perfect score. The rest, good luck! Class dismissed" aniya at walang salitang tumalikod at lumapit kay Mavy.          Pansin ko ang biglaang pagbabagi sa expression niya. Kung kanina ay galit at lalaking lalaki, ngayon ay daig pa ang beauty queen sa sobrang fine at feminine ng kilos.          Nanginig ako sa pandidiri ng makita ko kung pa'no niya hinaplos ang braso ni Mavy. May sinasabi siya at nagtatawanan pa sila. Yuck.          "Hindi ka nanood ng laban namin ni Mavy" ani Callie ng naglalakad na kami palabas ng gate.          "Ha? Sumama kasi ang pakiramdam ko bigla kanina" sagot ko rito.          "Bakit? May lagnat ka?" Kinapa niya ang noo ko tapos ay ang leeg. Tinitigan niya rin akong mabuti kaya naman itinulak ko siya palayo at tumawa.          "Ayos na ako. May naamoy lang akong mabaho kanina kaya medyo sumakit dibdib ko at ulo ko" sexbomb sexbomb. Charot.          "Mabaho?" Tumango ako at napahinto ng huminto siya sa paglalakad.          Pansin ko ang pamumutla niya. "Bakit?" Nagtataka kong tanong          "Anong amoy?" Nagkatinginan kami at kita ko ang takot sa mukha niya.          "Mabaho. Amoy nasusunog na lamang loob na hindi ko alam. Bakit ba? Naamoy mo rin?"           Tumango siya sa akin, "kanina bago mag simula ang klase." Aniya.          Naalala ko na nabanggit nga niya sa akin na may naamoy siyang mabaho. Wala naman akong naamoy noon pero nang lumalaban na sila at busy sila ni Mavy ay doon ko lang naamoy 'yung sinasabi niya.          "Baka 'yung Pilantro na sinasabi mo iyon? Naaalala ko na nabanggit mo iyon kanina noong pagkatapos mong maayos iyong mabaho." Sabi ko na siyang lalong nagpaputla sa kaniya.          "Narinig mo iyon?" Tila takot siya. Hindi ko alam kung bakit.          Inaya ko siyang umupo muna sa shed na malapit sa gate pero umiling lang siya. "Sagutin mo ako. Narinig mo ang usapan namin ni Mavy bago mag simula ang klase?" Nag usap sila ni Mavy bago mag simula ang klase? Hindi ko alam.          "Hindi ko alam na nag usap kayo. Narinig ko lang ang binanggit mong 'Pilantro' pero hindi ko napansin na nag usap kayo ni Mavy. Hindi ba hindi ka naman niya nilapitan o hindi ka naman lumapit sa kaniya?" Nagtatakang tanong ko          Tumango lang siya at natulala, tila nag iisip. "Hindi nga kami nag-usap. Oo, hindi kami nag usap"          Pinanood ko lang siyang matulala at mag isip ng malalim. Mukhang problemado siya sa kung anong iniisip niya kaya hinayaan ko na muna. Tinignan ko ang oras at nakitang alas singko na ng hapon.          "Hindi pa ba kayo uuuwi?"          "Alam mo ba kung saan nakatira si Mavy?"          Sabay kaming napalingon ni Callie ng may makasabay siyang mag salita. Nakatayo sa likod niya ay si Nurse Pamela na nakasuot na itim na t-shirt at pantalon. Mukhang pauwi na rin gaya namin.          "Nurse Pam" tumango siya sa akin bilang pag bati pagkatapos ay lumingon kay Callie.           "Hindi pa ba kayo uuwi? Mag gagabi na" ulit niya sa sinabi niya kanina          "Pauwi na po. May pinag usapan lang saglit" sabi ko at nilingon si Callie na tulala ulit.          "Callie tara na" napatalon siya ng kalabitin ko. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot kaya naman kumunot ang noo ko sa pag tataka.          "Ayos ka lang, Miss Torredo?" Tanong ni Nurse Pamela          Hindi sumagot si Callie kaya naman may pag aalinlangan kong nilingon si Nurse Pam, "ahh baka po masama pakiramdam. May naamoy po kasi kaming mabaho kaninang nag p-PE kami" pag kukuwento ko.          "Mabaho? Sino kasama ninyo kanina?" Bakas na rin sa boses ni Nurse Pam ang taranta          "Si Mavy" bulong ni Callie. Bumagsak ang panga ni Nurse Pam at tila gulat.          "Bakit? Anong meron? Wala akong maintindihan" nagtatakang sabi ko pero wala ni isa sa kanila ang pumansin sa akin.          "Si Pilantro" bulong ni Nurse Pam na siyang lalong nagpalito sa akin. Anong meron sa Pilantro na iyon? Sino ba 'yun?           "Sasamahan ko kayo kay Mavy. Tara na!" Ani Nurse Pam at mabilis na lumakad. Agad na sumunod si Callie sa kaniya kaya naman napasunod na rin ako.          "Teka sandali! Hindi ko gets!" Sigaw ko pero wala ni isa ang pumansin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD