Chapter Five

1792 Words
Luminga-linga ako. Hindi ko alam na taga-Bataan din pala si Mavy, at sa Dinalupihan din. Ang kaso ay malayo sila sa amin. Nasa bandang dulong parte sila ng bayan kung saan marami na ang puno at kakaunti ang mga nakatirang tao. "Malayo pa ba? Bakit ba nagmamadali kayong dalawa? At anong gagawin natin kina Mavy?" Sunod-sunod na tanong ko pero wala ni isa ang sumagot sa kanila. Naka kotse kami, pag-aari ni Nurse Pam. Siya rin ang nagmamaneho at nasa passenger seat si Callie. Kanina pa sila tahimik kahit na tanong ako ng tanong. "Ano? Gabi na. Baka hinahanap kana sa inyo, Callie" usal ko ulit pero wala parin akong nakuhang sagot. Ngumuso ako at sumandal, nagpasyang manahimik nalang. Wala rin namang sumasagot sa kanila. Pinagmasdan ko ang dinadaanan namin. Madilim at wala gaanong tao. Mapuno sa parehong gilid ng daan at pakiramdam ko ay may nakatira ring mga wild animals. 'Di ko sure. Ipinark ni Nurse Pam ang kotse sa isang malaki at lumang bahay. Ang creepy. Gawa sa kahoy ang bahay at matatagpuan ito sa kaliwang bahagi ng daan. "Dito siya nakatira? Ang layo... at creepy" usal ko at syempre wala pa ring nagsalita. Parang kinakausap ko ang hangin. "Anong ginagawa ninyo rito?" Sabay sabay kaming napalingon ng may magsalita. Malapit sa kotse ay nakatayo si Mavy na may suot na earphones. Base sa outfit niya, mukhang kagagaling lang mag jogging... ng ganitong oras? "Mavy" ani Nurse Pam. Nagkatitigan sila at ayan nanaman ang tila pag-uusap nila gamit ang mata. Luminga-linga ako at hinimas ang braso ng umihip ang malakas na hangin. "Tara sa loob" ani Mavy at nagpatiunang maglakad. Ni hindi man lang ako sinulyapan o pinansin. Snob. Hindi gaya sa labas, maayos ang itsura ng loob ng bahay niya. Malaki ito at malinis. Pagpasok sa pinto ay makikita mo sa kaliwang bahagi ang kaniyang sala. Sa kanan ay ang maliit na hagdan na patungo siguro sa kwarto. May dalawang pinto sa tabi ng hagdan. Ang isa ay open, papunta siguro sa kusina. Hindi ko alam. Naupo kami ni Callie sa sofa. Dumiretso naman si Mavy doon sa open na pintuan at paglabas ay may dala na siyang isang pitsel ng orange juice. Si Nurse Pam ay nakatayo lang malapit sa pintuan, tulala. "Anong balak mong gawin?" Napatingin ako kay Mavy ng magsalita siya. Nakatingin siya kay Nurse Pam na tila nag-iisip. "Mali na nagpunta kayo rito. Umuwi na kayo." Ani Mavy. Pinauuwi niya kami? Eh kadarating lang namin, ah? Apaka rude naman pala ng lalaking ito! Inubos ko ang isang basong juice, pinunasan ang bibig, at sasagot na sana kaya lang ay naunahan ako ni Nurse Pam. "Tama ka. Mali nga na nagpunta kami rito" what? Tumingin ako kay Callie na kanina pa tahimik na umiinom lang ng Juice. Kanina ay siya ang malakas loob na magyaya rito tapos ngayon tahimik lang siya? Tumayo ako at handa ng sumagot at mag reklamo kaso natahimik din dahil bigla akong nakaramdam ng hilo. Humawak ako sa ulo ko at yumuko. Nahagip ng tingin ko si Mavy na may isinesenyas kay Nurse Pam pero nawala rin sa isip ko iyon ng maramdaman kong unti-unting buminigat ang katawan at talukap ng mga mata ko. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kahit antok pa ay pilit akong tumayo at inabot ang cellphone ko para sa oras. Nanlaki ang mata ko ng makitang late na ako! Dali-dali akong tumayo at nag-ayos. Hindi na ako nag almusal dahil hindi na ako aabot sa second subject kung kakain pa. Late na ako sa first subject at siguradong hindi na aabot dahil mag aabang pa ako ng bus at isang oras pa ang biyahe. Pagdating sa school ay muntikan pa akong hindi umabot sa second subject namin. Salamat sa fifteen minutes grace period at hindi ako na mark as absent. "Aga mo ah" panunuya ni Callie. Inialis niya ang bag niya na nakapatong sa upuan ko para makaupo ako. "Tinanghali ng gising" sagot ko nalang habang naglalabas ng notebook dahil nag start ng mag discuss ang prof about sa history. Hindi rin nagtagal ang pag susulat ko dahil inaantok ako. Ang boring na nga ng history, ang hinhin pa mag salita ng prof kaya inaatake ako ng antok. Tumuwid ako ng upo at napansing kalahati sa amin kaya naman walang atubiling nakigaya na rin ako at natulog. Nagising na lamang ako ng kalabitin ako ni Callie at sinabing tapos na ang klase. May isa pang subject bago mag lunch break at doon iyon sa science laboratory dahil Zoology ang subject. "Ano raw gagawin natin?" Tanong ko. Nakatayo kami ngayon sa corridor dahil nakalock pa ang lab at wala pa ang prof. Mga prof lang ang may hawak ng susi sa mga laboratories at bawal na bawal pumasok ang students sa loob kung walang prof na kasama. "Reporting as usual" hinati ang klase sa limang grupo para sa reporting. Ang sa grupo namin ay Circulatory System ang na assign at hindi ko alam kung pang ilan kami sa mag re-report "Sino ba ngayon? Skeletal system?" Tanong ko. Handa naman ako sa reporting pero hindi ko lang talaga alam kung pang-ilan kami. "Hindi. Muscular yata ngayon. Kayo mag rereport sa muscular diba? Kayo ba ngayon?" Tumango ang kaklase namin sa tanong ni Callie. Tama pala ako. Sa isang araw pa kami mag rereport dahil wala kaming zoology bukas. Pagkaraan lang ng ilang minuto ay dumating na ang prof at agad na nagsimulang magsalita "Wala munang reporting ngayon dahil aalis din ako agad. Magbibigay lang ako ng activity na ipapasa ninyo sa friday." Kinopya ko ang sinulat niya sa board. Ang iba ay nag take nalang ng pictures dahil tamad magsulat. Obviously. "Bili tayo ng bondpaper later. Paalala mo" ani Callie Kailangan kasi namin dahil ggawa kami ng mini notebook dahil doon namin isusulat ang activity na ibinigay ng prof about skin. We need to provide the general characteristics, parts and functions, and uses and cares, and even the different types of skin. Mas maganda ang pagkakasulat at present, mas mataas ang grado. Dagdag grade if may drawings or pictures na provides. That's what I like sa prof namin. He made taking notes an activity para lahat ay may reason para mag sulat. Aniya noon, napapansin niya na halos lahat ng estudyanteng hawak niya ay nag tetake notes gamit ang phone o di kaya ay mag pipicture nalang kaya naisipan niya na gawing activity ang pag tetake notes. And it's effective, based on my observation. "You may now eat your lunch. Uwi na kayo if wala ng class. Aalis na ako at late na ako sa meeting" agad kaming lumabas ni Callie dahil tamad mag linis. Pagkaliko namin sa corridor ay siya ring pagliko ni Sarah kaya muntikan na namin siyang mabangga. Mabuti nalang ay agad akong nakaiwas. Ang akala ko ay mang aaway siya pero tinignan lang niya kami ng masama pag katapos ay umalis din agad. Weird. "Luh? Problema ni Sarah? Bagong buhay?" Nagtatakang sinundan ng tingin ni Callie si Sarah "Hayaan mo na. Tara na sa Dubai at gutom na ako" hinatak ko na siya dahil balak pa niyang sundan si Sarah dahil kuryoso raw siya sa kung anong meron. "Hi Nurse Pam!" Sigaw ko ng makita si Nurse Pam na naglalakad mag isa, "kumain ka na po?" Nilapitan namin siya ni Callie at huminto saglit para makipag usap. "Hi. Katatapos ko lang kumain. Papunta ako sa building ninyo para sa meeting. Wala kayong klase?" "Lunch break na po namin" sagot ni Callie. Tumango si Nurse Pam at nagpasyang mag paalam na. Pagdating sa Dubai ay agad kaming pumili ng kakainan. Hindi naman kami nahirapan dahil kakaunti palang ang mga estudyanteng kumakain dahil maaga pa. Kung nagklase kami ay siguradong mauubusan kami ng pagkain dahil hanggang 1:30 ang zoology. Iyon ang rason kung bakit suki kami ng convenient store na malapit dito sa school. "Callie" tawag ko ng may maalala, "nasayo ba iyong panyo ko na kulay white? Iyong bigay ni Sister Ema?" Iniingatan ko iyong panyong iyon dahil regalo iyon ni Sister Ema, ang madre na nag alaga sa akin sa ampunan. Bigay niya iyon noong birthday ko last year. "Dala ko kahapon pero wala sa bag at sa unif na soot ko" "Hindi ko alam. Baka nahulog mo?" Aniya Nag isip ako at pilit na inalala kung saan ko posibleng nahulog iyon pero wala. Hawak ko pa iyon noong nag PE kami pero hindi ko na maalala kung anong ginawa namin pagkatapos. Ni hindi ko nga maalala kung anong oras kami nakauwi. "Hindi ko alam. Wala akong maalala. Saan ba tayo nagpunta after PE?" Tanong ko rito Nag isip siya saglit bago nagkibit balikat, "umuwi? Hindi ko alam. Ang huling naalala ko nga lang ay iyong nanermon si Sir Orlando" weird. Naglasing ba kami kagabi at parehong nalasing kaya walang maalala? "Hi! Pwede maki share ng table?" Sabay kaming napalingon ni Callie kay Mavy na ngiting ngiti na nakatayo sa gilid habang hawak ang pagkain niya. "Oh sure" ani Callie at umusog para bigyan ng space si Mavy. "Thanks" inilapag ni Mavy ang pagkain niya. Nagtataka talaga ako kung paano siya nakakapasok dito sa school. At kung paanong siya ang naging self defense instructor namin. Pinagmasdan ko ang suot niya ngayon. Gaya parin ng dati, naka itim itong t-shirt at maong pants. May suot na itim na relo at ang maputi niyang balat ay tila nagliliwanag dahil sa kulay ng suot niya. "Don't rude, it's stare" ha? Ano raw? "Baligtad. Don't stare, it's rude" ani Callie. Tawang-tawa naman ako ng marealize kung ano ang sinabi niya. Nagkibit balikat si Mavy sa akin, "happy ka? Sinadya ko iyon" defensive! Napatigil ako sa pagtawa ng biglaan siya tumayo. "Sorry" agad kong sinabi dahil mukhang na hurt siya sa pagtawa ko. Pareho kaming nakatingala ni Callie sa gwapo niyang mukha ngayon. "Ayos lang. Kukuha lang akong tubig, 'di ako pikon" aniya at humakbang na. Napatayo ako ng may mapansin sa bulsa niya sa likod ng pants. "Teka" sabi ko na ikinatigil din niya. "Bakit?" Lumapit ako at hinatak ang panyo na nakalagay sa bulsa niya at tinitigan ito. Hinanap ko ang burda ng initials ko sa gilid at nakita ko ito! Akin 'to! "Bakit na sayo ito? Panyo ko ito ah?" Hindi ko sigurado pero parang may kaba akong nakita sa mga mata niya na agad ding nawala. Bakit nasa kanya itong panyo ko? Paano napunta ito sa kanya? "Ha? Napulot ko kahapon sa Gym" nag-iwas siya ng tingin. Pilit kong hinuhuli ang tingin niya pero umiiwas siya. Bakit feeling ko may tinatago siya? What is it, Mavy? What are you hiding? Bakit hindi ka makatingin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD