Chapter Twelve

2131 Words

"Eade, naalala mo ba ang sinabi ko sayo dati na maging bituin, buwan, at araw ka sa mga taong nakapaligid sa iyo?" Tumango ako. Ramdam ko ang paghaplos ng sariwang hangin sa mukha ko at amoy na amoy ng mga bulaklak. Napapikit ako ng haplusin ni Sister ang buhok ko. Nakakaantok. "May idadagdag pa ako, Eade. Nais ko sana na maging isa ka ring kidlat at kulog. Malakas at hindi nag papatinag ngunit kahit na ganoon ay nagbibigay pa rin ng liwanag kahit papaano. Iparamdam mo na kasama ka nila kahit sa mga panahong mabagyo at may delubyo sa buhay nila, hmm?" Umupo ako at tinignan si Sister na may matamis na ngiti sa labi. Tila maligayang-maligaya siya sa kaniyang tinuran. "Paano ko po iyon magagawa? Ang hirap naman. Moon, star at sun na nga tapos kailangan pang maging kidlat at kulog? Ang dami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD