FILIPPA
Pagkarating ko sa apartment ay saktong oras na ng agahan. I honestly am too tired to cook pero ang tyan ko ay nagrereklamo na. Kahit gugustuhin ko pang matulog na lang sana dahil sa pagod ay hindi ko rin naman magagawa dahil una sa lahat, iyong munting space sa harap ng apartment ko ay puno ng dahon ng mangga! Iyong katabi kasi ng apartment ko ay may isang malaking puno ng mangga sa hardin at iyong ibang sanga ay sadyang nag-oover the bakod. I do not have anything against the tree kasi nagbibigay ito ng lilim kahit papaano sa munting space ko sa harapan ng apartment pero hindi ko rin naman matiis na hindi walisin agad iyong mga dahon.
Again, it's my OCD's fault.
Matapos kong mailapag iyong mga gamit ko doon sa maliit na kitchen counter ko ay kinuha ko agad ang dustpan at walis tingting.
I cleaned everything, sweeping every leaf away. Nang makontento ako ay saka ako pumasok at inayos ang mga dala-dala kong gamit mula sa probinsiya. Saka dinala iyong bagpack sa laundry area. Binabad ko muna iyon sa disinfectant at sabon bago ako pumasok sa kusina. Nagpainit ako tubig gamit ang microwave at saka iyon inilagay sa noodles na nasa cup. Hindi dapat ako kumakain ng ganito because it is not at all healthy pero hindi naman ako magician na agad nakakapagluto ng pagkain lalo na at pagod na pagod ako. I am also drained emotionally.
I hurriedly ate the noodles at saka ako nag-half bath at nag-toothbrush. I will just change my bedsheets later, hindi ko na kayang maligo ng todo at wala akong oras tuyuin ang buhok ko pagkatapos. Babagsak na talaga ang katawan ko.
After thinking my mother for the nth time ay sumuko na ako sa tulog. Saktong ala-una nang nagising ako. I also have a headache.
I checked my phone only to find Auntie Annabelle's text. Sinagot ko muna iyong text, telling her everything was alright and that I was safely home.
Home, yes this is my home now.
Itong apartment ko na ang masasabi kong tahanan ko, kahit one bedroom lang at may isang banyo, laundry area, kusina at sala na open space ay ito na ang magsisilbing pinaka safest zone ko sa mundo.
Wala na si mama, wala na ang tahanan ko.
Naiiyak na naman ako pero pilit kong ikinukubli ang sama ng loob ko. Hindi ako pwedeng maging relax lalo na ngayon na kapag hindi ako gumalaw at magtrabaho ay wala akong kakainin.
Masakit man ang ulo ko ay tinanggal ko na ang bed sheets ko at saka pinalitan ng bago. Ang hindi ko pagligo kanina ang dahilan kung bakit kailangan kong palitan ito. All may bed linens are white. Doon kasi ako na-rerelax talaga. I see to it that during bed time ay makaka-relax ako at ang paggamit ng puting bed linens ay malaki ang kontribusyon. Not only does it look clean but also felt clean.
Once done ay naligo na ako. Siguro ang hindi ko pagligo ang nagpa-stress sa sistema ko kaya ako may sakit ng ulo ngayon.
This is not the first time that it happened. It is maybe psychological pero minsan inililigo ko lang ang sakit ng ulo ko at lumilipas naman pagkatapos.
Nagluto ako ng kanin at nagbukas lang ng delata para may ulamin ako. Kailangan kong mag-grocery mamya para makaluto na ng matinong pagkain.
Sisiguraduhin kong iyong mga bagsak presyo na gulay ang bibilhin ko mamya kasi kailangan kong magtipid.
Hindi ko alam kung haggang kailan ako magtitipid, siguro hanggang sa maka-graduate na ako at makahanap ng trabaho.
Hindi ko rin alam kung makakakain pa ako sa restaurants o fastfoods. I really do not have the money for any luxuries right now.
Iyong ref, microwave at washing machine ko na lang ang luxury ko ngayon dahil sila ang malaki ang tulong para mapadali ang buhay ko bawat araw.
Ok, pati na cellphone but then wala rin kwenta kung wala akong load.
Hay buhay!
Paalis na ako para makapag- grocery nang makasalubong ko iyong may-ari ng apartment na si Ate Cora.
"Oh Filippa, nakabalik ka na pala, hindi na kita kinumusta nang sinabi mo iyong masamang balita tungkol sa mama mo kasi alam kong magiging abala ka," she said and it was true, hindi pa nga ako nakakapag-reply sa mga texts ng mga taong nagpaabot ng condolences.
"Ok lang po iyon, naging abala talaga ako ate,"
"Kumusta ka? Alam kong mahirap pero isipin mo lagi na makakasama niya na iyong papa mo doon kahit papaano,"
Tumango ako sa sinabi niya, "Magiging ok din po ako ate, kailangan ko lang ng panahon para makapag-adjust na wala na talaga si mama," sambit ko pagkatapos.
"Nakita na rin lang kita, gusto kong sabihin na magtataas ako ng renta sa susunod na buwan," balita niya sa akin at parang sinuntok ang sikmura ko sa sinabi niya. Hindi ako umalma kasi useless na makipagdiskusyon ako sa bagay na iyon. Ang hirap humanap ng matinong apartment malapit sa university belt.
"Sige ho," tango ko sa sinabi niya.
"Limang daan lang naman, kailangan na talaga lalo na at ang taas-taas na ng mga bayarin ngayon," kahit papaano ay paliwanag ni Ate Cora sa dahilan niya ng pagtaas.
"Wala pong problema ate," bagkus ay sambit ko.
"Oh siya maiwan na kita at mukhang may pupuntahan ka naman,"
Tinanguan ko lang siya at saka ako bumuntong-hininga nang malagpasan niya ako.
Limang daan kung tutuusin ay malaking bagay na para sa akin.
Sa akin na bilang na bilang lahat ang mga expenses.
Napailing na lang ako sa ibinalita ni Ate Cora, again finding a nice apartment near the university belt is difficult. Kaysa sa ayawan ko siya tapos palayasin niya ako, I really do not have time to look for a better apartment na mas mura sa binabayaran ko ngayon. Sa twelve thousand five hundred na ngayon na renta ay mura pa kung tutuusin compared sa ibang apartment sa area.
Kaya pa ng budget ko iyon pero kung sana hindi nagtaas si Ate Cora sa ibang bagay ko magagamit iyong pera.
Mabilis naman ako nakauwi, agad kong hinugasan ang mga gulay bago ko inilagay sa ref, inayos ko na rin ang mga iba ko pang pinamili.
Pagkatapos ay binuksan ko ang account ko school para makita kung may mga announcements sa department ko. At hindi nga ako nagkamali na-ipost na iyong enrolment schedule at tatlong araw lang iyon. Sa Lunes ang para sa mga freshmen, Martes naman sa sophomore at Miyerkules sa higher years. The list of the books to buy per subject ay nakalista na rin. Kung may pagkakataon ako bukas ay dadaan na ako sa bookshop para makita ang presyo ng mga ito.
Naisip ko na naman iyong limang daan na idadagdag ko para sa renta. Pwede sana na pandagdag na sa pambili ko ng libro iyon.
I sighed.
After writing all the important details needed para sa enrolment sa Miyerkules ay ang paghahanap naman ng part time ang ginawa ko.
May dalawa akong nakita but I have to check kung fixed iyong oras ng mga iyon. I do not want to sacrifice any major subject kapag nagkataon na flexible pala iyong oras ng part time.
Saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sumilip sa social media bandang alas- otso, hindi pa naman ako nagugutom kaya minabuti kong sumilip sa mga groups, mabibilang lang naman kasi ang mga nasa friendlist ko. Sa nagdaang dalawang taon sa kurso ko ay halos mga blockmates ko lang ang nasa listahan. I do not really care, in a way ay distraction lang naman ang social media kasi makikita mo doon ang mga ganap sa buhay ng bawat tao.
Doon sa group nga ay naka-focus sa mga bakasyon nila halos lahat ang posts, bida-bida as usual ang mga mayayaman na nag-iibang bansa at hindi pahuhuli ang mga Allegro sa kanila.
Isang post lang ng bawat isa sa mga Allegro ay nagiging trending na.
Tingin ko kung wala namang pera itong mga ito ay wala rin naman pakialam ang mga tao sa kanila. Swerte na lang nila at magagandang lahi rin sila kaya mas sikat sila lalo.
Ang particular kasi sa mga Allegro ay may mga bakasyon talaga silang magkakasama.
Katulad na lang ng bakasyon nila sa Malibu para mag-surf, sana all talaga may mga pinsan. Ako ni wala akong isa man lang na nakilala!
How unfair is that?