JACE
Kanina ko pa iniisip kung ano ang maaaring dahilan nang pagtawag sa akin ni Bullet.
If it was because of school grades then it shouldn't be a problem at all kasi gaya ng sinabi ni Shanta kanina ay ok ang grades ko.
Kumatok muna ako ng tatlong beses at naghintay ng pahintulot ni Bullet bago ako pumasok sa library.
"Bullet may I know why you wanted to talk to me?" agad kong tanong hindi ko pa man naisasara ang pintuan.
The earlier na malaman ko ang dahilan ng pagtawag niya sa akin ay mas maigi para mapanatag na rin ako.
"Jace Albertus," she said at saka itinuro ang sofa na naroon, kaya doon ako nagpunta para umupo. I saw her brought out a folder mula sa drawer ng mahabang wooden table niya.
Bullet elegantly sat on the chair accross mine bago ilapag sa lamesita na nasa gitna namin iyong folder.
"Did I do anything wrong?" kabado kong tanong sa kanya.
Bullet rarely smiles. Kaya hindi kami mapalagay tuwing kasama namin siya.
"How are you?" saad niya imbes na sagutin iyong tanong ko.
"I'm ok, I guess," kibit ko ng balikat. Hindi ko alam kung tama bang lagi akong tinatanong ng mga ito kung ok lang ba ako.
"Great to know then," she said at saka inabot ang folder sa akin.
Kunot ang noo kong inabot ito. "Ano po ito lola?" I asked. Bihira lang kung tawagin namin siyang lola ng mga pinsan ko kasi Bullet ang nakasanayan na naming itawag sa kanya.
"It's the latest report on your parent's disappearance," sa sinabi ni Bullet ay nanginig ang mga kamay ko. Lalo na nang mabuksan ko iyong folder.
Pictures ng mga bahagi ng private jet na gamit ng mga magulang ko ang tumambad sa akin.
"They are parts of the jet in different places," umpisang explain ni Bullet.
Hindi pa ma-locate ang actual na eroplano because if it really crashed ay nasa kaliblib-liban iyon ng sss forrest and according to the men we paid for the search and rescue ay hindi sila basta basta makakapasok doon kasi teritoryo iyon ng magkakaibang tribu na hindi nagpapapasok sa kahit sino mang outsiders.
Tahimik ko lang na hawak ang mga pictures kasi hindi ko alam kung kailangan ko nang bitiwan ang pag - asa na makita ko pa ang mga magulang ko. It's been years already. Milagro na lang kung makikita ko pa silang buhay.
"Jace Albertus," tawag ni Bullet sa pansin ko.
I looked at her. "Hanggang hindi natin nakikita ang mga bangkay nila ay huwag tayong mawawalan ng pag-asa. I know it's been years but we are doing all that we can,"
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. I basically grew up without my parents.
"I am sorry you have tilo endure this Jace apo," Bullet said at saka ako nilapitan para yakapin.
"It sank only now that I technically am an orphan—"
"No, you are not an orphan, June and Becca are still alive! Do not lose hope Jace," alo ni lola sa akin.
I tried to control my emotions. Kasi unfair para sa mga kapamilya ko na naniniwala na buhay pa ang mga magulang ko. Tapos nandiyan pa ang mga magulang ni Noah. na nagsisilbing mga magulang ko. Kulang na lang ay ampunin nila ako. Pero kahit gawin pa nila ay hindi naman magbabago ang apilyido ko. I will still be an Allegro.
"Now fix yourself and be stronger than ever Jace Albertus!" sambit ni lola nang pinakawalan niya ako mula sa yakap niya.
"And one more thing–" sinadyang bitin ni Bullet sa sasabihin niya at saka ako tinignan. Bahagya pang nakataas ang isang kilay niya.
Kinabahan na naman ako. Bullet and her ways really are intimidating.
"Do you remember anything that you should be telling me or Mullet?" she asked, now her one brow fully arched.
"Ahh—wala naman po," I frowned. Because honestly speaking wala naman akong maalalang kalokohang nagawa na pwede nilang ikakagalit.
"Think harder," she said at kahit siguro halughugin ko ang bawat kanto ng utak ko ngayon ay wala naman ako maalala.
"It's about that ten million you asked the bank Jace Albertus, and it's in cash! Are you insane?" sunod-sunod na sabi ni Bullet.
Nabigla ako sa sinabi niya kasi nakalimutan ko na iyong tungkol doon.
"Ah, iyon po ba?" sabi ko habang napapakamot sa batok ko.
"I do not care where you spend money, because in the first place it's your money but as the overall guardian of the Allegro assets, I think you have to give us a heads up atleast kung saan mo iyon ginamit lalo na at nag-aaral ka pa lang,"
"I bought a condominium unit Bullet, I did not spend it just because," I answered her immediately.
Sa sinabi ko ay mas lalong kumunot ang noo niya.
"Did you talk about this with your Uncle Larry?" she asked na ang tinutukoy ay ang ama ni Noah.
Umiling ako. Because truly I did not. It was supposedly be a secret, nakalimutan ko lang na nasa ilalim pa rin kami ng payong nina Bullet at Mullet. That every little movement on the finances are within their control.
Bumuntong hininga siya. "Whatever your reason, show some respect and tell them," she said.
I nodded. Hindi ko lang nabanggit kina Uncle Larry iyon dahil ayaw kong mag-isip sila na hindi ako masaya sa poder nila . I do not want Auntie Lydia to feel betrayed kasi kahit lagi sila sa Spain ni Uncle ay sila pa rin ang tumatayong legal gardian ko simula nang nawala ang mga magulang ko.
"I will Bullet, ayaw ko lang na mag-isip si Auntie Lydia nang kung ano-ano, overthinker pa naman iyon,"
Bullet nodded at hinayaan na akong umalis.
I went straightly to the room given to us during our stay here. Malaki ang kwarto at may pitong single bed. Si Shanta naman ay may sariling kwarto kasi nag-iisa naman siyang babae sa aming magpipinsan.
As expected ay nakaabang ang mga pinsan ko. Batid kong hindi pa sila nakakaempake kasi wala pa akong makitang mga luggage na ayos na.
"Well?" si Ian ang unang nagtanong.
"It's about my parents." Pahinamad kong sabi saka nahiga sa kama ko.
Air went near me at naupo sa paanan ng kama ko.
All the others went nearer too na para bang isang national issue ang sasabihin kong balita patungkol sa mga magulang ko.
"They found parts of the private jet," umpisa ko.
"And?" Noah asked.
"Wala, iyon lang, hindi pa nakikita ang buong jet or their bodies. Ang sabi ni Bullet mahirap infiltrate ang sss forrest dahil na rin sa mga tribu na nandoon. Hindi daw sila nagpapapasok ng outsiders,"
"Damn!" Kurt cursed. Ako man gusto kong magmura pero nabatukan lang ako ni Bullet kanina kung ginawa ko iyon sa harapan niya.
Isang katok ang nagpabaling sa atensyon namin sa pintuan.
Si Ezra ang nagbukas at pumasok naman agad si Shanta in her pink pajamas.
"Jacey, ano ang kailangan ni Bullet sa iyo?" agad niyang sabi. Ang mga mata niya ay mas malambing kahit kahawig lang ng mga mata namin. Dahil siguro babae siya kaya mas emotional tignan ang mga ito. Umusog ako kasi sumiksik talaga siya sa tabi ko.
Wala na akong nagawa kundi ang akbayan siya.
"About my parents, they found parts of the jet but no traces of them yet,"
"Ohhh," malungkot na sabi niya.
"I do not know what to say," iling pa niya pagkatapos.
"Me too," I sighed.
"So long as their bodies aren't found yet, may pag-asa pang buhay sila." Kurt said at katahimikan ang lumukob sa aming lahat pagkatapos.
Hindi ko alam kung gaya ko ay nawawalan na rin sila ng pag-asa.
It's been years and thinking of it, how much is the probability that they are still alive?
Remote. Very remote.