Chapter 5 GILLIAN

1201 Words
FILIPPA Maaga akong nagbihis para sa interview. Hindi ko naman kailangang magbihis ng corporate attire para sa trabahong ina-aplayan ko. It's a waiting job in a high-end resto-bar. Ayon sa anunsyo nila ay kailangan nila ng staff para sa night shift. And sa tulad kong kailangan ng pera ay hindi problema ang magtrabaho sa gabi. I do not mind working at night too kasi wala naman akong kasama sa apartment so it's better that I work para hindi ako magkaroon ng pagkakataon para isipin si mama. Malulungkot lang ako. Wala rin naman akong ibang maisip na trabaho maliban sa pag we-waitress. Kasi pag waitress ka, physically draining ang trabaho pero hindi mo kailangang mag-extend. Once closing na ang restaurant ay closing na! Hindi naman twenty - four hours open. Maybe there will be times na need mag-extend hanggang sa makaalis na ang mga customers pero it is not like buong madaling araw ang pag-eextend mo. I have to rest too because I study during the day. Ito 'yung primary concern ko ang makapagpahinga kahit papaano bago pumasok sa eskwela. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. I am wearing a white collared shirt. Naka-jeans lang ako, iyong regular cut. Kasi wala naman akong skinny jeans. I embraced a boyish style eversince my first year in college para less hassle sa pagbibihis. Nagtatrabaho ako dati sa call center, graveyard shift din ako noon at wala naman pakialamanan sa kung ano ang suotin mo doon. People working in the graveyard shifts are like zombies. Tapos usually kung saan ka kumportable, iyon ang suotin mo. Pero hindi ko nilalahat kasi mayroon din iyong girlish talaga ang pananamit. Todo make-up pa. And I do not judge, trip nila iyon, marami silang oras mag make-up. Ako kailangan kong mag-aral. I have grades to maintain, iyong oras ko na extra, gagamitin ko pa ba sa pagme-makeup? I guess not! Although the pay in a call center was more than what I needed, iyong level ng stress doon ay sobrang taas din. May quota pa na dapat i-meet. Nag-resign na ako dahil third year na ako, mas time demanding na ang kurso ko. At hindi ko kailangan ng karagdagang stress sa buhay ko sa ngayon. Alas-singko ng hapon ang oras ng interview pero alas- quatro pa lang ay nandoon na ako. Medyo maluwag ang traffic kaya nakarating ako ng maaga. Ang interview ay sa resto-bar mismo. Nang pumasok ako roon ay binati ako ng isang staff na nag-fofold ng table napkins. "Close pa kami ma'am," she said. Alam ko naman iyon kasi alas-sais nag-oopen ang resto-bar pero mainit kasi sa labas kaya ayaw ko maghintay doon. Pagpapawisan lang ako! "May interview po ako," I answered. "Ano'ng oras po interview niyo? Wala pa po kasi si Ma'am Gillian." she said. "Alas-singko po, napaaga lang ako ng dating kasi wala kaninang masyadong traffic," "Pwede naman po kayo maghintay dito sa loob, doon po oh," she said at itinuro ang isang sulok. "Thanks," sabi ko at hindi ko na siya inabala. I went to that one corner she indicated. Minabuti kong mag-browse sa site ng bookstore para makita iyong presyo ng mga libro na kailangan ko. Ibat-ibang bookstore ang tinignan ko, I wanted to compare the prices. Pagkatapos siguro ng fifteen minutes ay may umupo malapit sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa kanya at gaya ko ay may hawak din siyang malaking clear envelope. Ang kinaibahan lang ay pink iyong linings ng envelope niya samantalang sa akin ay white. She is too feminine. Hapit na hapit ang damit niya. She is wearing a bodycon dress. Hindi appropriate sa isang interview pero pakialam ko ba? My dress isn't also appropriate kaya shut up na lang ako. "Mag-aaply ka rin?" she asked. Her voice sounded fragile. Tinignan ko siya at nakita kong hinihila niya iyong damit niya na sadyang lumilihis paitaas. Again before thinking another unpleasant thing against her dress ay sinagot ko na siya. "Yes." I saw how she fidgeted. Mukha siyang kinakabahan na ewan. At alam kong hindi nakakatulong iyong damit niyang maiksi. "You want?" sabi ko doon sa jacket na dala ko. Medyo formal iyon, actually out of place sa suot ko pero iyon lang ang formal na jacket ko at naisip ko na interview naman itong pupuntahan ko kaya dinala ko na kasi baka kailanganin ko. "Hala ok lang ba?" she blushed at hinila na naman iyong damit niya na lumilihis. "Hmm," I nodded at saka itinuloy na iyong ginagawa ko sa cellphone. "Sabi kasi ng boardmate ko, kailangan kong magbihis ng ganito kapag interview," she murmured while placing my jacket on her lap. Hindi naman niya kailangang sabihin iyon pero bakit kailangan niyang ikwento? Hindi ko siya pinansin. "Actually hindi ako kumportable, masakit na rin ang paa ko sa heels ko." reklamo pa niya kaya napatingin ako sa sapatos na suot niya. "Tanggalin mo?" I suggested. "Hala!" she reacted in what I said. "Better than having blisters later on," I shrugged. Hindi naman siya nagpapigil. She readily removed her shoes pagkatapos ay nag-umpisa naman siyang patingin-tingin sa labas. I was guessing na para siguro makita kung darating na iyong mag-iinterview sa amin at para magkaroon siya ng pagkakataon na maisuot iyong sapatos niya. Hinayaan ko na lang siya sa trip niya. May kino-compute ako sa isip ko. I was busy calculating the amount of money I have to spend for the books. Then I heard the woman beside me rushing to put on her shoes. Napatingin ako sa pintuan at pumasok ang isang foreigner na babae na may suot na salamin. Ito siguro iyong Gillian. But I did not expect her to be a foreigner. Red ang buhok niya, white skinned at kahit nakasalamin pa siya ay alam kong may kulay iyong mga mata niya. I wasn't sure though kung ano 'yung kulay. "Hello ma'am Gil, may mga dumating po for interview," the staff informed her kaya napatingin siya sa gawi namin. The woman has a striking beauty pero dahil sa salamin niya ay mapagkakamalan mo siyang siryoso sa buhay. Tahimik lang ako samantalang iyong katabi ko ang bumati kay Gillian. "Please give me a minute to settle, I'll call on you girls after " she said, may accent din ang pananalita niya. Nang makaalis na si Gillian ay mas lalo na nataranta iyong kasama kong applicant. "Baka maubusan ako ng English! Bakit kailangang foreigner ang mag-interview?" reklamo niya sa akin. "Just be honest and be yourself, everything will turn out fine," konsola ko sa kanya. "Sinasabi mo lang iyan kasi matatas ka mag-ingles," agad niyang kontra. I sighed at medyo napataas iyong kilay ko nang makita iyong pinahiram ko na jacket sa kanya na lukot-lukot na. Having an OCD ay struggle na sa aking ipahiram iyon sa kanya tapos nilukot-lukot pa niya. "Oh di sige kabahan ka, mag-fidget ka sa harapan niya, nerbyosin ka ng bongga para wala kang mapala, ito ba gusto mong mapakinggan? There you heard it." walang preno kong sabi. "Hala, galit ka?" she asked. Grabe itong babaeng ito. Hindi ko alam kung sadyang inosente o dense lang ipinanganak! Anyway magaan ang loob ko sa kanya kaya nga naipahiram ko iyong jacket ko pero hindi ko rin naman maiwasang hindi mairita! Again I sighed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD