Chapter 6 LOLA ALMIRA

1259 Words
JACE Since my parents went missing ay sina Uncle Larry at Auntie Lydia na ang tumayong parents ko. They are Noah's parents. Sa mga magkakapatid ay ang daddy ko at ang daddy ni Noah ang close. Kaya pinagpilitan ni Uncle na siya ang kukupkop sa akin pansamantala. Pero si Noah na tanging anak nila ay hindi ko naman ka-close. Sa aking mga pinsan ay si Ian ang talagang bestfriend ko. "I bought a condominium unit near school," saad ko kay Noah habang nasa kotse kami. We arrived this morning from Los Angeles kung saan ay ipinag-shopping kami ni Bullet. When the plane landed in NAIA ay naghihintay na roon ang driver ni Lola Almira—she is also Mullet ang kambal ni Bullet. They are both the matriarchs of the Allegro clan. Lola Almira is our biological grandmother. Ipinasundo niya kami sa airport para doon kami dumeretso sa kubo niya. She told us that she'll cook our favorite dishes. Lola lives in a kubo. Hindi naman siya mukhang kubo talaga pero dahil mukhang maliit ito ay kaya natawag siyang kubo. Lola's kubo however is far from small. Sa labas ay akala mo maliit pero sa loob naman ay hindi. I don't know how the architects designed it for it to look like small and then once pumasok ka naman ay mabibigla ka na lang sa laki ng space. "A condominium unit?" he asked at bahagya pang nagsalubong ang kilay niya. "You heard," sambit ko. "Eh di wow," he said at nagpatuloy na sa ginagawa niya sa cellphone niya. Noah's character is like this. Hindi mo alam kung may pakialam o wala. "Hindi pa alam ng mga magulang mo," dagdag ko. Noah stopped playing from his phone at saka ako binalingan. "Bakit aalis ka ba?" he asked. "No—" I immediately said. "Then I think there will be no problem. Si Mommy over acting lang iyon, you know her," "I just need my own space if I wanted to be alone," sambit ko. "Like walang space sa bahay? Ni hindi nga tayo nagsasalubong," he said with sarcasm. "Alam mo ang ibig kong sabihin," I told him at saka tumingin sa bintana. "May bahay kaya kayo, why not just go home whenever you needed space? Kaysa bumili ka pa ng condo," sabi na naman niya. "Para kapag nandoon ako ay ma-depress ako at maalala lang sina mommy lagi?" I told him. Tinignan muna ako ni Noah bago muling nagsalita. "Fine, just make sure na kapag feel mo magpakamatay tawagan mo muna kami, who knows magbago isip mo kasi pipigilan ka naman namin," "Gago," I cussed at him. "Idem," he answered in Latin na ang ibig sabihin ay the same. Gago talaga ito times two. Hindi na kami nag-usap hanggang sa makauwi kami sa bahay nila. Noah's parents like the other second generation of the Allegros are always in Spain. Umuuwi naman sila to check on us physically pero most of the time ay sa telepono lang namin sila nakakausap. This time ay wala sila sa Pilipinas so as much as I wanted to tell them personally about the condominium unit ay hindi ko rin magagawa. "Just call them, huwag mo nang hintayin na makauwi sila bago mo sabihin," Noah said kaya tumango na lang ako. Pero bukas ko na gagawin, I wanted to rest first. Saka ko na gagawin ang mga bagay na dapat kong gawin ngayon at nakabalik na ako dito sa Pilipinas. The next morning ay alas-nuebe na ako nagising. Ayon sa kasambahay ay umalis ang pinsan ko kanina pa. I do not mind where he goes, lahat naman kami ay may bodyguards. Our drivers are our trained companions ready to defend us anytime. Ang sabi ni Bullet ay may iba pa sa paligid pero hindi namin alam kung sino-sino. At wala naman akong balak alamin dahil hindi normal na alam mong may nakamasid sa iyo lagi. The matriarchs hired them for our safety after my parents went missing pati na iyong failed attempt na ambush sa parents nina Ezra at Ian na sina Uncle Samuel at Auntie Grace ay nag-trigger na mabigyan kami lahat ng bodyguards. There are so much to tell really, I think when you are really wealthy, maraming gustong maging kaibigan mo pero marami rin iyong mga gustong manakit sa iyo. "Tumawag po si Sir Ian kaninang tulog pa po kayo, on the way na daw po siya," sabi pa ng kasambahay. My forehead creased at what she said. Tapos ay saka ko naisip na enrolment nga pala ngayon. Kaya siguro umalis na si Noah. I shrugged. Sa totoo lang tinatamad akong pumunta ng school. Hindi pa ako nakakasubo ng breakfast ko ay rinig ko na ang busina. I know it's Ian, ugali niyang bumusina kapag dumarating siya dito sa bahay. Hindi nga ako nagkamali at siya iyong bumungad mula sa may pintuan ng dining area. "Sabi ko na nga ba at tinanghali ka na ng gising," he said at sumalampak sa katabing upuan. "Sir, kakain po kayo?" agad na tanong ng kasambahay. "Kumain na ako ate, coffee na lang please," magalang na sabi ni Ian sa kanya. "We can always enrol on line," sagot ko sa pinsan ko. "Nasaan ang thrill doon? Ang boring!" he said and it's true, boring nga naman kung nandito lang ako sa bahay. "Give me time to eat and change at least," sabi ko at saka minadaling tapusin ang breakfast ko. "Salamat ate," Ian said at saka iniinom iyong kape na hinihingi niya kanina. "Si Noah?" he asked. "Umalis daw," I said and stood up. Hindi na umimik pa si Jace at hinayaan na akong makaalis. I hurriedly went upstairs, had a shower and just opted for a white v-cut shirt. Pinaresan ko ng faded jeans at white jordans. Pinasadahan ko lang ng konting gel ang buhok ko at sinuklay ko lamang ito gamit ang mga daliri ko para hindi siya magmukhang ayos na ayos. I like to have atleast a badboy vibe. Kinuha ko na ang wallet at cellphone ko na nakapatay pa rin sa bedside table ko. Ugali kong patayin ang cellphone ko kapag matutulog na ako. I just wanted to disconnect myself to the rest of the world kahit kapag tulog lamang ako. The Allegros knew of this kaya iyong mga kasambahay or iyong mga kasama ko ang tinatawagan nila or binibilinan if tulog ako. I switched my phone on at missed call alerts ang agad na nag-notify. Mga unknown numbers and then iyong sa real estate agent ko ang mga nag missed call. Hindi na naubos-ubos ang mga numerong tumatawag sa akin na kailanman ay hindi ko naman tinawagan pabalik. Pababa na ako ng hagdan nang maisipan kong tawagan iyong real estate agent ko. Gusto ko lang malaman kung ano ang sasabihin niya. She said that the unit that I bought was already cleaned thoroughly. Na pwede nang tirhan. Fully furnished na iyon but then I think I will be changing some furnitures later on I would have to ask Shanta on this one, she has an eye for good interiors. Nagpaalam na ako matapos malaman na iyon lang ang gusto niyang sabihin. "Mamya after ng enrolment samahan mo ako, may pupuntahan tayo," bungad ko kay Ian na prenteng nakaupo sa sala ng bahay. He just nodded at tumayo na rin siya. Sabay na kaming lumabas ng bahay. Ian is my best friend. At malaki ang pasasalamat ko na pinsan ko rin siya. He is one of the reasons why I don't feel alone even if still, my parents were nowhere to be found.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD