FILIPPA
Nang makalabas ako sa eskwelahan ay wala akong naging choice kung ang hindi maghintay ng taxi.
Hindi ko kaya iyong byahe pauwi sa apartment ko kung mag-jijeep pa ako. The pain on my knee was too much at mabigat talaga iyong mga libro.
I'm cursing those cheerleaders in my head. Nagtitipid nga ako tapos ngayon ay wala akong choice kung ang hindi gumastos sa taxi!
Sana tubuan sila ng mga kulugo.
I hate cursing pero nakakaput*ng-ina naman talaga silang lahat.
"Saan tayo miss?" the taxi driver asked nang mabuksan niya iyong bintana.
I told him my address at dahil sadya namang malapit lang iyong apartment ko ay hindi humindi iyong driver.
Kung tutuusin, wala pa sigurong sampung minuto ang layo sa school ng apartment ko. Maliban na lang kung ma-traffic.
In any case ay bawal naman mamili ng pasahero ang mga taxi, pero minsan may mga pasaway din lang na drivers na choosy.
Nang makapasok ako sa maliit kong gate ay sumalubong sa akin ang mga iilang dahon ng mangga na nakakalat na naman sa maliit na garden ko.
Napapikit ako ng mata.
Inilapag ko muna sa steel table na sinadya kong ilagay malapit sa may pintuan ang mga libro bago ko binuksan ang pintuan. Sumulyap muna ako sa mga dahon na nakakalat bago naglakas loob talikuran ang mga iyon at pumasok na muna. Mamaya ko na lang sila wawalisin.
Anyway sinadya kong maglagay ng maliit na mesa just next to the door kasi minsan trip ko lang din maupo sa harap ng apartment ko habang nagkakape.
Hindi naman kaaya-aya ang makikita mo sa harapan ng apartment pero hindi naman masama kung makakakita ka ng ibang tao.
I have a small space. It's spotless but it's small, minsan nakaka-soffocate nga eh kaya tumatambay din ako sa harapan.
Binalikan ko iyong mga libro matapos kong maisabit iyong bag pack ko doon sa likod ng pintuan ng washing area. Isa pa iyon, I don't remember fully kung sumayad ba sa lupa noong natumba ako.
Pinunasan ko muna iyong mga libro bago nilagay sa maliit na counter doon sa kusina.
Mabuti na lang at hindi nasira! Wala akong pambayad kapag nagkataon. Kaya nga ako nanghihiram ng libro kasi hindi ko afford bumili!
Again, sana tubuan sila ng kulugo! Those cheerleaders are pain in the ass.
Nang masiguro kong maayos iyong mga libro ay saka ko pinagtuunan ng pansin iyong sugat ko.
There was a cut. Namamaga na nga ng konti! I cleaned it. Pagkatapas ay saka ko naalala si Jessica.
Tinawagan ko siya at nagkasundo kaming magkita sa isang kapehan sa isang mall. Nandoon daw kasi siya sa mall kaya naisipan ko na lang siya puntahan.
After sweeping the leaves of the mango tree ay saka lang ako umalis ulit ng bahay.
Habang papalapit ako sa kapehan ay napapapikit na lang ako. Una ay dahil masakit ang tuhod ko at pangalawa dahil mapapagastos na naman ako sa Starbucks! Puro gastos talaga ang nangyayari sa akin ngayong araw.
Starbucks is pricey ano ba ang meron sa mga binebenta nila eh ang tatamis naman?
Malayo pa lang ako ay kita ko na si Jessica na umiiyak na tila ba walang pakialam na pinagtitinginan siya ng mga tao doon sa loob
Wala na akong nagawa kung ang hindi pumasok para madaluhan siya.
"Jessica!" I called her at agad na lumiwanag ang mukha niya kahit papaano nang makita niya ako.
"Filippa!" she said at lumandas pa lalo sa pisngi niya ang mga luha.
"Hoy ok ka lang?" I asked.
She wiped her tears. "Hindi," she said but tried to smile.
"What happened?" I asked.
"Kailangan ko ng ibang matitirhan Filippa, please doon muna ako sa iyo?" sambit niya at inabot niya iyong kamay kong nakapatong sa mesa.
Hindi pa ako nagsasalita nang mag umpisa siyang magkwento.
It was too alarming na kinailangan kong mag-order ng kape.
I couldn't say no to her request, baka kung ano pa ang mangyari sa kanya doon sa lugar ng tinitirhan niya ngayon. base na rin sa eyebags niya at mapula-pulang mga mata ay mahuhulaan mong hindi pa ito nakakatulog ng maayos.
"Cafe macchiato for Ma'am Filippa," rinig kong tawag sa akin ng barista. Hudyat na ready na iyong kape ko.
Agad na akong tumayo at kinuha iyon, bumalik din ako agad doon sa mesa namin ni Jessica.
"Kailan mo ba balak?" I asked Jessica. Masakit pa iyong tuhod ko pero kung pipiliin niyang umalis sa tinitirhan niya ngayon ay mas mainam.
Hindi siya agad nakasagot. Napatingin ako sa paligid at nakita kong may nakatingin sa akin na lalake.
I know he's an Allegro but I don't really care.
"Ayaw ko nang bumalik doon, sana ngayong gabi ay sa iyo na ako tutuloy, baka hindi na ako swertehin next time," Jessica said kaya napatingin ako sa kanya.
Uminom muna ako ng kape bago sumang-ayon sa kanya. Hindi ko rin naman maatim na hayaan siyang bumalik doon gayong delikado para sa kanya.
Nagtagal pa kami ng kaunti sa kapehan bago namin napagpasyahan na kuhanin na iyong mga kagamitan niya.
Sa totoo lang, ayaw kong maranasan niya pa ulit iyong dinanas niya. Walang sinuman ang dapat makarananas ng ganoon.
She was almost raped, doon sa lugar kung saan siya nakatira ay basta basta nalang daw may nanghihila sa mga babae, It was fortunate na may tumulong sa kanya kagabi nang umuwi siya galing trabaho.
It took us a while bago makarating sa lugar ng tinitirhan ni Jessica. Kung pagmamasdan mo ay typical naman na lugar sa Maynila ito. Hindi siya exclusive na may pa-gate pa na parang sa mga exclusive villages.
But living in a suburbs lalo na sa Manila ay madami talagang tao.
Hindi na ako nagtaka nang makita kong nakaempake na si Jessica.
Hindi naman umangal pa iyong landlady niya sa paglisan niya kasi for her safety naman ang reason ni Jessica sa pag-alis.
"Bisita ka minsan dito Jessica," the woman said habang naninigarilyo. Kanina ko pa gustong kuhanin iyong sigarilyo niya para maitapon. Siyempre sa isip ko lang iyon nagagawa.
"Susubukan ko po," magalang na sambit ni Jessica.
"Sige mag-iingat kayo," she said at muli ay bumuga ng usok.
Tag-isa kami ng maleta na hila-hila ni Jessica. Noong makalayo na kami doon sa kasera niya ay saka ko siya tinanong. "Naka-empake ka na dati, what if hindi pala ako pumayag na tumira ka sa akin? Saan ka titira?" I asked.
"Hindi ko alam, hindi ko pa naiisip pero baka kay Ma'am Gillian ako hihingi ng tulong, kahit doon na ako sa restaurant tumira papayag ako," she said seriously.
Marami-rami akong gustong itanong kay Jessica pero minabuti ko nang ipagpaliban kasi sumasama ang panahon.
"I think we need to hurry up, mukhang uulan," sambit ko sa kanya.
"Doon tayo malapit sa convenience store , wala tayong masasakyan dito," she suggested.
Agad ko nang tinahak ang daan papunta roon nang bigla na lang umulan, it's windy too.
Hindi ko gusto ang nangyayari lalo na at may hila-hila kaming maleta. Iyong bugso ng ulan ay katulad lang din ng bugso ng mga tao na bigla-bigla nalang nagtakbuhan para hindi sila mabasa.
The noise of the traffic isn't helping at all. Ang iingay pa ng mga busina ng mga sasakyan.
What do these drivers expect? Iyong mga tao lahat ng direksyon ang takbo dahil sa lakas ng ulan.
Then a wind gust came! Tinangay pa nito ang sumbrero ko!
"Ohhh, hala, teka hahabulin ko!" Jessica said and was about to run pero bago pa man siya makalayo ay pinigilan ko na siya.
"Huwag mo nang habulin, mas mababasa tayo dito lalo, pati iyong mga nasa loob ng mga maleta mo," I said.
Because thinking of her clothes to be soaked by the rain ay hindi ko rin maatim. I mean kung mga damit ko iyon ay baka maitapon ko agad silang lahat, the rainwater isn't draining well as well, namumuo na ng baha sa kalsada.
" Pero—"
" Halika na," I said at narinig kong pumitada iyong isang sasakyan sa malapit sa amin.
Sandali akong nagitla. Pero hindi ko na rin pinansin, una sa lahat kung kakilala ko iyong driver ay dapat nagbaba na siya ng bintana. Pangalawa wala akong panahon makipag-kwentuhan sakali man na kakilala ko lalo na ngayon at umuulan!
Nang makatawid kami ay naisipan naming sumilong doon sa convenience store.
Siksikan iyong mga tao pero doon sa loob ay hindi masyado.
"Bili tayo ng kape at kapag wala kang binili dyan sa loob ay papalabasin ka ng may-ari," kwento ni Jessica.
That explains kung bakit walang masyadong tao sa loob.
Hindi na ako umangal. Sa klase ng ulan ay matatagalan pang tumila ito.
"Sayang iyong sumbrero mo, pwede ko naman habulin," Jessica said. Nakaupo na kami at sumisimsim ng kape.
Napatingin ulit ako sa mga maleta niya. "No worries," sambit ko.
"Mabuti na lang at wala tayong shift mamya," saad niya matapos tignan ang sitwasyon sa labas. Malakas pa rin ang ulan na tila ba ayaw nang tumila pa sa pag-ulan.
Mabuti nga talaga na wala kaming pasok. Kahit papaano ay hindi mape-pwersa iyong sugat ko sa tuhod.
Napatingin ako kay Jessica na inabala na ulit ang sarili sa pag-inom.
I can't believe that she is now my room-mate, sana lang talaga ay hindi ito burara!