Chapter 12 STREETFOOD

1780 Words
FILIPPA "Ang linis," ito ang mga salitang lumabas sa bibig ni Jessica nang makarating kami sa apartment ko. "Jessica may OCD ako kaya mag-expect kang nasa ayos lahat ng nandito." I told her. Tinignan lang niya ako. "Burara ka ba?" diretsong tanong ko. "Grabe ka naman sa burara!" she sounded defensive. I sighed. "Baka kasi maaway kita, sinasabi ko lang ang kondisyon ko. I want everything to be in order. You can see how spotless my apartment is," "Maghahanap ako ng malilipatan Filippa, ayaw ko ring maaway mo sakali mang hindi pasado sa standards mo ang definition ko ng orderliness and cleanliness," I heard her say. "I won't hide from you the truth, mas gusto kong mag-isa na lang sa bahay kung burara lang din ang kasama ko," "Kahit boyfriend?" she asked. Kinunutan ko siya ng noo. "What does a boyfriend have to say with how I liked my place to be?" I eyed her with confusion. Tumawa siya. "Wala ka sigurong boyfriend!" she said, tumatango-tango pa siya. "Jessica!" I said. "Don't get me wrong! Ay ano ba iyan napapa-English ako sa iyo!" kumukumpas pa iyong kamay niyang sabi. "Ang sinasabi ko paano kung iyong boyfriend mo ay burara?" she said. "Firstly, I do not have a boyfriend. Pangalawa, I won't have a dugyot boyfriend!" umiiling na sabi ko. "Dugyot talaga? Hindi lang kasing-sinop at linis mo sa gamit at sa bahay ay dugyot na? Girl, hindi naman lahat may OCD ano," She has a point but it would be futile to discuss my obsession to her, she wouldn't fully understand my disorder. "Isa lang ang kwarto dito Jessica, I could offer you the sofa, sofabed naman iyan but I suggest you seach your own place the soonest for you to be comfortable," sabi ko habang tinitignan iyong sofa kong white synthetic leather. "Ok na ako dito, pasensiya na talaga sa abala Filippa, maghahanap ako ng kasera bukas na bukas din," narinig kong sabi niya. "Ok," I said. Pagkatapos ay naisipan kong tanungin siya. "Hindi ka ba nag-aaral?" "Nag-aaral naman pero hindi sa school mo, hindi ko afford doon eh," "Hindi ko rin afford, scholar lang ako kaya wala akong binabayaran na tuition," I told her. "Ahhh, ang talino mo siguro ano?" she smiled. Umiling ako. "Alam ko lang kung ano ang gusto ko and I work hard for it," I saw her sighed. "G-good for you," Hindi naman siya nagkwento kung bakit sinabi niya iyong mga katagang iyon. Pero alam kong may rason siya sa pagsasabi niyon. "Feel at home, maliligo lang ako at magpapahinga pagkatapos kasi masakit talaga iyong tuhod ko." paalam ko sa kanya. Tumango naman siya at hinayaan na ako. Kumuha ako ng damit na pampalit sa kwarto ko. I cannot just roam around the apartment nude kasi hindi na ako mag-isa. I do not want to scandalise her. Bandang alas-sais nang kinatok ako ni Jessica. "Filippa kumakain ka ba ng isaw, adidas, tokneneng, kikiam at iba pang streetfood?" she yelled. Alam ko naman iyong sinasabi niya. Hindi ako maarte, kahit gusto kong tikman iyong mga sinasabi niya ay hindi ko kaya. Bumuntong hininga ako at saka siya pinagbuksan ng pintuan. "No, hindi–" "Hindi mo kaya?" she asked, parang naaawa pa siya sa pagkakasabi niyon. "I'm sorry, kung gusto mo, pwede ka naman kumain ng ganoon sa kusina ko, I have no problem with that," "Nakatikim ka na ba ng fishball man lang?" she asked. Umiling ako. "Ganito na lang, gagawa ako home made?" "You don't have to do that," iling ko sa kanya at saka nagpunta sa kusina. Uminom ako ng tubig. "Pasasalamat ko na rin sa iyo at para makatikim ka naman kahit fishball lang," narinig kong sambit niya. Sa sinabi niya ay natuwa ako. "May palengke malapit dito," saad ko pa. "Oo nadaanan natin kanina," she said. "As much as I wanted to go with you, hindi ako masyadong makalakad," sabi ko sabay lihis ng pantulog ko. Hindi rin naman ako fanatic ng palengke kasi madumi ang paligid but I learned to live with it kasi wala akong choice, sadyang mas mura naman ang bilihin doon kaysa sa grocery. "Hala, paano ka sa trabaho bukas?" she asked. Ako man ay kanina pa iniisip kung papasok ba ako o hindi. "Bukas ko pa pagdedesisyunan kung ano ang gagawin," I said. Tumango si Jessica, "Alis na ako, babalik din ako agad," medyo alanganing sabi niya. "Wait sasama na ako, mag-tricy nga lang tayo, bibili rin ako ng mga iba pang gulay," pagdadahilan ko para hindi obvious na ayaw kong mag-isa siyang lumabas, kahit naman hindi niya sabihin ay halata namang nag-aalangan siya. "A-ako na, baka mas magkaroon ka pa ng problema diyan sa paa mo," "Sa totoo lang ay ayaw ko munang lumabas kasi basa pa ang kapaligiran dahil sa ulan kanina, maputik. Pangalawa gusto kong kumain ng fishball na gagawin mo pero ayaw kong mag-isa kang pumunta doon sa palengke. It's dark!. Pangatlo, I am trying to be nice." pikit mata ko. Ang hirap mag-explain! Narinig ko siyang tumawa kaya napadilat ako. "Grabe napaka-honest mo naman!" "It's not funny, I do not want to hinder you from doing what you want kasi hindi mo naman ako nanay pero ayaw kong pumunta ka mag-isa roon para lang bilhan ako ng isda para sa fishball, hindi ka naman obligated," I exclaimed. "May tuna ka ba?" bigla ay detour niya ng usapan. "What?" I asked. "Tuna in can, pwede na iyon," she said. "Look if it's not going to taste the same, I'd rather wait that we can buy the real fish," "Sabagay," wika niya. Napahinga ako nang maluwag. "Mayroon pa akong kaunting gulay sa ref, if it's ok with you, you can cook those," "Sige," she said at hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Jessica. In all fairness to her cooking skills, talaga namang marunong siyang magluto. "Thanks," I said nang matapos na kaming kumain. "Sa?" she asked. "For cooking," "Pagkain mo kaya iyong mga niluto ko," she said. "It's just that, sawa na siguro ako sa mga niluluto ko, it's been a while na nakatikim ulit ako ng pagkain na hindi ako ang nagluluto," I said remembering the cookings of my mother. "Nasaan ang mga magulang mo—pwede mong hindi sagutin," she said. "Wala na, mag-isa na lang ako," "Ako naman may mga magulang pa pero parang mag-isa rin ako," mahinang tawa niya pagkatapos ay tumingin siya sa kawalan. I just kept silent. "Hindi mo talaga ugaling mag-usisa ano? Hindi ka man lang ba na-cucurious sa akin?" I smiled a little at her, "Curious but I don't want to bring up something that you wouldn't like to share. I respect your privacy." "Kainis 'to, grabe nakakailang ka alam mo ba iyon?" she said. "Hindi ko alam pero hindi lang ikaw ang nagsabing nakakainis ako," sambit ko sa kanya, naalala ko kasi mga bully sa school na sinasabing nakakainis akong i-bully. Nagtawanan kami sa sinabi ko. It' s been a while na may nakausap ako ng matagal-tagal. It is quite nice to have someone to talk to. Sa napansin ko kay Jessica ay hindi naman siya burara, magkaiba lang kami ng level ng pagiging attentive at pagiging malinis. Ok na rin, I could settle on how she organizes her things, hindi naman siya forever sa apartment ko. I sighed a relief before finally calling it a day, sana bukas ay. bumuti na ang tuhod ko. Otherwise I will have to stay at home. JACE The light peeking from the window woke me up. Napatingin ako roon, it only means one thing, hindi ko naisara ng maigi ang kurtina noong natulog ako kagabi. I looked at my watch and it indicates twenty past eight. My alarm didn't do its job as well. Mabuti na lang at wala pa akong pasok sa school, baka na-late pa ako. Hindi ko na muna binuksan ang cellphone ko, I went to my terrace and looked outside. Hindi ko pa nakikita ang view kapag umaga roon, I am not expecting sunrise and stuff, I just wanted to see how it looks outside. And there's nothing in particular. Nakita ko lang iyong cleaning lady doon sa kabilang terrace na naglilinis. I can tell she is a staff of the condomimium kasi suot niya ang uniform nila. Pumasok na ako at saka ko pa lang binuksan iyong cellphone ko. Iyong message lang ni Lola Almira ang binasa ko. She said she will pass by the area about lunch time. And she said she'll drop by. Expected ko naman na iyon, I know very well that she isn't in the area. Gusto lang nito makita ang tinitirhan ko. Hindi na rin ako magtataka kung kasama niya si Bullet. Bullet could be back, who knows? Sino ba ang nakakaalam sa lakad at kinaroroonan ni Bullet? Eh di si lola rin. Kaya naisipan ko na rin itanong sa kanya. [Kasama niyo po ba si Bullet?] Hindi agad nag-reply si Lola Almira kaya minabuti ko nang maligo and when I was done ay nakita ko na iyong reply niya. [No, it's just me apo.] Great! Kahit naman papaano ay hindi ko kailangang magtawag nang maraming tagalinis. Lola Almira isn't like Bullet. Mas relax siya kumbaga. They look alike but Lola Almira is certainly sweeter and calmer. [See you 'la.] I texted her and then went to make a coffee. Hindi pa ako nakakahigop nang may nag-dodoorbell naman. Kumunot ang noo ko. I didn't give the reception yet the list of the people who can go up in my condo kaya bakit may kumakatok na? Unless galing sa katabing condo ang kumakatok? "Ano ang ginagawa mo rito?" I asked Kurt nang napagbuksan ko siya. "Brought you these, re-heat mo na lang," he said at binigay na sa akin iyong paperbag. "What are these?" I asked sabay tingin sa mga iyon. "Food for abuela, pinaluto ni mommy," sabi niya saka tumalikod na. Hindi na ako nagtanong kung papaanong nakalusot siya sa reception. He is an Allegro, he has ways. "Thanks!" habol ko sa kanya bago pa man siya makapasok doon sa elevator. Hindi man sabihin ni Kurt kung sino ang nagluto ay alam kong siya ang nag-abala. Kurt loves cooking. He just waved his hand tapos ay nawala na siya sa paningin ko. While waiting for my grandmother ay ang mga subjects ko this sem ang inabala kong tignan. I also looked at the student's portal kung may mga announcements doon, I also took a screenshot on the books I am needing para mamya ay mabili ko na. I like having my things complete. Hindi ako fan ng library. I like having all the books I needed and I have funds so why not use it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD