Chapter 13 PROUD

1676 Words
FILIPPA "You don't have to send me a picture of your cut Filippa," ito ang narinig ko mula sa kabilang linya. "I didn't want to—" "You can come back to work next week," dagdag pa ni Ma'am Gillian. "Kahit kapag nawala na lang po iyong pamamaga Ma'am Gil, hindi naman po kailangang one week," I said. "No, be sure to rest your leg so that next week you will be back," "Sige po, salamat," I said at saka ibinaba iyong telepono. "Ok na?" Jessica asked me. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast. Tumango ako. "Next week na lang daw ako papasok," "Ang bait talaga ng boss natin, mas mainam nga iyon para naman gumaling talaga iyang sugat mo, paano mo ba nakuha iyan?" she asked me at saka sumubo ng omelette. "Nadapa ako," I answered. I do not need to elaborate further. Ayaw kong sabihin sa kanya na sa school ay na-bubully ako kadalasan. "Nangyayari naman talaga iyan, huwag lang sa trabaho Filippa tapos may dala kang mga orders, nako malaking problema!" she exclaimed. Sa sinabi niya ay napaisip ako, tama naman siya kailangang maingat lagi ang mga servers. "Kaya mo bang umuwi mag-isa pagkatapos ng shift mo?" I asked. "Mas maayos dito sa area ng apartment mo Filippa, wala nang eskinita na dapat kong pasukin. Kaya ko na!" Hindi ko na siya sinagot. Naibigay ko naman na sa kanya kagabi iyong spare key ko. "Doon lang ako sa kwarto, kailangan ko nang magbasa," I told her. I really need to read in advance para sa ganoon ay hindi ako mahirapan kapag nag-start na ako sa trabaho. I cannot afford to be relaxed lalo na at may hinahabol akong grade para sa scholarship ko. JACE "This is nice but quite small, are you sure you like it here?" sabi ng lola ko nang makita niya ang kabuuan ng tinitirhan ko. "Hindi naman po kailangang malaki dahil mag-isa lang naman ako," I said. "I already checked the security of the building—" "Lola, I will be fine!" I said and sighed. Kung makapagsalita siya ay parang wala rin akong nakabuntot na bodyguard. Tumawa si lola sa ginawa ko. "I know, I know, it's just that I couldn't imagine you living alone, we made sure you wouldn't be alone after that incident Jace, tapos heto ka bumili ka pa ng sarili mong tirahan," "Uuwi naman po ako kina Auntie Lydia," I sighed. "Oh siya, I won't argue on that, after eating lunch, which I supposed you asked someone to prepare," sabi niya sabay tingin doon sa nasa palayok. "How sure are you I asked someone to prepare it?" kunot ang noong tanong ko kay lola. "Jace, you don't cook, do I need to remind you," "I could have already learned it," "Yes, pigs might fly," tumatawang sabi niya. Hindi talaga siya kumbinsido na ako ang nagluto. "Bueno, as I was saying, after lunch do you want to go with me in the site?" "Ok," I said dahil wala naman akong gagawin, ma-boboring lang ako kung hindi ako sasama. "This is delicious Jace, remind me to call Kurt later, " she said when we were finally eating the food that Kurt has prepared. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng pagkain, it's like a vegetable stew or something. Napailing na lang ako. Tama nga si lola, cooking isn't my forte. "I can enrol you to a cooking class, maybe it will come handy," suhestiyon pa ni lola. I snorted. "Lola do you think I will find time to cook?" I asked her. Tumingin siya sa paligid. I know my place isn't at all organized yet, iyong mga pinagbibili namin kahapon ay hindi pa naaayos. "I will call in help—" explain ko sa kalat na sa tingin ko ay hindi lang pinansin ni lola kanina. "You should organize your time well Jace, living alone has its pros and cons. If you don't manage your time well, matatabunan ka ng kalat, you are just lucky marami kang pwedeng tawagin para maglinis ng mga kalat mo, you were born rich but it would be nice if you learn to clean your own mess," she said in a modulated tone. Ano ba ang hindi alam ni Lola Almira? Not to mention her twin who is wiser than a fox? "Besides that, sino ba ang magkakagusto sa makalat na tao?" sambit pa niya. "I get it lola," I sighed. Hindi man diretsahan ay ganito ang sermon ni Lola Almira. Unlike Bullet na dinadaan sa dahas—it is the closest adjective to how Bullet does her things, dahas! "I know, I suggest you find a woman who is prim and proper maybe a little bit strict on her hygiene and cleaning perspective. It will balance your way of doing things." "Para mo namang sinabing humanap ako ng kasambahay niyan lola eh, who cleans thoroughly nowadays?" "Mga kabataan nga naman ngayon, sanay kasi kayong may tagalinis kayo," sambit pa niya. Hindi na lang ako umalma. I thought of the women in the school lahat sila nakaporma, they look neat and properly dressed. Halatang may mga kaya sa buhay. Well I go in an expensive school, what do I expect, wala namang hindi maayos magbihis doon—holy f**k mayroon pala, iyong Filippa na iyon, she is a nuisance in the eyes. The way she dresses isn't at all acceptable in my point of view. "You are spacing out," sambit ni lola. "Ah wala po, may naisip lang ako," I said at saka nailing. Noong nakarating kami sa site ay napatanong ako kay lola, "Why continue building the extentions of the main office here? Pwede rin namang ilipat na sa city ang main office lola," "We can't find a suitable area," sagot niya. Gaano ba kahirap maghanap ng malaking space sa syudad? "Is it that hard? "There is a nice area in the city pero alam mo naman halos lahat ng magagandang lugar doon ay pagmamay-ari ng mga Torres. They rarely sell." Napabuntong hininga ako. Totoo naman iyon, The Torreses own a lot of land. At sino ba ang hindi nakakaalam doon? "Maraming plano ang lolo mo sa construcrion business na ito but as you can see, sa lahat nang hinahawakan na negosyo ni Air ngayon ay ito ang hindi niya napagtutuunan ng pansin," Nakikinig lang ako kay lola. I know it must be hard becoming an Air Allegro. Sa kanya lahat naka-atang ang malalaking responsibilidad. Kawawa naman ang pinsan kong iyon, hindi na ako magtataka kung hindi makakapag-asawa iyon. "Come, I will introduce you to the person responsible in this area," sambit ni lola kaya sumunod lang ako sa kanya. We were given hard hats nang pumasok kami sa construction proper. Nagmamasid lang ako, inoobserbahan ang lugar. Tinitignan ang bawat detalye ng ginagawa ng mga trabahador. "It's quite hot in here lola, are you sure you want to stay longer," puna ko sa lola ko. "I am ok Jace huwag mo akong alalahanin, tignan mo ito," turo niya doon sa isang area doon sa blue print na nakalatag sa isang mesa. "This whole area was proposed for recreation area," "Recreation?" I asked. "Idea ni Bullet," saad ni lola. Hindi pa man ako nakakaisip ng itatanong ay nagsalita muli si lola. "It will be designated for the recreation of the children of the staff, you see sa Pilipinas kakaunti lang ang maternity at lalong halos walang paternity leave." "So, Bullet thought of making an area for the children of the staff, iyong malapit sa kanilang workplace," sambit ko. Thinking of how awesome the idea was. "Yes, para during lunch breaks or everytime their kids needed them, pumunta na lang sila dito. We will be hiring sitters and educators for the children," sambit ni lola. "Oh bakit ka naiiyak?" my grandmother asked the person in-charge of the construction. "Wala po Ma'am, masaya lang ako na ang mga Allegro ang employer namin," the man said. Deep inside me I was very proud of my family. Isang tapik lang ng iginawad ni lola doon sa manggagawa. "Bueno, alis na kami ikaw na ang bahala dito," wika ni lola nang matapos kami sa paglilibot. Hanggang sa maihatid ako ni lola doon sa condo ko ay tahimik lang ako. Bumubuo ng sariling mundo kung saan mapapatunayan ko na magiging kagaya nila ako. "I want to have the construction business lola," sambit ko bago ako tuluyang makababa sa kotse niya. Lolo Almira eyed me with curiosity. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay para bang tinatanya niya ang sinseridad ko sa sinabi kong mga salita. "I am graduating, I can do it," sambit ko. "You know you have a lot to prove and there will be a lot on your plate Jace, are you sure on what you are asking?" she asked me. "Do you believe in me lola?" I said. "I believe in you but you have to do good on your studies. Prove us that you can lead that business Jace, alam mong hindi nabibigyan ng pansin masyado iyong negosyong iyon, hindi nito kailangan ng kapalpakan or you will bring it to its doom!" I know it will be a great responsibility. Baka nga hindi gusto ni lola na ibigay iyon sa akin kasi akala nila hindi ko kaya. They always baby me. Si Jace na walang magulang, Si Jace na mag-isa, si Jace na kulang sa kalinga etc. etc. Ikinuyom ko ang kamao ko. "Kaya ko lola, give it to me," I said habang nakatingin sa mga mata niya. Fascination was in her eyes. I don't know, pwede rin naman na reluctance. "Do good in school," iyon lang ang sinabi ni lola bago inilipat sa driver niya ang mga tingin niya. "Dalhin mo ako sa Prime Office, Albert." Wala na akong nagawa kung ang hindi halikan siya sa pisngi at saka bumaba ng sasakyan. Hindi ko mawari kung pagbibigyan ba ako ni lola o hindi. Among the elders, iyong desisyon naman nila ni Bullet lagi ang nasusunod. Maybe I needed to talk to Bullet as well. Tama, Bullet and Mullet are the key.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD