JACE
I thought the university would be deserted. Sa panahon ngayon na pwede na gawin halos lahat ng bagay on-line ay mali ako nang inakala. I was wrong to think that students would prefer to enrol on-line to avoid the queue.
Hindi pa rin pala lahat corrupted ng internet at katamaran.
So far it's something positive.
In my opinion actual socialization is way better than socializing thru media.
"You do not mind the queue right?" tawa ko kay Ian nang malayo pa lang kami doon sa registrar ay kita mo na na ang pila ay hanggang sa labas na.
"On the second thought—" he clicked his tongue kaya tinawanan ko siya.
Pero marami mang tao ay halos mga babae naman kaya ok lang para sa akin.
"Ay sina Jace and Ian," I heard a girl said.
"Nasaan ang mga ibang Allegro?" one woman also said.
"Bakit sila kapag naging tan ang complexion gwapo pa rin? Iyong iba dugyot tignan," komento pa ng isa and I burst out laughing upon hearing it.
I an also laughed.
"Ang gwapo talaga nila!" one woman said and giggled.
"Hi Ian!" bati ni Cassandra sa pinsan ko. Isa siya sa cheerleader ng school na malakas ang pagka-crush kay Ian. But Ian doesn't give a damn about her because she is practically the girlfriend of the university. Tanging mayaman lang talaga ito kaya maraming kaibigan na nagtatyaga sa kanya.
"Hi Cassy," I said kasi wala itong nakuhang reaction kay Ian.
Cassandra smiled at me kahit na kita mo sa maganda niyang mukha na dismayado siya sa pag-snob ni Ian.
I looked around at mga third years ang mostly nasa pila. It's unusual for her to be alone. Wala iyong mga ibang cheerleaders.
Anyway hindi ko gustong alamin kung bakit mag-isa lang siya pero si Ian ang nagtanong.
"Nasaan ang mga ka-kulto mo?"
Natawa ako sa ginamit na salita ng pinsan ko.
"Oh my gosh, hindi kami kulto no," maarteng sabi nito nang ituro niya iyong grupo ng nagtatawanan na kababaihan.
They were so loud at maarte rin ang mga tawa nila. With the drinks on their hands ay mahuhulaan mong bumili sila ng maiinom sa canteen. They were like princesses na binibigyang daan ng bawat taong madadaanan nila.
But they suddenly stopped on their tracks because of one person who seemed to ignore their presence.
Napakunot ako ng noo because it was like seeing a movie kung saan i-bubully ng mga cheerleaders ang isang nerd.
"This is a disaster, it's like seeing a movie where cheerleaders bully a nerd," narinig kong sabi ni Ian.
Pareho pala kami ng iniisip.
The person who continued walking was carrying books. And by looking at how thick the books are, alam mong mabigat ito.
May earphones siya at nagsasalita ito mag-isa. It clearly shows na may kausap ito sa telepono kaya siguro hindi niya napansin ang grupo na nakasunod sa kanya.
Kung hindi lang napahiyaw iyong tao na sinadya nilang itulak ay hindi ko aakalaing babae rin pala ito.
She was wearing a baseball cap, walang kahit ano mang accessories maliban sa panlalakeng relo. She was wearing straight cut jeans at loose na gray na t-shirt. Naka-bag pack din ito.
"Bakit niyo ba ako itinulak?" she yelled at them, she was obviously in pain.
Ang pangyayari ay tumawag ng atensyon ng lahat.
"Hindi sa iyo ang daan!" one cheerleader said.
"At anong tinulak ka diyan? Nakita mo ba kung tinulak ka namin?" sabi naman ng isa pa habang tumatawa.
Hindi umimik iyong babae na binangga nila na nagpainis sa akin. Why wouldn't she defend herself? At hahayaan na lang na ganon?
Ha! Bihis lalake pa tapos wala naman angas!
Halos lahatnay nag-aabang nang susunod na gagawin niya but she just gathered the books at napapikit nang sinubukan niyang buhatin lahat iyon nang tumayo na siya.
Those books were heavy. Saan niya ba dadalhin iyong mga libro eh wala pa namang klase?
"Booh! Hayaan mo iyang si Hidalgo, parang patay iyan, walang pakialam kahit na sunugin mo pa on the spot!" Cassandra yelled out to her friends.
Nagtawanan ang lahat.
"Oo nga, kita mong nasaktan na siya pero parang nag-sishift lagi sa walang pakialam mode si Hidalgo, alien yata eh," rinig kong sabi ng isang nakapila.
"Akala ko makakasaksi na ako ng rambulan," sabi ni Ian na sinusundan pa rin ng tingin iyong babae habang naglalakad palayo. She was trying to hide her limp.
"Oh pare," a voice said kaya napatingin ako sa kamay na tumapik sa balikat ko.
Si Jervis at ang buong team ng basketball.
"Bakit kayo nandito?" I asked. Ang alam ko ay hindi naman nila kailangang mag-enrol kasi automatic naman iyong sa kanila dahil mga varsity sila.
Tumawa lang siya at saka tumingin sa gawi ng mga papalapit na cheerleaders.
Napailing na lang ako. Men are men. Ang mga cheerleaders naman kasi talaga ng school ay magaganda at sexy and they are obviosly aware of it too kaya ginagamit din nila iyong factor na iyon para masilo ang mga sikatnsa school.
I can define them as famewhores.
"Did you see what happened just now?" Ian asked him.
"Ah si Hidalgo? Siya iyong nakakainis i-bully!" Jervis commended and it made me frowned. Mayroon bang nakakainis i bully?
"Bakit din kayo nandito?" balik ng tanong ni Jervis sa amin.
"Got bored," I answered.
Tumawa siya sa sinabi ko at saka napunta sa mga cheerleaders ang atensyon niya.
"Hi boys," the women giggled and started flirting to us.
Walang nagbago! Sometimes it gets boring but a little entertainment is better than none. Sa mga cheerleaders ay ang captain nila ang dumidikit sa akin.
She isn't really flirting with me pero iyong attention niya ay nasa akin.
Anyway until she decides what she wants saka ko lang siya i-eentertain. Wala ako sa mood manuyo kung hindi naman kasuyo-suyo iyong tao.
Ok Kacey is beautiful and hot. But that's just it. Nothing special.
Sa huli ay kami rin lahat ang magkakasama. Nag desisyon kaming kumain muna bago tuluyang naghiwa-hiwalay.
"Saan tayo?" Ian asked pagkalabas namin ng restaurant.
"In my pad," I told him kaya kinunutan niya ako ng noo.
"I bought one," simpleng saad ko. I almost forgot na wala pala akong pinagsabihan sa kanila, si Noah pa lang. Well not counting Bullet kasi hindi ko naman sinabi sa kanya pero alam niya pa rin. Hindi na ako magtataka kung alam niya lahat ng mga galaw namin.
Of coure our guards report to her and Lola Almira.
"Cool! Here your drive," sabi nito matapos ihagis sa akin ang susi ng kotse niya. Iyon kasi ang ginamit namin kaninang umaga.
"Do you think we can get rid of our bodyguards?" tanong niya habang patingin-tingin sa side mirror habang ako ay tahimik na nagmamaneho. Nakasunod kasi ang personal bodyguards namin sa amin.
"You can only try," sabi ko kasi si Bullet ang mag-dedecide sa bagay na iyon.
"Ah nevermind ayaw kong makipag-usap kay Bullet," he said kaya sabay kaming natawa.
Mabilis kaming nakarating sa pad ko and I was pleased with the cleaning that the management did.
"Woooh, this is nice," Ian said at pasalampak na umupo sa leather na sofa.
"Yeah leather is manly," sambit ko kaya natawa siya.
"Easy to spurt, easy to clean," dagdag pa niya kaya kulang na lang ay masamid ako kahit wala naman akong iniinom.
Damn! he just gave me ideas.
"I still have to tell Auntie Lydia and Uncle Larry about this though," pang-iiba ko sa usapan.
"Mabuti pang tawagan mo na si Auntie Lydia bago maging pang-Oscars nominee ang reaction!" he advised me. Everyone in the clan knows how Auntie reacts.
"Oo mamayang gabi para siguradong gising na iyon," I said kasi kasalukuyan nga silang nasa Spain.
"Tara bili tayo ng mga makakain, I guess you need to stock up, mahiya ka naman sa akin na bisita mo tapos wala man lang meryenda!" he said after while.
"Gago kakakain lang natin!" I told him. Masiba rin eh. But on the second thought ay kailangan ko ngang malagyan ng laman ang condo.
"What are you doing?" I asked nang narining ko ang boses ni Shanta sa telepono niya. Tinawagan niya pala ito.
"Ian? Kasama mo si Jacey?" Shanta asked.
"Yes, we are together," nailing na lang akong sumabad.
"Where are you little princess?" Ian asked her.
"Secret?" she laughed.
"Jace need your help here," Ian told her.
"Like?" Shanta asked.
"He apparently bought a pad, he needs to shop for some stuff."
"A pad? Alam ba ito ng mga old people?" she asked kaya natawa kami ni Jace.
"They will know, so are you coming?" I asked.
"Of course, kita na lang tayo sa mall ng mga three? I will bring extra hand," she said.
Tinignan ko ang relo ko and it says two in the afternoon.
"Ingat ka Shanta Artemis!" Sabay pa naming sabi ni Ian.
"The f*ck?" she said and cut the lines.
"Marunong nang magmura?" Ian laughed.
Ayaw kasi ni Shanta na tinatawag siya sa buong pangalan niya.
Bagay na lagi naming ginagawa.