FILIPPA
Natatawa ako kay Jessica, pilit niyang ini-English si Ma'am Gillian samantalang pilit naman ang pagtatagalog ng boss namin.
Sinita niya ako pagkaalis ni Maam Gil. Kukunin daw nito saglit iyong kontrata namin.
"Kanina mo pa ako pinagtatawanan!" reklamo niya sa akin.
"Why don't you just speak in Tagalog? It's not a crime you know!" I told her.
"Baka hindi ako maintindihan ni Ma'am," depensa niya.
"Mas lalo yatang hindi naintidihan iyong English mo eh," I tried to joke. Kasi napansin ko dito kay Jessica, masyadong gullible. Hindi naman baluktot iyong English niya sadyang hindi lang siya fluent magsalita.
"Totoo?" her face flushed with embarrassment.
Mas tumawa tuloy ako. Her eyes are too expressive.
"Joke lang?" patanong kong sagot.
"Grabe marunong ka pa lang mag-joke?" she said at mas lumaki pa ang mga mata niya.
Ako naman ang napaawang ang mga labi. I didn't realize that I was making time for her—just to tease her.
Strange.
Kasi ako iyong mas pinipiling manahimik.
Tumawa si Jessica sa naging reaction ko. Para pa nga siyang nanalo ng lotto sa katatawa.
"Filippa, it's not a crime to joke you know?" sambit pa niya. Inulit pa talaga iyong sinabi ko kanina.
Napailing ako pero natawa na rin pagkatapos.
Nagpupunas kami ng mga mesa nang kausapin kami ni Ma'am Gillian kanina. Pasara na ang resto-bar, so far naman ay naging maayos ang unang sabak namin sa trabaho.
Sabi ng kasamahan namin ay hindi masyadong crowded kapag ganitong Martes. Usually daw Friday night at saka weekends ang madaming clients. Honestly speaking hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niya iyon, kasi kanina halos hindi na nga kami magkandaugaga. Ang dami kayang tao.
"Ladies you did great tonight, you can give back to me these contracts once you have read and signed them, for now you can both go home, see you tomorrow night," sambit ni Ma'am Gil na nakabalik na pala sa amin.
Kinuha na namin iyong envelope na inaabot niya sa amin. Natapos na rin naman namin ni Jessica iyong pagpupunas sa mga mesa kaya hindi na nakakahiyang iwanan iyon sa mga kasamahan namin.
"Take care ladies," sambit pa ng boss namin bago tuluyang tumalikod at umalis.
Nakahinga ako ng maayos. Kahit naman papaano ay natapos nang matiwasay ang trabaho namin at ngayon ay hawak ko na ang kontrata. Sa apartment ko na lang babasahin. And now that we are free to leave ay saka ko naramdaman ang pagod. Parang lamog ang mga muscles ko.
"Hoy nagbibiro lang ako kanina," Jessica said. Papunta na kami ngayon doon sa sakayan.
"Hindi naman ako galit," I told her.
"Hindi ka na kasi umimik. Ako lang naman ito, pwede ka naman magdaldal," she said.
"Ay hindi ko pa alam number mo, pwede naman siguro hingiin," turan pa niya.
Madaldal talaga siya in all sense.
Kinuha ko iyong cellphone na hawak niya saka ko tinawagan iyong number ko.
Nang maibalik ko na sa kanya iyong cellphone niya ay alam kong pag-sesave ng number ko ang inatupag niya.
"Malayo ba iyong tirahan mo dito sa work?" she asked after.
"Medyo lang, mas malapit sa school ko yung apartment," I answered her honestly.
Tumango siya tapos ay nagpakawala ng buntong hininga.
I want to ask what's the matter pero hindi na rin ako nagtanong pa. If she wanted to tell me something ay siya na lang ang magkusa kasi ayaw kong magmukhang nakikialam.
Magkaiba ang sinakyan namin ni Jessica pauwi. Maluwag na ang traffic kaya madali na akong nakarating sa apartment ko. I immediately undressed doon sa washing area at saka hubad nang pumasok doon sa banyo.
One thing convenient about living all by yourself is that you can get naked whenever you want because nobody can see you.
Agad na akong naligo at mabilis na nagpalit ng pantulog.
I was so tired that after securing my locks ay agad na akong nahiga at nakatulog.
My body clock is synchronized with my alarm clock or maybe five minutes earlier pero hayun nga ginising ako nito before the alarm went on.
I always think that my body clock would fail me one day kaya nag-seset pa rin ako ng alarm clock.
Lalo na ngayong araw, I cannot afford to be late, enrollment day at kailangan ko pang dumaan sa library after.
Ramdam ko ang sakit ng mga muscles ko lalo na sa braso pero nagluto pa rin ako ng breakfast ko. I also cooked for my lunch kasi ako iyong tamad magluto ng pananghalian. Ang init kasi. Kaya isinasabay ko na usually ang pagluluto ng lunch ko para mag-reheat na lang sa microwave later ang gagawin ko.
Yes microwave is one of my bestfriend.
Hindi ko na kailangang mag-isip kung ano ang susuotin ko, loose shirt at straight cut pants, a baseball cap at pagkatapos ay trainers na puti. I like my shoes white they give me peace of mind. Hindi ko naman kailangang maglagay ng make-up kaya walang rason para hindi ako on time dumating sa school.
Nakasilid ng maayos lahat ng gamit ko sa bag pack kaya alam ko kung nasaan iyong ganito at nasaan iyong ganyan. I make sure my things are in order para hindi ako nag-papalpitate ng wala sa oras. The mere thought of my bag pack na magulo made me anxious.
Maaga akong natapos sa enrollment. Actually ako iyong nauna sa pila.
Pagkatapos kong mag-enrol ay dumeretso na ako sa library. Good thing about sa library ng university ay open naman lagi kahit wala pang pasok, enabling even the outsiders to be able to use it, kailangan lang nila kumuha ng gate pass for research purposes.
Pagkarating ko doon ay ine-expect kong mag-isa lang ako kasi maaga pa naman. Pero may mga tao na roon na nagbabasa.
Nagkibit ako ng balikat. Although mas gusto ko sanang ako lang ang nasa library ay hindi naman akin iyon. Kinuha ko sa bag ko iyong listahan ng mga libro ko for this sem. Nag-check ako sa computer na nandoon para makita kung hindi ba sila naka-out. I intend to borrow those books na mahal bilhin. i- scan ko na lang. Sayang naman iyong scanner ko sa apartment kung hindi ko gagamitin.
I decided on four big books ng design. Pero may nakita akong dalawa pa na gusto ko ring basahin kaya anim iyong hihiramin kong libro.
By mere looking at the books that I would carry later ay sumakit lalo ang mga braso ko.
I sighed. I thought of bringing with me a bigger bag next time or shoppers na kakayanin ang bigat ng mga libro para hindi na ako mahirapan. It slipped my mind na ako rin ang magbibitbit ng mga libro. Wala naman akong friend na pwedeng tumulong sa akin.
Not that I needed a friend just to help me carry my books.
Pagkalabas ko ng library ay naisipan ko na lang mag-short cut doon sa registrar, it would save me five minutes of my walking time to the gates.
Malayo pa lang ako doon ay kita mo na ang pila ng mga nag-eenrol. Ito iyong ayaw kong maranasan, ang makipila dahil sa late akong pumasok. Why would I endure the long queue kung pwede naman iwasan. Sayang sa oras.
Mabagal akong naglalakad nang may tumawag sa telepono ko. Mabuti na lang ay hawak ko na dati sa kamay ko iyong cellphone ko habang nakasalpak naman iyong earphones ko sa tainga ko. Nakikinig kasi ako ng music habang naglalakad. One way of diverting the heaviness of the books in my arms.
"Hello?" I answered.
"Filippa si Jessica ito," the voice said.
"Why?" I asked in a low tone.
"Pwede bang humingi ng favor?" she asked.
Kakakilala pa lang namin tapos heto siya at nanghihingi na ng pabor.
But then hindi ko malalaman ang sadya niya kung hindi ko tatanungin and maybe I am judgemental pero alam ko naman na baka wala lang talaga siyang choice kaya maging maunawain na lang ako.
"Tell me," I said.
"Kasi—"
Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako maderetso.
"Hindi naman sana ako hihingi ng pabor kung—"
I closed my eyes. From Jessica's voice, I know she isn't comfortable.
"May nangyari ba?" I asked her.
"Filippa, pwede bang makitira sa iyo?" she said kaya napahinto ako. Sakto naman na may tumulak sa akin.
Dahil sa distracted ako ay nahulog lahat iyong mga librong dala ko noong natumba ako. I know by the impact of the fall I made ay hindi lang galos ang mayroon ako sa tuhod. Sa sakit ay napaimpit ako pero tiniis kong hindi mapasigaw ng malakas dahil sa sakit.
"Filippa ok ka lang?" tanong ni Jessica sa kabilang linya.
"Tawagan kita mamya Jessica," I said and looked at the people who pushed me.
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang grupo ng mga cheerleaders. I should know better not to cross them dahil hindi matatapos ang istoryang ito kung papatulan ko sila.
As usual the scene created a huge audience. Alam kong nag-aabang ang iba na makasaksi ng rambulan.
Sinubukan ko namang tanungin kung bakit nila ako tinulak pero as usual hindi naman sila matinong kausap.
Iyong sakit ng tuhod ko ang mas binibigyan ko ng pansin ngayon.
As much as I wanted to kick their faces ay minabuti ko na lang mag-shift ng emotions.
I will just ignore them. I heaved a long sigh pagkatapos ay maingat na pinulot ang mga libro.
I started walking away from them, trying hard not to limp kahit na ang sakit sakit ng tuhod ko.
Hindi naman unang pagkakataon na may nang-bully sa akin but hindi rin naman unang pagkakataon na hindi ko pinansin.
I learned that ignoring them is the key.
Narinig ko pa ang mga usap-usapan nila na kesyo boring daw at nakakainis talaga akong i- bully.
But who cares anyway? All I wanted now is to get home and disinfect the cut on my knee.