Prologue
PROLOGUE
Eleanor Ghaziya
MASAYA kaming nagkukuwentuhan ni Marco sa sala nang biglang marahas na bumukas ang front door. Napalingon ako roon pero hindi man lang ako nakapaghanda nang tuluyang bumigay ang pinto at bumagsak sa sahig. Sunod-sunod na pumasok ang mga lalaking nakaitim, bawat isa ay may hawak na baril. Nanigas ang katawan ko sa takot bago ko agad hinila si Marco palapit sa akin at mahigpit na niyakap.
“Mommy, what’s happening?” nanginginig na tanong ni Marco habang kumakapit sa damit ko.
“Shh… stay close to Mommy,” bulong ko at hinaplos ang likod niya kahit ako mismo ay halos hindi na makahinga sa kaba.
Tumingin ako sa mga lalaking nakapaligid sa amin. Hindi ko na kailangang magtanong kung kaninong tao sila. Kilala ko na ang kilos nila. Kilala ko ang mga matang walang emosyon habang nakatutok sa paligid ang kanilang mga armas.
Mga tauhan ni Apollo.
Napapikit ako nang saglit. Akala ko nakatakas na ako. Pagkatapos ng kasal, ginawa ko ang lahat para hindi niya ako mahanap. Nagpalit ako ng tirahan, umiwas ako sa mga taong maaaring nakakilala sa akin, at tiniyak kong walang makapagsasabi kung nasaan ako.
But still he found me.
Marahang humawi ang mga tauhan niya para bigyan daan ang isang tao. Hindi nagmamadaling pumasok ang demonyong si Apollo.
Naka-black suit siya, maayos ang bawat detalye ng damit, pero walang kahit anong warmth sa mukha niya. Tahimik lang siyang naglakad papasok. Hindi niya kailangang magsalita para maramdaman ng lahat kung sino ang may kontrol sa loob ng bahay.
Pag-angat ng mukha niya, agad na nagtama ang mga mata namin. His eyes were cold. His gaze was sharp. At sa isang tingin lang, parang nawala ang hangin sa baga ko.
Agad kong hinawakan si Marco sa balikat. “Marco, under the table. Now,” mabilis kong utos at itinulak siya palapit sa mesa.
“Mommy…”
“Go!” mariin kong sabi at itinuro ang ilalim ng mesa.
Mabilis siyang gumapang sa ilalim nito. Yumuko ako para tiyaking nakapagtago siya, pero nang muli akong tumayo, nakita kong nakatingin na sa amin si Apollo.
Nakita niya si Marco. Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa ilalim ng mesa bago bumalik sa akin. Wala pa ring emosyon ang mukha niya, pero may malamig na galit sa mga mata niya.
Mabilis niyang inilabas ang baril mula sa baywang niya at itinutok iyon kay Marco.
“No!” Agad akong humarang sa direksiyon ng mesa. “Don't you dare!” sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay ko. “Wala siyang kasalanan!”
Nakangisi lang si Apollo habang nakatutok ang baril sa ilalim ng mesa.
“Mommy!”
Napalingon ako kay Marco nang marinig ko ang takot sa boses niya. At doon lalong nanlisik ang mga mata ni Apollo sa galit.
“Mommy?” mababa niyang ulit sa mapanuyang tono. “So that's what you were hiding from me.”
“Apollo, please.” pakiusap ko.
Dahan-dahan siyang lumapit. Hanggang sa tuluyan siyang huminto sa harapan ko. Mabilis na umangat ang kamay niya at kumapit sa leeg ko. Napasinghap ako nang mapasandal ako sa dingding habang pilit kong inaalis ang kamay niya.
“You think you can run from me, Elena?” matigas niyang tanong at bahagyang hinigpitan ang pagkakahawak. “You disappear after our marriage, hide from my men, and expect me to simply let it go?”
“Apollo…” hirap kong sambit habang pilit humihinga. “Please, let me go.”
“You owe me.” may warning sa tono niya then napatingin siya sa ilalim ng mesa. “Your parents owe me. They couldn't pay what they promised, so you ran.” Bahagyang lumapit ang mukha niya sa akin. “Did you really think distance would erase your family's debt?”
Umiling ako habang nangingilid ang luha halos hindi ako makahinga sa higpit ng hawak niya sa leeg ko.
“Babayaran ko. Please, I'll pay it. Just don't involve my son.”
Bahagyang kumunot ang noo niya. “Your son?”
Hindi ako nakasagot. Dahil ito ang sikreto ko ang pagkakaroon ng anak.
“Then listen carefully, Elena.” Muling tumalim ang mga mata niya. “Sumama ka sa akin. You will pay your parents' debt, and you will stop running from me.”
“Apollo, please…”
“If you refuse,” malamig niyang pagpapatuloy habang nakatingin sa ilalim ng mesa, “I'll put a bullet in your bastard's head.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Don't call him that!”
Marahas niya akong binitawan. Napahawak ako sa leeg ko at napaluhod ako sa sahig.
“Marco, stay there!” utos ko.
Pero muling itinaas ni Apollo ang baril. Itinutok diretso kay Marco.
“No!” sigaw ko in the top of my lungs, halos sumabog ito sa dibdib ko. Mabilis akong tumayo at tinakpan ang anak ko ng buong katawan ko. “Please, Apollo! Don't!”
Kasabay ng pakiusap ko. Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong sala. Napapikit ako.
Pero nang wala akong maramdamang tama, dahan-dahan akong napadilat. Ang baso ng tubig sa ibabaw ng mesa ang tinamaan. Nabiyak ito at kumalat ang tubig sa mesa habang ang mga bubog ay nagsibagsakan sa sahig.
Natahimik ang buong sala. Wala ni isa ang gumalaw. Ang buong katawan ko nanginginig sa kaba at takot para sa buhay naming mag–ina.
He's a monster, a devil.
Dahan-dahang ibinaba ni Apollo ang baril. Nanatili ang malamig niyang tingin sa akin habang para bang sinasabi ng mukha niya na hindi iyon aksidente.
“Now you know the consequences,” matalim niyang sabi at inayos ang cuff ng manggas niya. “You should also know what I'm capable of.”
Nanginginig pa rin akong nakatayo sa harap ni Marco.
“Go with me,” utos niya. “Pay your parents' debt. Stop running. That's the only choice I'm giving you.”
Umiling ako habang pilit pinipigilan ang pag-iyak. “Apollo, please…”
Muli niyang itinaas ang hawak na baril at itinutok ulit sa anak ko. “Or else, I'll—”
“I'll go with you!” sagot ko agad.
Agad siyang tumigil, then a mischievous smile appeared on his lips. Huminga ako nang malalim kahit nanginginig ang buong katawan ko.
“I'll go with you,” ulit ko. “But don't hurt my son. Please. Have mercy.”
Matagal niya akong tinitigan. Walang akong nakikitang awa sa mga mata niya, kahit pag–aalinlangan ay wala rin. Walang kahit katiting na lambot sa mga mata niya.
Si Apollo ang taong kinatatakutan ng buong underworld. He didn't build his name through kindness, and he never allowed anyone to break his rules. Kapag may utang sa kanya, kailangan itong bayaran. Kapag may tumakas, hinahabol niya. At kapag may nangahas na lumabag sa utos niya, hindi siya nagbibigay ng second chance.
Kaya nang tuluyan niyang ibaba ang baril, hindi iyon dahil naawa siya. It was simply because he had already gotten what he wanted.
“You should have said that before you ran,” malamig niyang sabi at tinalikuran ako.
Agad kong niyakap nang mahigpit si Marco habang pinipilit kong hindi tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.
“Mommy…”
“It's okay,” bulong ko kahit alam kong nagsisinungaling ako. “Don't be scared.”
Pero sa loob-loob ko, alam kong wala nang babalikan. Dahil sa araw na iyon, natapos ang pagtatago ko kay Apollo.
To be Continued----