“Hindi siya madaling mahalin,” malamig ngunit totoo ang unang salitang binitiwan ni Athena. Diretsong nakatingin sa akin ang kanyang mga mata, tila sinusuri ang laman ng puso ko. Napalunok ako. “Alam ko,” sagot ko. “Pero kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang iwan. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili kong umalis, bumabalik pa rin ako… dahil kahit gaano siya kadilim, siya pa rin ang tahanan ko.” Sandali akong tinignan ni Athena bago siya bahagyang napangiti, hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa pagkilala na tama ang hinala niya tungkol sa akin. “Ceila…” nagsalita siyang muli, mas mababa na ang tono. “…you have to understand. Loving my brother is like standing in the middle of a battlefield. Kahit wala kang hawak na armas, kasama ka na sa giyera niya. And war spares no one.” Na

