Kabanata 4

1723 Words
Tahimik. Ramdam ko ang tensyon sa hangin. Tahimik siyang pumasok at naupo sa single couch sa gilid ng sala area habang ako naman ay naiwan sa may pintuan, hindi alam kung dapat bang isarado o itaboy siya palabas. Pero ayun siya nakaupo, relaxed, parang kaswal lang ang lahat. Ako? Parang gusto ko nang magpanic. "Okay," panimula ko habang isinasara ang pinto. "Anong gusto mong pag-usapan?" Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang takas. "You. Me. That night." Napaupo ako sa kabilang dulo ng maliit na sofa. Kailangan ko ng distansya. Kailangan ko ng hangin. "Atticus, I don't even remember half of what happened." "Then let me remind you," aniya, leaning slightly forward. "Don't." Napalingon siya sa akin, bahagyang kumunot ang noo. "Hindi ko kailangan ng reminder. Ang kailangan ko... explanation. Closure. Kasi kahit isang gabi lang ‘yon, it messed with my head. You messed with my head." He sat back, arms crossed. “You think you're the only one confused? I’ve been looking for you the whole day, wondering why I even cared enough to.” Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Kasi kung ako lang sana, madali lang kalimutan 'to. Pero siya? Atticus? The man whose name I shouldn’t even remember? And yet here he is. "Do you know how many times you called me your 'dream come true' during that night?" Namilog ang mata ko. "What?! Hindi ako—" He smirked. “You were drunk. Madaldal. And very, very honest.” Hindi ko alam kung gusto kong matawa o magtago na lang sa ilalim ng kama. Napayuko ako habang hinahagod ang sentido ko. “Shet,” bulong ko. "Yeah." Tumingin siya sa akin, and this time, wala na ang ngiti niya. His voice was lower, more serious. "Do you know what you said before you fell asleep?" Umiling ako. Ayoko na sana marinig, pero andito na rin lang kami. "You said… you wish this wasn’t just one night.” Biglang huminto ang mundo ko. Tumigil ang paghinga ko. Tumigil ang utak ko. Nagkatinginan kami. Walang salita. Walang galaw. Kundi ang puso kong biglang bumilis ng takbo. Hindi ako makasagot. Hindi ko rin alam kung totoo ba talaga ‘yong sinabi ko—o kung gawa lang ng alak ang lahat. Pero ang mas nakakatakot? May bahagi sa akin na… parang totoo nga. Na gusto ko rin. No. Napailing ako nang marahan. Ano ba ‘tong iniisip ko? Bakit ka nagpapadala, ha? Umayos ako ng upo, pilit na ibinabalik ang sarili sa katinuan. “Ha... ha... ha.” Hilaw kong tawa, sabay pilit na ngiti. Grabe, ‘no? Ang kapal ng mukha ko during that night. "Joke lang lahat ‘yon. Promise. Kung ‘yon lang ang gusto mong linawin, don’t worry. Hindi na ‘yon mauulit.” Tumango ako, pilit pinapakalma ang sarili. “I’ll keep it to myself. Secret lang natin ‘yon." I get it. Ayaw niyang masira ang image niya. He doesn’t want anyone thinking may nangyari sa amin, lalo na sa level niya. Napatingin ako sa kanya. Tahimik lang siya. Matamang nakatitig, parang binabasa ang pagkatao ko. Nakakatakot naman ang lalaking to'. Di ba siya naniniwala sa akin? Kati-katiwala naman ako. Mayaman siya, halata naman. Sa kilos, sa pananamit, sa itsura pa lang ng relo niya hindi ‘to basta-basta. And me? I’m just… me. Kaya siguro ang dali sa kanyang dumistansya. Ang dali niyang burahin ang nangyari. “Are you sure?” malamig niyang tanong. Tumango ako, kahit parang gumagapang ang lamig sa batok ko. “Yeah. Sure na sure. Hindi ko rin naman ‘yon pinlano. So let’s forget it.” Tahimik. Seryoso ang tingin niya. Then, slowly, he leaned forward, elbows on his knees, eyes locked on mine. “Funny,” he said. “Kasi I’ve been trying to forget it since I woke up… pero hindi ko magawa.” Biglang nawala ang hangin sa paligid ko. “What do you mean?” bulong ko. “I mean,” he sighed, rubbing the back of his neck, “it wasn’t just about s*x.” Hindi ako gumalaw. Parang may tumapik sa puso ko. Mabagal. Malakas. “Ano ba ‘to, Atticus?” boses ko'y halos pabulong. “Anong gusto mong palabasin?” He stood up and walked toward the window, tiningnan ang city lights na unti-unti nang namumula sa dapit-hapon. “You said it was your dream. That it felt real. And I thought, maybe I’m not the only one trying to run away from something.” Humakbang ako palapit, hindi alam kung dapat bang tumabi o ilayo ang sarili. “So, ano ngayon? What do you want from me?” Tahimik siya saglit. Pagkatapos ay tumingin pabalik sa’kin, seryoso ang mga mata. “Let’s figure it out,” he said. “Figure what out?” "You and me." Siraulo ba siya? Wait, baliw siya. Napahinga ako ng maluwag dahil may tumawag sa kanya, dahilan para umalis agad siya sa hotel room ko. Di ko kaya kapag kasama ko siya ng ilang minuto pa. Parang sasabog ang dibdib ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kaba. Sa guilt. Sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Tahimik ang buong silid. Pero ang isip ko, magulo. Maingay. Parang may nagbabangayang dalawang tinig sa loob ng utak ko—isa nagsasabing okay lang ‘to, at isa nagsasabing maling-mali ang lahat. Di ko gusto ang sinasabi niya. Ba’t parang big deal sa kanya ang nangyari sa amin? Kung tutuusin, ako ang dapat mag-alala. Ako dapat ang magtanong kung anong mangyayari ngayon. Ako sana ang maghabol dahil... virg*nity ko ang nawala. Pero bakit ganito? Bakit ako ang nakaramdam ng parang ako pa ang may kasalanan? Parang ako pa ang dapat umiwas sa kanya, habang siya, parang... may tinatago? Huminga ako ng malalim at tinapik ang sarili ko. “Tama na. Ceila, tama na.” I accepted my fate. Dahil lasing na lasing ako. Dahil gusto ko rin. I won’t play the victim here. Alam kong may parte ako sa nangyari. At kahit pilitin kong ibalik ang oras, I can’t. Kung lasing ako, di sana siya nag-take advantage sa akin. Pero hindi niya ako pinilit. Hindi ko naramdaman na pinuwersa niya ako. He asked. He waited. He was... gentle. So no, I won’t blame him. Because it was both our fault. Pero maybe, just maybe... tama nga ako. Takot siya. Baka iniisip niyang ipagsisigawan ko ang nangyari. Baka inaalala niyang baka masira ang pangalan niya. Well, sorry not sorry, Mr. Mysterious. Hindi ako gano’n. Haler! I’m a teacher! Kung may dapat mas umintindi ng reputasyon, ako ‘yon. Dignidad ko ang mawawala. Yung respeto ng mga estudyante ko, ng pamilya ko, ng buong komunidad kung sakaling malaman nila ang tungkol sa one-night stand ko sa isang estranghero. I'm not that stupid. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang kisame ng kwarto. Tahimik. Wala ni isang kaluskos kundi ang mahinang boses ng aircon sa gilid. Tulala akong nakahiga, at paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga halik niya. Yung init. Yung bigat ng mga yakap niya. Yung titig niyang para bang kilala niya ako kahit ni pangalan ko, hindi niya alam. Nangyari na. Tapos na. Move on. That's it. Pero bakit ganito? Bakit parang may parte sa akin na hindi matahimik? Nilingon ko ang cellphone ko sa bedside table. Walang text, walang tawag. Siyempre wala. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Wala rin akong iniwang clue sa kanya. As far as we’re both concerned, we were nothing but a mistake. A passing night. A reckless decision. Pero bakit may parte sa puso ko na parang... may kulang? “Stop it, Ceila,” bulong ko sa sarili. “Hindi ito fairytale. Hindi mo siya prince charming. Isa lang siyang lalaking dumaan. That’s it.” Tumayo ako, kinuha ang gamit ko, at nagdesisyong bumalik na sa province. Sa buhay ko. Sa tahimik kong mundo. Sa mga estudyanteng umaasa sa akin. Sa mga plano kong ayusin muli ang pangarap ko. This night didn’t exist. It never happened. At least, ‘yan ang pilit kong paniniwalaan. After I attended mass sa Manila Cathedral together with Jea's fam, I made sure to pass by some tourist spots sa Makati kahit pa paano, gusto kong ilihis ang utak ko. Kahit ilang oras lang. Naglakad-lakad ako sa Ayala Triangle, umupo sa isang café, at pinagmasdan ang mga taong abala sa buhay nila. Gusto ko sanang mag-stay pa. Magpahinga. Mag-isolate. Pero...malapit na ang pasukan. At kahit gustuhin kong takasan ang lahat, may obligasyon akong kailangang balikan. I’m a professor, and I take that role seriously. Ayoko naman mawalan ng saysay ang pinagpaguran ko para lang malunod sa isang pagkakamali. Kaya, gaya ng dati... I picked myself up and went home. Sa probinsiya. Sa lugar kung saan hindi uso ang mga one-night stand at misteryosong lalake na parang galing sa nobela. Sa lugar kung saan alam kong may kapayapaan. At least, 'yun ang akala ko. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng mga tanim kong gumamela sa harap ng gate, at ang mga maiingay na huni ng ibon sa umaga. Pareho pa rin ang lahat. Walang nagbago. Pero ako... alam kong may nabago na. Nilinisan ko ang bahay, inayos ang mga lesson plan ko, at binalikan ang buhay na iniwan ko. Pero sa bawat tahimik na gabi, sa bawat saglit na wala akong ginagawa... bumabalik siya sa isipan ko. Ang mga mata niyang parang may itinatago. Ang boses niyang mababa at malamig. Ang haplos niyang... Diyos ko. No. Hindi pwede. Bawal. Mali. Pinilit kong ituon ang sarili ko sa trabaho. Sa mga estudyanteng excited makabalik. Sa mga modules at syllabus na kailangan ayusin. Pero ilang linggo pa lang... napapansin ko nang may kakaiba sa katawan ko. Lagi akong pagod. Madaling sumama ang pakiramdam ko. Bigla akong naduduwal kahit sa amoy lang ng kape. At ang pinaka-nakakakaba? Delayed ako. Hindi ako agad nagpapanic. Baka stress lang. Baka napagod lang ako sa biyahe. Baka... baka... Pero habang tumatagal, lalo lang akong kinakabahan. Isang araw, habang naglilinis ako ng faculty room, may isa sa mga co-professors ko ang lumapit. “Ma’am Ceila, okay ka lang ba? Ang putla mo. Baka buntis ka ha!” biro niya. Napangiti ako sa kanya, pero sa loob-loob ko, para akong binagsakan ng langit at lupa. Buntis? Hindi. Imposible. Pero sa mga sintomas kong nararanasan, baka... Oh, God.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD