Kabanata 5

2066 Words
Napapikit ako when I saw two lines. No. Mali. Naduduling ata ako. Wait, ano naman kung buntis ako? This is what I want. What I wanted… right? Napadilat ako. Muling tinitigan ang hawak kong pregnancy test. Ba’t ang bilis naman? One night lang ‘yun eh. One reckless, stupid night na dapat sana ay nakalimutan ko na. Pero hindi. Nag-iwan pala ‘yun ng bakas, buhay na bakas. Napasuklay ako sa buhok, kasabay ng pilit na paghinga. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Hawak-hawak ko pa rin ang test kit na para bang baka magbago pa ang sagot. It’s two lines nga talaga. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at dumaan talaga ako sa convenience store kanina. Wala sa plano ‘yun. Lutang ako pagkatapos ng biro ng co-teacher ko kanina. Umiikot pa nga ang mundo ko habang bumibili ako, parang may gumagabay sa bawat hakbang ko. At ngayon… heto na ako. Tulala. Walang alam kung dapat ba akong matawa o maiyak. Buntis ako. Dalawang salita, pero parang buhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko alam kung sino ang una kong dapat pagsabihan. Pamilya ko? Kaibigan ko? Hindi ko kayang maging tsismis sa department. Si… siya? Napakagat ako sa labi. Siya. ‘Yung lalaking ‘yon. Tignan mo nga naman. Tama nga ako. Yun lang talaga ang kailangan niya, ang salita ko na hindi ko ipagkakalat sa iba ang tungkol sa aming dalawa. Nakasimangot ako. Di naman ako nag-assume. Sadyang disappointed lang ako dahil ito talaga ang reyalidad. Pero may karapatan ba siyang malaman? Deserve ba niya? Tumulo ang luha sa pisngi ko, hindi ko na napigilan. Parang lahat ng emosyong pinipigilan ko, pumutok sabay-sabay. Takot. Pagkalito. At sa ilalim ng lahat ng ‘yun… may konting ligaya. Na sa kabila ng isang maling gabi, may binhi ng buhay na nagsisimula sa loob ko. Hawak-hawak ko pa rin ang test kit habang naupo ako sa gilid ng kama. Tinitigan ko ulit ang sarili sa salamin. Huminga ako ng malalim. “This is it, Ceila.” bulong ko. “Kaya mo to'. Let's raise our baby alone.” This baby… this unexpected but living miracle, will be loved. Kahit gaano kahirap. Kahit gaano kagulo. Because starting today…I’m not just living for myself anymore. Other days passed, at medyo tanggap ko na ang new life ko. Hindi ko sinasabing buo na agad ang loob ko—pero araw-araw, natututo akong huminga ng mas malalim. Dahan-dahan akong bumabangon mula sa pagkagulat at takot, at unti-unting pinapalitan ‘yon ng paninindigan. Kaya ngayon, tudo ingat na ako sa kinakain ko. Wala nang kape. Wala nang junk food. Kahit gustong-gusto ko ng spicy ramen, tiniis ko. Para sa kanya. Para sa baby ko. Nagpa-appointment na rin ako sa clinic. ‘Yung malapit lang sa amin. Simple lang, pero maayos naman ang serbisyo. Ayoko pa munang sa malaking ospital. Ayoko rin muna ng maraming tanong. Tahimik muna. Simple. Ligtas. Sa unang check-up ko, parang bumilis ang t***k ng puso ko. Seryoso na talaga ‘to. Hindi na ito panaginip. Lalo na nang marinig ko ang tumitibok na munting puso mula sa ultrasound. thump-thump-thump-thump… Parang fireworks sa dibdib ko. Parang may sariling beat ang mundo sa sandaling ‘yun.Napaluha ako. Hindi ng takot kundi ng tuwa. Ng pagmamahal. "Healthy ang heartbeat ng baby mo," sabi ng doctor habang nakangiti. Hindi ko maipaliwanag pero parang ang sarap sa pakiramdam. May taong nabubuhay sa loob ko. May isang maliit na nilalang na umaasa sa akin. Na walang ibang kakampi kundi ako. Pagkauwi ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto. Nahiga at nilagay ang kamay sa tiyan ko. Hindi pa halata, pero alam kong nandoon siya. "Hi, baby..." mahina kong bulong. "It's complicated. Pero promise ko, I’ll be strong for you. I’ll protect you. Thank you for coming sa life ko." The days continued to pass. Unti-unti kong pinag-iisipan ang mga dapat kong gawin. Magpapasko na rin. At dahil papasok na rin ang semester, kailangan ko ring mag-ready sa pagbalik sa classroom. Pero ito ang tanong. Paano ko itatago ang pagbubuntis ko? Hanggang kailan ko kaya? At higit sa lahat…hanggang kailan ko kayang itago ito sa kanya? Pero, wala naman siyang pakialam. Di na siya nagparamdam until that last encounter namin sa hotel room. Kaya bakit ko pa iisipin kung anong mararamdaman niya? Hindi ko na nga siya ini-expect na managot—lalo pa’t hindi ko rin sinasabi sa kanya. Ito ang gusto ko. Baby lang. Tahimik na buhay. Walang drama. I’ll be a single mom. At kahit nakakatakot... kaya ko. Kaya kong buhayin ang anak ko mag-isa. Kaya kong magtrabaho habang buntis. Kaya kong maging matatag, kahit walang ama ang anak ko. Maybe, all I need is guidance from the doctor. Lalo na’t first baby ko ‘to. First time ko maging nanay. Wala akong kaalaman, pero willing akong matuto. Para sa kanya. Minsan, naiiyak pa rin ako sa gabi. Hindi dahil nagsisisi ako kundi dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mga pagbabago. Na baka hindi ko kayanin mag-isa. Na baka hindi ko magampanan ng tama ang pagiging ina. Na baka may isang araw na mapagod ako, mawalan ng gana, at mawalan ng lakas… at wala akong ibang masasandalan. Natatakot ako sa mga taong huhusga. Sa mga matang mapanuri. Sa mga chismosa sa amin na unang tanong ay, “Sino ang ama?” at hindi “Kamusta ka ba?” Yung bang pakiramdam mong wala kang karapatang maging masaya, dahil para sa kanila, isang kahihiyan ang nangyari sayo.At higit sa lahat. Natatakot ako sa mga kuya ko. Baka magulantang sila sa nangyari sa akin. Baka masaktan. Baka magalit. Pero alam ko sa sarili ko, kilala nila ako. Alam nila kung gaano ako ka-prinsipyo. At kahit may mga desisyon akong hindi inaasahan, hindi nila ako tatalikuran. They’ve always respected my choices. They support me. Minsan pa nga, sila pa ang mas excited kaysa sa akin kapag may bago akong ginagawa sa buhay. At sa totoo lang. Baka nga magpadala pa yung mga ‘yon ng gifts para sa baby ko. Onesies. Baby shoes. Blankets. Knowing them, baka lahat may pangalan na agad ang anak ko kahit hindi pa nga lumalabas. Yan ang pinaghahawakan ko. Ang mga kuya ko. Hindi ang opinyon ng mga tao. Sa gitna ng takot ko, sila ang nagpapalakas ng loob ko kahit wala pa man silang alam. Kasi kahit anong mangyari, alam kong may mga taong hindi ako iiwan. At sa panahon ngayon, sapat na yun para ituloy ko ang laban. Hindi ko kailangan ng buong mundo sa tabi ko. Ang kailangan ko lang ay mga taong totoo ang pagmamahal. At siyempre, ang munting nilalang na binubuo ko sa sinapupunan ko. "Buntis ka?!" Napadilat ako at mabilis nilingon sa nagmamay-ari ng boses. There, I saw Aling Gabina, the Marites of the Year. Siya pala ang reyna ng mga chismosa. Nanlaki ang mga mata nitong makita ang umbok kong tiyan. Nakapamewang habang may pamaypay. "Opo." Sagot ko habang hinihimas ang aking tiyan. It's visible dahil fitted dress ang suot ko. "Tama nga ang sabi nila. Umuwi ka galing syudad na buntis! Bueno, bagay sayo. Nasaan asawa mo?" Sumilip-silip ito sa bahay ko. Hinanap ang asawa ko raw. Ang sperm donor ko, she means. Napakamot ako sa tagiliran dahil magsisinungaling na naman ako. Asus! Alam mo naman na alam na niya ang pinagkakalat ko sa kapit bahay. Inunahan ko na sila no'. Ako ang magsimula ng kwento at ako ang mag-wawakas. Paiba-iba kase ng story nila and I don't like it. As a writer also, ang papanget ng kwento nila. Parang ako pa ang kawawa dahil nabuntis daw ako na walang ama ang anak ko. So what? Di ko ba kayang buhayin ang anak ko? "Yun nga eh. Wala siya dito..." May paawa sa boses. Ganun naman talaga kapag ganito ang kausap mo. You need to look sad para maawa kahit fake pa yang naaawa raw pero ibabbackstab ka, it's fine. Mahirap kapag nasa probinsiya ka kase, dapat sumabay ka sa mga matatanda. "Sabi ko sayo eh. Sinagot mo na sana ang anak ko edi sana may asawa ka ngayon." Anak niya? Yung tambay at pala-inom?! Malaking eww! "Uuwi ka lang din pala na buntis. Akala ko naman di ka katulad ng iba dyan. Nag-maynila para magtrabaho tapos uuwing buntis. Ayun! Walang kwenta na." Napakurap-kurap ako. Grabe talaga bibig nito. At ano?! Di naman ako nagtatrabaho sa Manila, at hindi sa Manila. Sa Makati ako. Di ba niya alam na professor ako sa neighborhood municipality namin? Taga-bundok ata itong si Aling Gabina. "Ayos lang naman po sa akin na buntis akong umuwi. Di naman ako lugi eh." Nakangiti kong sabi. Tumaas ang kilay niya. "Anong pinagsasabi mo dyan? Anong di lugi? Walang ama anak mo. Wag kang mag-alala, tatangapin ka pa rin naman ni Inteng. Kahit tambay yun, di ka naman niya iiwan at mamahalin ka ng buong-buo." Lihim akong napangiwi. Anong gagawin ko sa pagmamahal at di ako iiwan ni Inteng kung wala kaming kakainin? Walang alam sa buhay. Walang pangarap tapos palamunin pa. "Ah, ganun po ba? Di naman po talaga ako lugi dahil ang ama ng anak ko ay mayaman, may matangos na ilong, matangkad, pogi, at higit sa lahat, magaling sa kama." Nakangiti kong sagot. Napanganga naman ito sa sinabi ko kalaunan ay nandiri. "A-Anong magaling sa kama? Lahat naman ng lalaki magaling sa kama." "Hindi naman po. Magaling sa kama ang lalaki kapag malaki ang sa kanya. Bakit po, malaki ba ang kay Inteng? Nakita niya na po? Ay oo nga pala, mama ka niya po pala. Syempre po, nakita niyo na. Sige po papasok na ako sa loob medyo masakit na sa balat ang init ng araw. Masisira beauty ko." Nakangiti kong paalam at iniwan siyang nanlaki ang mga mata. Bahala ka sa buhay mo! Ibalik sa sinampupunan mo ang anak mo. May standards ako, okay? Kaya nga si Poseidon Atticus Koznetsov ang pinili kong maging ama ng anak ko. Alam kong hindi ito sa traditional na paraan, pero kahit isang gabi lang 'yon, I told myself, he’s worth it. My first and last. And honestly? Worth it na worth it siya. Worth it ang bawat halik, bawat hawak, bawat saglit sa piling niya. Oo na. Tinanggap ko na. Tinanggap ko na siya ang ama ng anak ko na hanggang ngayon, ni anino niya, wala akong nararamdaman. Walang chat. Walang tawag. Walang kahit ano. Pero ano ba ang mapapala ko kung pilitin ko pa siyang managot? Lalaki siyang may sariling mundo. Lalaki siyang malayo sa akin, sa prinsipyo ko, sa buong katauhan ko. Wala. Wala akong habol. But it’s fine because at the end of the day, may lahi pa rin siyang mapapasa sa anak ko. Kapag babae ito at gusto niya, isasalang ko siya sa beauty pageant. Kung lalaki, why not become a model or an athlete? Tingnan mo naman genes ng tatay, tapos isama mo pa 'tong lahi ko? Aba, winner na agad 'to! That’s life. My new life. Kaysa mastress ako at maapektuhan ang baby ko. Baka nga pag lumabas, mukha pang tired agad kasi lagi akong umiiyak or nag-o-overthink. Kaya no, ayoko na magdrama. I choose peace. I choose my baby. Naalala ko tuloy, paano nawindang lahat nang malaman nilang buntis ako. “Impossible!” daw. Hindi raw pwede. Lalo na’t ni isang manliligaw, never ko sinagot. Sabi pa nga nila, ako daw yung “approachable but untouchable.” Untouchable daw? Untouchable? Nakabuo nga agad eh. Isang gabi lang. But hey, that’s reality. Life doesn’t follow the script. And here I am, living a plot twist. Next next next month pa ang leave ko. Kasi the university still can’t find a substitute prof para sa mga subjects ko. Sadyang nahihirapan silang humanap ng papalit sa akin, lalo na’t halos lahat ng minor subjects sa department, hawak ko. Buti na lang supportive si Dean. I promised her I’ll manage until I reach my sixth or seventh month, then maternity leave, full focus on baby. And today is my OB-GYNE visit. Four months na ang baby ko. At habang hinihintay ko sa clinic, hindi ko mapigilang himasin ang tiyan ko. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, gulat na gulat ako nang makita ang two lines. Ngayon, may heartbeat na. May maliit na paa. May mga daliri. And I know, kahit hindi ko pa siya nakikita, I already love this baby more than anything in the world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD