Kabanata 6

1334 Words
Alas-sais ng umaga, nasa hardin na ako. Simpleng umaga. Diniligan ko muna ang mga tanim kong pechay, sili, at mga munting rosas sa gilid ng pader. Sabado ngayon, thank God, at kahit papaano, mas luwag ang oras ko. Kaunti na lang ang ginawa ko for school purposes kagabi. Four months pa naman tiyan ko, ayos lang naman. But knowing our university…they’re unpredictable. Kahit maternity leave ko ay next month pa, may tendency silang biglaang i-email ka about emergency faculty meetings or last-minute reports. Kaya kahit weekend, alert mode pa rin ako. Pero ngayon, self-care muna. Pagkatapos sa hardin, pumasok ako sa loob ng bahay. It's time for breakfast. Simple lang. Scrambled eggs, sinangag, at tinapa. Sinamahan ko na rin ng gatas kaysa kape, syempre bawal na ‘yon sa buntis. Naalala ko tuloy, nung dati, isang buong araw ako walang kain. Ngayon, kapag di ako nakakain sa tamang oras, parang magugunaw ang mundo. I’m living for two now. Napagdesisyunan kong sa veranda ako kumain. Masarap ang simoy ng hangin, may konting hamog pa sa mga dahon, at gusto ko rin kasi makita ang buhay sa labas habang kumakain. Mga batang masayang nagtatakbuhan, mga nanay na nagwawalis sa harap ng bahay, may lalaking nagbibisikleta habang may bitbit na pandesal, At syempre, andiyan na naman si Manong na nagtitinda ng isda gamit ang tricycle. Maingay, pero buhay. At masarap sa pakiramdam. Tahimik akong ngumunguya habang pinagmamasdan ang simpleng umagang ito. Nang biglang may isang tunog ng makina ang sumira sa katahimikan. Isang itim na kotse. Mamahalin. Makintab. Parang hindi bagay sa lugar namin na puro tricycle at bisikleta lang ang nakaparada sa gilid ng kalsada. Huminto ito sa tapat ng gate ko. Sa tapat ng bahay ko? Nanlaki ang mga mata ko. Sa tapat ng bahay ko nga! Sino naman to'? Walang kotse ng ganito ka ganda ang mga kuya. Oo, mga professionals sila pero ayaw ng ganitong kotse dahil masakit sa tenga. At, tama nga sila. Napangiwi akong nagpatuloy sa pagkain, habang di maiwasan sa pagtitig ng kotse. Di rin ito kina Jea at Cristel. Mas gusto nila ng tricycle o jeep kesa sa kotse. Sino kaya to'? Ang gara ah. At sa pagbukas ng pinto, isang pamilyar na lalaking matangkad, naka-black polo shirt at itim na pantalon ang bumaba. Sleek. Maayos. Parang galing sa pictorial. "Ah, shet." Muntik ko ng maibuga sng ininom kong gatas. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa lalaki. Anong ginawa niya rito? Paano niya ako nahanap?! Wait, hinanap niya ako? Ay, hindi. Mali! Ba't siya nandito? Bat siya napadpad dito? Anong kailangan niya sa akin? Tumupad ako sa usapan ah! Poseidon Atticus Koznetsov Kung di lang talaga ako curious sa kanya, di ko talaga malalaman sino talaga siya. He's s Billionaire! Billionaire! Akala ko, from wealthy family pero hindi. More than that siya. Old money lalo na't may lahing british. I don't really know where originally his Koznetsov came from. Basta, mayaman. Goodness! May ginawa ba ako? Wait, nandito lang naman ako sa probinsiya ah. Tumayo siya sa harap ng gate ko. Walang kibuan. Wala rin akong salitang mabigkas. Hinawakan niya ang rehas ng gate, at marahang nagsalita. "Can we talk?" At doon, nagsimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, inis, o dahil—part of me still remembers. His voice. His touch. That night. Napakurap ako. Halos malaglag ang hawak kong tinidor. Marahang binaba ko ang baso ng gatas na may natirang kalahati. Narinig ko pa ang clink nito sa mesa, medyo nanginginig ang kamay ko. At sa isang iglap, napansin kong napatingin siya sa baso. Sh-t. Gatas. Sa umaga. Buntis vibes. Kinabahan ako. Buti na lang, oversized shirt ang suot ko at nasa likod ng mesa ang tiyan ko. Hindi pa halata. Pero ilang linggo na lang, di ko na 'to matatakpan. Kailangan ko ng damage control. Kailangan ko ng palusot. "A-Ah, who you?" Wow. Shet. Ang galing ng palusot ko, ah. Yun na yun? Yun talaga? Napasinghap ako sa sariling kahihiyan. Naiinis ako sa sarili ko pero wala na akong choice. Nabitawan ko na. Kung may acting award, hindi akin. Napatingin siya sa’kin. Diretsong-deretso. Parang gusto niya akong busisiin mula ulo hanggang paa. Alam kong nag-iisip na siya. “Really?” Tumagilid ang ulo niya, tas ngumiti. Yung alam kong nananarkasmo na ng banayad. “That’s the best you could do?” Okay, hindi effective ang denial. Huminga ako nang malalim at umayos ng upo. Di ako pwedeng mag-panic. Di ako pwedeng matakot. Hindi siya pwedeng makakuha ng power over me again. Hindi na ako ‘yung babae sa hotel room na vulnerable at lasing. Iba na ako ngayon. May pinangangalagaan na ako. “Anong ginagawa mo dito?” Diretsahan ko na siyang tinanong. Di ko na kaya ang drama. Gusto ko ng klaro. Nakita kong humakbang siya papalapit. Isang hakbang lang mula sa gate. Pero ramdam ko, parang buong mundo ko ang gumuho. “Searching you,” sagot niya. Simple. Walang drama. Walang paligoy-ligoy. Pero ang lakas ng impact. Hinahanap? Ako? Bakit? "Oh tapos?" mariin kong tanong. Hindi ko siya tiningnan. Tinusok ko ang tinapay ko sa plato. Pinagkakabisihan ko kahit wala na akong gana. Tahimik siya. At sa loob ng ilang segundo, kami lang dalawa ang naroon. Walang maingay na motor, walang tawanan ng bata. Parang tumigil ang oras. Hanggang sa nagsalita ulit siya. "We need to talk." "Nag-usap na tayo," pabalang kong sagot. Maikli. Matulis. Napabuntong-hininga siya. Malalim. Mabigat. “Not like this,” sabi niya. “Not that night. Not with that kind of ending.” Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito? Maayos naman ang huling pag-uusap namin. "Huh? Maayos naman ang huling pag-uusap natin sa hotel, ‘di ba? Anong meron?" Napasulyap ako sa kanya, sabay baling uli sa pagkain. "Ba’t ba kasi… gutom pa ako. Istorbo ka masyado." Pinilit kong gawing biro. Pero ramdam kong may halong panggigigil at inis sa tono ko. Di ko alam kung para saan? Dahil ayokong makita ang pagmumukha niya? Ang pangit niya kase sa paningin ko eh. Tumawa siya. Maliit. Walang buhay. "You're pregnant." "Oo, four mo—" Napahinto ako. Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman?! Tumingin siya sa tiyan ko, saka sa mga mata ko. Seryoso. Parang hindi sanay na nagsusumbong ang tingin niya. "And you didn’t tell me." Mariin niyang sambit. Isang linyang punong-puno ng hinanakit. Wait, teka. Ba’t siya galit? Akala ko ba, amin-amin lang ‘yung nangyari sa amin? Akala ko ba, isang gabi lang ‘yon? Ay, oo nga pala. Hindi niya alam. Hindi niya kailanman nalaman na may nabuo pala... at ako rin naman, hindi ko inasahan. Napatango ako. Dahan-dahan. Naintindihan ko rin siya, kahit papaano. Pero hindi sapat na dahilan ang pagkabigla para bigyan ko siya ng karapatan sa lahat. “Di ko rin kasi in-expect na makabuo tayo agad that night,” sagot ko habang iniiwas ang tingin. Huminga ako nang malalim. Mas pinili kong itago ang kabang muling nabuhay. “Pero no need to worry,” dagdag ko, this time mas kalmado ang tono. “I can raise my child alone. Di ko naman ipagkakalat na may anak ka na. You’re safe. Your name is safe.” Casual kong sabi iyon, sabay subo ng kanin. Pilit kong pinanatiling normal ang lahat. Hindi dahil gusto kong saktan siya. Pero dahil ayokong makita niya kung gaano ako nanghihina sa simpleng presensya niya. At isa pa, ang sarap talaga kumain kapag maaga. Ewan ko ba. Dati, tinapay at kape lang ayos na ako. Pero ngayon? Kulang pa ‘to. Buntis perks, siguro. Kahit sabi ni doc, bawal daw ako kumain ng sobra. Baka tataba ako ng bunga Baka mahirapan akong manganak. Pero sa ngayon… gutom ako. Sa pagkain. Sa katahimikan. Sa kapayapaan. Tumitig siya sa akin. Hindi siya umupo. Hindi rin siya umalis. Tila ba pinipilit niyang saluhin ang lahat ng sinabi ko nang walang armas, walang proteksyon, walang pader. "Did you really think I had no right to know?" Tanong niya. Hala ka, dzai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD