Kabanata 7

1148 Words
"Wait lang. Umupo ka rito. Uubusin ko muna 'tong pagkain ko, tapos usap tayo," aniko habang tinuturo ang bakanteng silya sa tabi ko. Buti na lang may isa pang upuan. Di siya kumilos, parang estatwa. Deadma na lang ako. Kung ayaw niya, ‘di wag. Niyaya ko na, diba? Choice na niya ‘yon. "Kumain ka na ba? Kain tayo," alok ko, sinubukang gawing magaan ang hangin kahit medyo mabigat na. Bumuntong-hininga siya nang malalim, tapos tumingala sa langit na parang doon niya hahanapin ang sagot. Di ko talaga siya mabasa. Laging misteryoso, laging may dalang drama. Umiling na lang ako at tinapos ang pagkain ko. Tahimik. Tanging kaluskos ng dahon at paglagok ko ng tubig ang naririnig. Maya-maya, napansin kong dahan-dahan siyang umupo rin sa silya. Medyo hirap siya dahil malaki siyang tao, parang hindi sanay sa masisikip na espasyo. Pero at least, umupo siya. Mukhang handa na rin siyang makinig, or sumagot. Tahimik pa rin. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Wala pa siyang sinasabi, pero yung presensya niya pa lang, parang tanong na agad. "Anong gusto mong malaman?" tanong ko habang pinupunasan ang labi ko ng panyo. Hindi ko siya tiningnan. Hindi dahil sa takot pero dahil sa kaba na baka makita niyang hindi pa ako handang ibigay lahat. "The truth," sagot niya, diretso, walang paligoy-ligoy. Ngumisi ako. "Totoo. Buntis ako tapos ikaw ang ama." Napatingin siya sa’kin. Hindi galit. Gusto lang niya marinig ang dahilan ko kung bakit di ko sinabi sa kanya. Kung bakit ngayon ko lang sinabi. "At paano ko sasabihin sa'yo? Hindi naman tayo close," pagpapatuloy ko, sinubukang panindigan ang depensa ko kahit pa ang puso ko’y kumakabog. "You have my number," mariin niyang sabi. Para bang sa isang saglit lang, gusto na niyang ubusin lahat ng argumento ko. Napakurap ako. "May number ka rin sa akin, ah. Dapat tinawagan mo ako kung talagang gusto mong malaman." "I did," mabilis niyang sagot, halos hindi ko pa tapos ang linya ko. "You won’t answer my calls and texts." "Diba matrace mo agad ako? You know my number. May koneksyon ka. Hindi ka pwedeng mawalan ng paraan," sabi ko, may bahid ng pagtataka. O baka sumbat na rin. Napabuntong-hininga siya, tapos napasandal sa silya. Nakaopen ang mga binti niya, nakatingin nang diretso sa akin, parang sinisilip ang buong pagkatao ko. Napalunok ako, hindi sa takot, kundi sa kaba. Nailang ako bigla. "I'm busy with my work abroad," mahina niyang umpisa, pero matigas pa rin ang tono. "I thought... you're just fine. I gave you time. Dahil alam kong you lost your virginity to me. And I know... it must have been painful for you." Napapikit ako. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Parang gusto nang kumawala, lalo na’t sa wakas, he was saying things I never thought I’d hear from him. "Thank you for that," sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili. "But the truth is, it's fine for me to raise our baby alone. Prangkahan na tayo, ah. I don’t need you. I can provide for our baby." Diretsahan kong sinabi. Walang paliguy-ligoy. Walang luha. Katotohanan lang. Tahimik siya saglit, bago niya binigkas, "So, you won’t let me be his father?" "Her," mariin kong pagtatama. Babae anak namin. "And it's she. Heartless woman." Pagpaparinig nito. Umirap ako. "Totoo nga. You can go back to the city." Pagtataboy ko. Malamig. Klaro. Para matapos na ‘to. "No." Buo, matigas, walang pag-aalinlangan ang sagot niya. Napalingon ako sa kanya. "Anong no?" "No, I’m not going anywhere. Not without you, pregnant woman." Sumama talaga ang mukha ko. Napakunot ang noo ko, napaangat ang kilay, at napailing sa sobrang inis. Akala ko ba matalino ang mga bilyonaryo? Bakit ito parang bobo? Matigas ang ulo, walang pakiramdam. "Bumalik ka na mag-isa. Mas gusto ko rito. Masariwa ang hangin. Walang usok. Walang ingay. Hindi katulad sa city na puro polusyon at fake na tao. Ano, patitirahin mo ang buntis sa condo mo? Aircon all day, tapos puro elevator paakyat-baba? Pasensiya na, hindi ako sanay. Mas gusto ko ng pawis kaysa lamig ng aircon. Dito lang ako. Simple, pero totoo." Tumayo ako at tiningnan siya nang diretso. "Lumayas ka na lang. Kung gusto mong magsustento, sige. Di kita hahadlangan. Pero hanggang doon ka lang. Wala kang karapatan sa amin. Tutal sperm donor ka pa rin naman." Namilog ang mata niya. Napahawak sa sentido, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What?! I'm not a sperm donor!" mariin niyang sagot, halos pasigaw. Tumayo na rin siya, nakaharap sa akin. "Do you want me to demonstrate how we—" "Hoy!" naputol ko agad siya, itinuro ko siya sa mukha, "Pag tinuloy mo pa 'yang kabastusan mo, isusumpa talaga kita." Bigla siyang natahimik, pero hindi niya inalis ang titig sa akin. Huminga siya nang malalim, kita ang pagpipigil sa sarili. Pero hindi na ako aatras. Hindi na ako ‘yung dating babae na mahiyain at sunud-sunuran. "You’re mad," sabi niya, medyo tumatawa pero halatang frustrated. "Hindi ako galit! Pangit ka lang sa paningin ko. Ayokong makita ka." Banas na banas kong sabi habang pasulyap-sulyap sa kanya, inis na inis sa kapal ng mukha niya. "Nanglilihi ka ba?" tanong niya, kahit obvious na baluktot ang Tagalog niya. Para siyang batang pilit nagtatagalog sa school play. Napangiwi ako. "Ayusin mo nga pagta-Tagalog mo. Half-foreigner ka nga—pero hindi excuse ‘yan para sirain ang lenggwahe namin." Napakamot siya ng batok. "You knew that I'm half-foreigner. It's normal," depensa niya, sabay ngiti na akala mo charming siya—pero sa’kin? Nakakainis. "Normal sa’yo, pero nakakairita sa’kin. Wag mong gamitin ‘yung pagka-half mo para makatakas sa katangahan mo." Natatawa na lang siya, pero nakita ko rin ‘yung pagod sa mata niya. Yung tipong ilang beses na siyang sinupalpal pero pilit pa rin niyang inaabot ako. "Listen," seryoso na ang tono niya ngayon. "I know you hate me. I know I messed up. But I’m not leaving, not until I earn a right to stay beside you and your pregnancy journey." "Botbot." Sinungaling. "What?" "Wala." sagot ko, sabay tayo at kuha ng baso sa ibabaw ng mesa. "Ba’t gusto mong makisali ngayon? Wala ka bang girlfriend? Ay sabagay, pumatol ka sa akin eh. So hindi imposibleng wala kang standards." Pinamulahan ko siya ng inis. Pero di siya nagpatalo. "No. I don’t have a girlfriend. I haven't been with anyone since… that night." Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Sanay akong niloloko, kaya para sa akin, lahat ng salita niya parang may halong lason. "Pero di nga?" tanong ko ulit, this time mas kalmado. "Wala kang ibang babae?" "Wala. Ikaw lang." Tinapunan niya ako ng titig na parang sinisilip ‘yung totoo kong damdamin. "'Wag kang mag-alala, di ako naghahanap ng gulo. Gusto ko lang makabawi." "Tss." Umirap ako, pero hindi ko maitago ‘yung pintig sa dibdib ko. No. Hindi. Baby lang, Ceila. Baby!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD