"At may dala ka pa talagang maleta. Naks, di halatang pinaghandaan," ani ko habang pinapanood siyang buhat-buhat ang mamahalin niyang maleta. Pumayag na rin ako. Ang kulit-kulit kase. May panibagong chismis na naman tungkol sa buhay ko ang mga chismosa. Magbabago na naman ang ending ng storya nila. May pamaypay akong hawak habang nakaupo pa rin sa veranda. Pinapanood ko lang siya, kalma, tila ba walang bigat sa katawan habang itinutulak ang maletang mukhang imported pa mula sa abroad. Sinulyapan ko ang kotse niya. Saan naman niya ito ipapark? Wala akong parking area. At bawal din sa kalsada. Makikipagsiksikan ‘yan sa kariton ni Aling Susan at sa delivery trike ng karinderya sa tapat. Napabuntong-hininga ako at pinisil ang tungki ng ilong ko. Great. Ang gulo mo talaga sa buhay ko. Tum

