Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway habang pinagmamasdan ang lalaking dumating. Ang bawat hakbang niya ay may bigat, may tiyak na kumpiyansa, at para bang lahat ng tao sa paligid ay kusang umiikot ang atensyon sa kanya. Ang mga tauhan ni Atticus ay nanatiling alerto, marahang humigpit ang pagkakatayo nila, ngunit hindi sila gumawa ng anumang galaw. Lumapit ako nang bahagya, hawak pa rin ang kamay ng isang kamag-anak na kanina pa nagkukuwento tungkol sa regalo para kay Lillyna, ngunit wala na akong naririnig. Tanging ang boses ng lalaking iyon ang umuukit sa pandinig ko. “Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito,” ani ng lalaki, matatag ang tinig. “Kung tutuusin, dapat ako ang unang batiin ang mag-asawa. My dear Poseidon, I am proud of you.” Nagtagal ang titig ko sa mukha niya. Mala

