Pagkatapos naming kumain ay si Quinn na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Inutusan niya na lang ako na bumalik na sa kuwarto at magpahinga. Sobrang lakas ng ulan ngayon na animo’y tatlong bagyo ang katumbas dahil naririnig ko ang hangin mula sa labas. Imbes na sa kuwarto ako dumiretso ay sa sala ako nagtungo at bahagyang binuksan ang bintana. May ilaw sa labas nitong bahay ni Quinn kaya kitang-kita kung paano isayaw ng hangin ang mga puno pati na rin ang mga tanim na gulay ni Quinn. Nang makita ko na halos malagas ang ilan sa mga dahon ng tanim niyang gulay ay bigla akong nag-alala kaya agad kong nilapitan si Quinn. “Quinn,” tawag ko sa pangalan ni Quinn habang naghuhugas ito ng mga plato. “Why?” “‘Yong mga tanim mo parang matutumba na yata lahat!” “We can't do nothing

