Nauna akong magising kay Quinn. Malakas pa rin ang ulan sa labas dahil rinig na rinig iyon mula rito sa loob. Nang mapatingin ako sa orasan ay nakita kong alas-otso na pala ng umaga kaya naman wala na akong takot na nararamdaman dahil umaga na rin naman. Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap ko kay Quinnell para hindi siya magising. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakatulog dahil maya’t maya ko siyang iniistorbo kanina. Nakapagpahinga lang yata siya no'ng nakatulog na ako dahil wala ng nangungulit sa kaniya. Paglabas ko ng kuwarto ay una kong tinungo ang bintana. Maluwag ko iyon na binuksan para makita ko ng malawak kung ano ang nagaganap sa labas. Napabuga ako ng hangin dahil parang walang pagbabago ang panahon. ‘Yong mga tanim na gulay ni Quinn ay halos mga naka

