OMUB6

1707 Words
Habang pinapakain niya ang mga manok niya ay panaka-nakang niya akong tinitingnan ng masama. Akala niya yata nanakawan ko siya. Bakit ko naman gagawin iyon kung kaya ko naman bumili ng maraming manok sa palengke? Nang matapos siyang magpakain ng mga manok niya ay nilapitan niya ako. “Umuwi ka na dahil hindi kita maaasikaso rito.” “Hindi mo naman ako kailangan asikasuhin dahil hindi naman ako bata,” sagot ko. “Hindi naman kita iistorbohin sa mga bagay na gusto mong gawin.” “Hindi ako sanay na may ibang tao rito sa bahay ko dahil baka–” Pinutol ko siya. “Dahil baka ano? Dahil baka may mawala? Ano naman ang nanakawin ko rito sa bahay mo? Paulit-ulit ka na lang. Hindi malikot ang kamay ko, ‘no!” Kung hindi ko lang siya gusto ay baka kanina ko pa pinadugo ang bibig niya dahil sa mga maling iniisip niya tungkol sa akin. “Kahit pa may isang milyon ka rito sa loob ng bahay mo, hindi ko iyon kukunin dahil may pera rin ako.” “I didn't say you're a thief,” sabi niya habang nakakunot ang noo niya. “I just want you to go home.” “Kailan ka ba babalik sa bahay ni Uncle?” tanong ko. “Next week.” Tumango-tango ako. “Okay.” “What do you mean, okay?” “Sabay na lang tayo.” “Sabay? Sasabay ka sa akin?” Pinasadahan niya ang kabuuan ko. “Wala kang dalang damit kahit isa, ‘di ba?” “Wala nga.” “So, ano’ng plano mo? Isang linggo mo ring suot iyang damit mo?” Nginitian ko siya ng matamis. “Bakit ko naman susuotin ‘to ng isang linggo kung puwede naman akong manghiram sa iyo? Habang nandito ako sa bahay mo ay manghihiram muna ako ng t-shirt at boxer short sa iyo. Okay lang naman siguro iyon, ‘di ba?” “That's not okay for me,” nagtatagis ang mga bagang na sabi niya. “Umuwi ka na at wala akong pakialam kahit maligaw ka pa.” “Ang sama naman ng ugali mo.” “I don't care. Now, go home.” “Oo na. Uuwi na ako,” sabi ko. “Pero, puwede bang ibigay mo muna sa akin ang number mo bago ako umuwi?” “What for?” “Para matawagan kita kapag naligaw ako,” palusot ko dahil ang totoo ay wala naman talaga akong balak umuwi. Ano ako baliw? Maglalakad ulit ako ng limang oras mahigit bago makauwi? Matutulog na lang muna ako, ‘no. At dahil desidido siyang pauwiin ako ay hahakbang muna ako palayo at babalik na lang ako mamaya rito sa bahay niya bago dumilim para wala na siyang magawa pa. “Give me your number,” ulit ko. Tiningnan niya ako ng may kasamang pagdududa. “Bakit ba? Bakit kailangan mo pang kunin ang number ko?” “Hindi ko po pala kukunin, kokopyahin ko lang po,” wika ko sabay irap. “Tatawagan po kasi kita kapag naligaw ako kaya po kokopyahin ko sana ang numero mo para po matawagan ko kayo. ‘Wag po kayong mag-aalala dahil hindi po ako scammer kaya hindi ko po kayo guguluhin gamit ang iba’t ibang numero para lang tawagan kayo.” “You're so talkative," komento niya. “Hindi po ako madaldal, baby,” giit ko sabay ngisi. “Nagpapaliwanag lang po.” “Tsk! Here!” Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya at sinabi niya na kopyahin ko agad ang numero niya bago pa magbago ang isip niya. “Nakuha mo na ba?” “Oo.” “You can go home now.” “Sige.” Nagsalubong ang mga makakapal niyang kilay dahil sa sinabi ko. Halatang nagtataka siya sa mga ikinikilos ko. Kanina niya pa kasi ako ipinagtatabuyan pero hindi ako umaalis pero ngayon ay agad-agad akong pumayag. “Uuwi na ako.” Habang naglalakad ako papalayo ay palingon-lingon ako sa gawi niya habang siya naman ay nakatingin pa rin sa akin habang salubong pa rin ang mga kilay niya kaya naman hindi ko na siya nilingon pa. Medyo lumayo ako sa bahay niya para iisipin niya na umuwi na ako pero ang totoo ay nagtago lang ako sa isang malaking puno at umupo sa malaking ugat niyon. Hihintayin ko munang dumilim ang paligid saka ako babalik sa bahay niya. Wala pa yatang labing limang minuto na nakatambay ako rito sa puno ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman mabilis akong napatayo para maghanap ng masisilungan. Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang ulan na sinabayan na ng malakas na hangin kaya naman basang-basa na ako ngayon habang nilalamig kahit pa nga nakasilong naman ako sa isang malaking puno. Pinalipas ko muna ang kalahating oras bago ko dinukot ang cellphone ko para padalhan ng mensahe si Quinn para hindi siya makahalata na hindi naman talaga ako lumayo. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag-type. “Quinn, ang lakas ng ulan. Basang-basa na ako tapos nilalamig na rin ako.” ‘Yon ang mensaheng ipinadala ko sa kaniya. Wala pang isang minuto ay bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Napangiti ako dahil numero iyon ni Quinn kaya naman sinagot ko agad ang tawag niya. “Where are you?” bungad niyang tanong. “Come back here.” Hindi ko ipinahalata na masaya ako sa sinabi niya dahil kunwa'y pinalungkot ko ang boses ko. “Nandito ako sa gubat,” sabi ko. “Bumalik ka na rito!” sigaw niya mula sa kabilang linya. “Hindi na. Uuwi na ako,” pag-iinarte ko kunwari. “Medyo malayo na kasi ako kaya ayaw ko nang bumalik diyan.” “If that's what you want! Just a simple reminder, be careful because there's so many rapists in that place.” “A-ano?” Natakot ako bigla sa sinabi niya. “May mga rapist ba sa lugar na ito?” Imbes na sagutin niya ako ay pinatay na niya ang tawag kaya naman pinadalhan ko siya ulit ng mensahe na sunduin niya ako rito sa kagubatan. Nang makita ko na naglalaglagan ang mga bunga ng pili nuts sa 'di kalayuan dahil sa lakas ng hangin ay nawala sa isip ko ang sinabi niya na may rapist dito dahil inumpisahan kong pulutin ang mga nalaglag na bunga ng pili nuts. Grabe! Sobrang dami ng mga nalalaglag! Ang problema, wala akong lagayan. Iyon ang laging pasalubong sa akin ni Venice sa tuwing umuuwi siya pabalik sa Maynila. Ang sabi niya sa akin ay marami raw tanim na pili nuts si Uncle Hector kaya marami siyang iniuuwi para sa akin. Hindi ko akalain na nasa harapan ko ngayon ang punong iyon kung saan maraming bunga ang nalalaglag dahil sa pinaghalong lakas ng hangin at ulan. Inipon ko muna sa isang tabi ang mga pili nuts na napulot ko. Mamaya ay ilalagay ko ang mga iyon dito sa damit ko bago ako bumalik sa bahay ni Quinn. Alam ko kung paano magluto ng minatamis na pili nuts kaya siguradong matutuwa siya sa akin kahit papaano. “What the f**k are you doing?” Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Quinn sa harapan ko. Halos hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya dahil sa lakas ng patak ng ulan. “I told you to go back to my house, right?” Napatingin siya sa mga pili na hawak-hawak ko. “f**k!” “Masarap ang mga ito,” sa halip ay sabi ko. “Nakatikim ka na ba ng ganito?” Nakita kong napahilot siya sa batok niya kaya naman lahat ng napulot kong mga pili ay inilagay ko na sa damit ko. Kapag tumigil ang ulan ay babalik ako rito para pulutin ang mga natira. Sa ngayon ay uuwi na muna ako dahil baka kainin ako ng buhay ni Quinnell. "Wait lang. Sandali na lang 'to." Sa pagkagilalas ko ay nakita ko si Quinn na yumuko sa lupa at nag-umpisang mamulot kaya naman ginanahan ulit ako na mamulot dahil nga halos hindi matigil-tigil ang paglalaglagan ng mga bunga. Sa kasawiang palad ay napahinto ako sa ginagawa ko dahil may tumama sa ulo ko. Isang bungkos pala ng pili nuts ang tumama sa ulo ko kaya agad-agad ay nagkaroon ako ng bukol. “What happened?” tanong ni Quinnell sa akin na halatang nag-aalala pero masama pa rin ang hitsura niya. “May nalaglag sa ulo ko,” parang bata kong sumbong sa kaniya. “Pero, hindi naman masyadong masakit.” “May I see.” Tiningnan niya ang ulo ko agad-agad. “Does it hurt?” “Kaunti lang.” Hinubad niya ang suot niyang damit at pagkatapos ay kinuha niya sa akin ang mga pili nuts na hawak ko pati na rin ‘yong mga pinulot niya. “Let's go.” “Saan?” “Saan pa ba?” “Sa bahay mo ba?” “What do you think?” “Ang sungit-sungit mo naman. Kapag nakuha na kita, sisiguraduhin kong hindi na magiging ganiyan ang pakikitungo mo sa akin,” sabi ko sa kaniya dahilan para mapailing siya bago humakbang pabalik sa bahay niya. Tahimik lang ako na nakasunod sa kaniya. Panaka-nakang niya akong nililingon na para bang mawawala ako sa paningin niya. Ang lakas pa rin ng ulan kaya pareho na kaming basang-basa ngayon. Pagdating niya sa bahay niya ay inilagay niya sa batya ang mga pili nuts na nakalagay sa labas ng bahay niya habang ako ay nakamasid lang sa kaniya. “Hindi ka pa ba papasok sa loob?” tanong niya sa akin. “Tititigan mo na lang ba ako?” “Hindi ako magsasawang titigan ka dahil gusto kita,” sabi ko sa seryosong tono. “Mabuti nga titig lang ang ginagawa ko, eh. ‘Yong iba nga, minamanyak na agad.” “Bakit? Hindi ka pa ba ganoon sa ginagawa mo ngayon?” “Hindi pa naman. Wala pa naman akong ginagawa sa iyo na karumal-dumal, ‘di ba? Liligawan muna kasi kita hanggang sa mapasagot kita. Gusto ko kasing dumaan sa tamang proseso, eh. Pero, kung pahihirapan mo ako, mapipilitan akong angkinin ka sa mabilis na pamamaraan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD