OMUB7

1629 Words
“Wala akong damit kaya pahiram muna ako ng damit mo saka boxer shorts,” wika ko kay Quinn. Walang imik niya akong inabutan ng boxer shorts at saka damit. “Salamat.” Pumunta na agad ako sa banyo para maligo matapos niya akong pahiramin ng isusuot ko. Ang mga saplot na hinubad ko ay nilabhan ko muna at isinampay sa loob ng banyo bago ako naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin agad ako dahil alam ko na maliligo rin siya. Kagaya ko ay basang-basang din kasi siya ng ulan. Bago ako humakbang palabas ng banyo ay pinasadahan ko muna ang sarili ko. Wala akong suot na bra kaya kitang-kita ang n*****s ko. Napabuga ako ng hangin dahil baka isipin niya na pakawala ako dahil sa hitsura ko ngayon. Pero, sa kabilang banda, iniisip ko na ayos lang siguro na makita niya ako sa ganitong anyo para makuha ko agad siya. Kaya lang, kailangan ba talaga na ipakita ko ang kaluluwa ko para lang makuha ko ang atensyon niya? “Natural!” sigaw ng isang bahagi ng utak ko. “Kung gusto mo siyang makuha, akitin mo siya! Lahat ng klase ng pang-aakit ay gawin mo para makuha mo ang atensyon niya at para mabaliw siya sa iyo, Venezia!” Bahala na nga! Makalipas ang ilang minuto ay matapang akong humakbang palabas ng banyo kahit kita ang kaluluwa ko. Hindi ko akalain na nakaabang na pala siya sa akin dahil paglabas na paglabas ko ay mukha niya ang bumungad sa akin. Muntik pa kaming magkauntugan kung hindi lang siya mabilis na nakaiwas. Pinasadahan niya ang kabuuan ko. Nang magawi ang mga mata niya sa dibdib ko ay kumunot ang noo niya. “I can see your n*****s,” komento niya bago siya nag-angat ng tingin. “Why you're not wearing a bra?” “Nilabhan ko pa kasi dahil basa,” paliwanag ko. “Kapag natuyo na ‘yong bra ko, isusuot ko agad iyon.” “Are you trying to seduce me?” “Did I succeed?” balik kong tanong. “Lahat ng babae na nagpakilala sa akin ay naghubad sa harapan ko kaya hindi na bago sa akin ang makakita ng ganiyan, babae,” walang gana niyang sabi sa akin. “Ang iba ay doble pa ang laki kumpara sa dibdib mo dahil ‘yang dibdib mo ay sobrang liit.” “Naliliitan ka pa ba sa dibdib ko?” nakaigkas ang kilay na tanong ko. “Hindi maliit ang mga ito, ‘no!” Itinaas ko ang damit na suot ko at pagkatapos ay kinuha ko ang isa niyang kamay at idinampi ko iyon sa isa kong dibdib. “See? It fits in your hands!” ani ko sabay walk out. Bago ako mawala sa paningin niya ay nilingon ko pa siya. Nakita ko na napalunok siya habang nakatingin sa akin. ‘Yong kamay niya na idinampi ko sa dibdib ko ay nakita kong nakakuyom kaya inirapan ko siya. Maliit pala, huh! Eh, ba't parang gusto niyang hawakan ulit? Tsk! Habang naliligo si Quinnell ay pumunta ako sa kusina niya para tingnan kung ano ang puwede kong mailuto. Sa ibabaw ng lamesa ay may bilao na nakapatong doon kung saan iba’t ibang gulay ang naroon. Pinitas niya siguro ang mga iyon kanina habang nasa gubat ako dahil halata naman na sariwa pa ang mga gulay. “Ano kaya ang paborito niyang pagkain?” tanong ko sa kawalan. “Paano kung magluto ako tapos hindi niya gusto?” Naabutan niya ako na nakatitig sa mga gulay na nasa harapan ko. “Quinn, ano’ng gusto mong kainin?” Kagaya ng inaasahan ay hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tinitigan niya lang ang kabuuan ko sabay iling. “Nagugutom na ako,” sabi ko pagkuwan. “Magluluto na sana ako kaya lang hindi ko naman alam kung ano ang gusto mo.” “Manood ka na lang ng tv,” sabi niya. “Mag-iihaw na lang ako ng isda.” Nagtataka ako kung paano nagkaroon ng kuryente dito sa bahay niya gayong bundok na bundok na ang lugar na ito. Gusto ko siyang usisain kaya lang nakakatakot makipag-usap sa kaniya dahil sambakol ang mukha niya. “Puwede ba akong tumulong?” “Hindi na,” sagot niya ng hindi ako tinitingnan. “Doon ka na lang sa sala.” “Dito lang ako,” pagmamatigas ko. “Wala akong kasama roon, eh. Ahm, may maitutulong ba ako?” “Wala.” Nang lumabas siya sa pinto ay nagtataka ko siyang tiningnan. “Saan ka pupunta?” “Kukuha lang ako ng isda.” “Saan? Puwede ba akong sumama?” “Sasama ka na ganiyan ang hitsura mo?” “Bakit? Ano ba’ng masama sa hitsura ko?” “Wala ka bang nakikitang mali sa hitsura mo kahit alam mo na wala kang suot na bra?” “Madilim naman na sa labas,” sagot ko. “Isa pa, wala naman tao rito bukod sa ating dalawa.” “You're not sure about that.” “Bakit? May mga tao pa ba na napapadaan sa lugar na ito?” “Stay here," matigas niyang sabi. “Teka lang!” pigil ko sa kaniya. “What?” “Malayo ba ‘yong pagkukuhaan mo ng isda?” “Malapit lang.” “Magpapaulan ka ba ulit? Hindi ka magdadala ng payong? May dala ka bang flashlight?” sunod-sunod kong tanong. Para akong kumausap ng bingi dahil hindi man lang niya sinagot ang isa sa mga tanong ko. “Ahm, balik ka agad, ha? Mag-ingat ka. Kapag tumagal ka ng ilang minuto, susundan na kita.” Inismiran niya lang ako bago siya umalis sa harapan ko. Pag-alis niya ay pumuwesto ako sa tapat ng pinto para doon siya hintayin. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na ang bulto niya na papalapit sa gawi ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Binigyan ko siya ng espasyo para makadaan siya. May bitbit siyang dalawang pirasong tilapia at saka dalawang pirasong hito. Saan niya kaya kinuha ang mga bitbit niya? May fish pond ba siya rito malapit sa bahay niya na hindi ko nakita kanina? “Ako na ang maglilinis ng mga isda,” presinta ko pero umiling siya. “Magsasaing na lang ako para naman may maitulong ako.” “Do you know how to cook using the woods?” “Of course!” puno ng kumpiyansa na sagot ko. “Don't you know that I’m a chef, baby?” Natuto akong magluto sa kahoy dahil may naging kaklase ako noon na hirap sa buhay. Walang magulang at tanging ako lang ang naging kaibigan. Kapag may naiisip kaming bagay na gusto naming lutuin noon ay doon kami sa bahay niya tumutuloy. Doon ako natutong magluto gamit ang kahoy dahil iyon ang ginagamit ng kaibigan ko. Doon ko rin napagtanto na masarap ang pagkain kapag niluluto sa uling o ‘di kaya’y sa kahoy kumpara sa stove. “Really huh?” “Your future wife is not just beautiful but also talented and sexy,” biro ko kay Quinn. “Suwerte mo kapag ako ang naging asawa mo dahil araw-araw kang makakatikim ng masarap mula sa akin. Teka, ilan ba ang isasaing ko?” “Three cups.” “Okay, baby,” sabi ko bago ako nagtungo sa rice dispenser niya habang bitbit ang maliit na kaldero. Sa tuwing tinatawag ko siya ng baby ay hindi naman siya nagrereklamo kaya lihim akong natutuwa. Nang malagyan ko na ng bigas ang kaldero ay hindi ko muna hinugasan ang bigas dahil kailangan ko munang paapuyin ang kahoy. Saglit ko lang na napaapoy ang mga kahoy kaya naman hinugasan ko na ang bigas at agad na isinalang. Nang mapatingin ako kay Quinn ay halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. “Ang galing ko, ‘no? Papasa na ba ako sa iyo bilang asawa mo?” Hindi siya umimik. Sa halip ay itinuon na lang niya ang atensiyon niya sa paglilinis ng isda. “Iihawin mo lang ba ang mga iyan?” Hindi niya ako sinagot. “Alam mo, ang suplado mo. Hindi mo ba alam na kailangan magpakabait habang nabubuhay? Ayaw mo ba talaga sa akin?” “Isn't it obvious?” “Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng chance?” hirit ko. “Kahit isang porsyento lang?” “We're not compatible, Venezia.” Napakurap-kurap ako nang banggitin niya ng buo ang pangalan ko. “I hope you understand.” “We're not compatible?” ulit ko sa sinabi niya. “Paano mo nasabi? Hindi mo pa nga ako nasusubukan, eh. Hindi pa nga natin nasusubukan na magkaroon ng relasyon, eh.” “Jesus Christ!” bulalas niya bigla. “Naririnig mo ba iyang mga sinasabi mo?” “Fine! Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo,” sabi ko. “Bigyan mo na lang ako ng anak.” “What?” “Let's have sex.” “What the hell!” “I'm clean. You're my first if ever.” “Why do you want to have s*x with me?” “To have a baby.” “Why don't you ask another man to impregnate you?” “You're the only man I want to be the father of my child,” seryoso kong sabi. “Ikaw lang. Wala ng iba. So, ano? Payag ka na ba?” “Hindi pa rin.” “Come on. We will do it once.” “Once? I doubt it.” “Hindi tayo titigil hangga't walang laman ang tiyan ko,” sabi ko. “I'm going to be a good mother to our child. I promise.” “Nababaliw ka na,” komento niya sabay iling. “Ibang klase ka. Ikaw lang ang kilala kong ganiyan. Tsk!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD