“Doon ka na sa kuwarto matulog,” sabi ni Quinn sa akin pagkatapos naming kumain ng hapunan. Hindi niya ako pinaghugas dahil siya ang kumilos lahat. “Dito na lang ako sa sala matutulog para hindi naman nakakahiya sa iyo.” “Bakit dito ka matutulog? Malamig dito, ah. Ayaw mo bang magtabi tayo? ‘Di ba masarap matulog kapag may katabi lalo na kapag ganitong malamig?” “You're not my woman,” komento niya habang masama ang tingin niya sa akin. “Sa tingin mo ba makakatulog ako ng mahimbing kung hindi ko kilala ang babaeng katabi ko?” “Let me introduce myself to you,” pakilalai ko sa kaniya at bahagya rin ako na lumapit. “I'm Venezia Dela Torre and I'm twenty two years old. I'm single and no boyfriend since birth. I'm a chef in my own restaurant, so, basically I'm good at cooking. So, when we bec

