Araw ng fiesta ngayon dito sa baryo kaya abala ang lahat. Medyo napuyat ako kagabi kaya halos tanghali na ako nagising. Sigurado ako na abalang-abala ang lahat ngayong araw na ito lalong-lalo na si Quinnell. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at napagdesisyunan na maligo bago lumabas dahil nakakahiya naman na lumabas na walang ligo. Pagkatapos kong maligo ay dahan-dahan akong humakbang palabas. Sa dining room ako unang pumunta dahil medyo gutom na ako. Napangiwi ako nang makita ko na halos puno ng tao ang loob ng dining room kaya naman dahan-dahan akong umatras. Mamaya na lang siguro ako kakain kapag wala ng tao. Ang dami pa lang bisita nina uncle kapag fiesta. Nakakatuwa naman. Babalik na lang ulit ako mamaya. Siguro naman kaunti na lang ang tao mamaya. “Are you hungry?” Halos

