“Aren't you going to the covered court?” tanong sa akin ni Quinn. “Your family is almost there and yet you're here watching television alone? Are you okay?” “Oo naman.” “Ayaw mo bang sumunod sa kanila?” Umiling ako. “Mas gusto ko pang manood na lang ng tahimik rito kaysa makipagkulitan kay Venice roon.” Alas onse na ng gabi kaya halos wala ng tao rito sa loob ng bahay nila Uncle pero sa labas ay medyo marami-rami pa pero mga nag-iinuman na lang. Umupo si Quinnell sa tabi ko kung saan ako nakaupo. “Kumain ka na ba ng hapunan?” tanong ko. “Mukhang hindi ka pa yata kumakain, eh.” “Kumain na ako kanina,” simple niyang sagot. “Nagpapahinga lang ako saglit tapos uuwi na ako.” “Uuwi saan?” “In my house.” “Uuwi ka pa? Sigurado ka? Pero, hindi ba delikado na uuwi ka pa ng ganitong or

