“Hindi naman ako magpapakalasing,” wika ko kay Quinn. “Kaunti lang naman ang iinumin ko dahil hindi naman talaga ako sanay na uminom ng marami.” “Exactly!” may kalakasan ang boses na wika niya sa akin. “Hindi ka umiinom kaya itigil mo ‘yang binabalak ninyo ni Clayton kung ayaw ninyong basagin ko lahat ng mga ‘yan.” “Bakit mo babasagin? Isang bote lang naman ng beer ang iinumin ko, eh.” “Don't try me, Venezia,” seryosong sabi ni Quinn na para bang kapag sinuway ko siya ay tiyak na may hindi magandang mangyayari. “Kaunti nga lang,” mahina kong sabi. “Ngayon ko lang naman susubukan ‘to. Ikaw nga umiinom din, eh.” “Gusto mo ba talaga akong subukan?” tanong ni Quinn sa akin habang nagtatagis ang mga bagang niya. Sa gitna ng commotion ay narinig kong tumawa si Clayton kaya napalingon ako s

