Paggising ko ay wala na si Quinn sa kuwarto kung saan kami natulog. Iniligpit ko muna ang hinigaan namin bago ako lumabas ng kuwarto. Pagdating sa kusina ay naabutan ko siyang naghahain ng pagkain. Napatingin siya sa akin at tipid akong nginitian na ngayon lang nangyari. Hindi naman kasi palangiti ang lalaking ito kaya nakapagtataka na nakangiti siya ngayon? Lasing pa kaya siya? “Umupo ka na para makakain na tayo dahil sa isang araw na ang fiesta. Kailangan kong tulungan ang Uncle mo sa paghahanda dahil sa mga oras na ‘to ay siguradong abalang-abala na sila roon. Sa madaling salita, pupunta na tayo roon ngayon.” “Hindi ka na ba lasing?” “Hindi. Bakit mo naman naitanong?” “Mabuti naman.” “Bakit?” “Wala naman,” sagot ko. “Bakit nga pala nakayakap ka sa akin kanina?” tanong niya

