Pagdating namin ni Quinn sa bahay nina Uncle ay halos nakatingin sa amin ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko samantalang si Quinnell ay prente lang na nakatayo at halatang walang balak na magpaliwanag. “Saan ka galing, Ate?” tanong sa akin ng kapatid kong si Venice. “Sumama ka ba kay Kuya Quinn sa bahay niya?” “Hindi,” tanggi ko. “Eh, bakit magkasama kayo? At saka, wala ka namang kakilala rito, ah. Saang bahay ka tumuloy, aber?” “Sa bahay ko siya tumuloy,” balewalang sagot ni Quinn sa kapatid ko. “Sinama mo ba siya sa bahay mo, Kuya Quinn?” Tumingin muna sa akin si Quinn na para bang hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi naman kasi talaga niya ako isinama sa bahay niya bagkus ay sumunod lang ako nang hindi niya alam. Tumikhim muna siya bago niya sinagot ang

