OMUB32

1647 Words

Habang kumakain kami ni Quinn ay may narinig kaming sunod-sunod na katok sa labas kaya naman nagkatinginan kaming dalawa. “May inaasahan ka bang bisita?” tanong ko kay Quinn. Animo'y sisirain na ang pinto nitong bahay ni Quinn dahil sa lakas ng pagkakakatok ng taong nasa labas. Umiling si Quinn. “Wala.” Nang akma akong tatayo ay pinigilan niya ako. “Ako na lang ang tatayo para tingnan kung sino ang nasa labas. Dito ka na lang.” “Sige.” Mayamaya pa ay kasama na ni Quinn ang mga taong kumakatok kani-kanina lang. Isang matandang lalaki at isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Hindi naman sa nagseselos ako pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng umaalalay sa matandang lalaki. Ang ikli ng short na suot niya. Nakasuot lang din siya ng manipis na sando kaya naman kitan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD