bc

Breathless

book_age16+
314
FOLLOW
1.8K
READ
like
intro-logo
Blurb

Oil and water.

Medicine and grapefruit juice.

Redbull and milk.

Things you couldn't and shouldn't mix.

Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they can't stand each other. They are aware that neither one of them will back down.

Noreen hates Cloud's whole being. He is too cool, too reserved and too composed for her.

Cloud doesn't care, doesn't mind and doesn't show even the slightest interest.

But the space between them keep on getting smaller day by day.

With so much interactions.

Will they keep on repelling or finally be able to attract?

When will hate finally turns to love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Noreen "Miss Noreen Del Vega?" napatayo ako agad after I heard my name. "Yes?" ngumiti ako after biting my lips to turn it more red, I walked with class and poise papunta sa babae. "Hello, Ma'am sorry po may emergency call po si Doc ngayon, pwede po kayong bumalik bukas..." and that made my head burst! Napalakad agad si Ron sa tabi ko saka ako hinawakan sa braso, he knew what I am going to do next! "WHAT?" bulyaw ko sa babae "YOU MADE ME WAIT FOR HOURS, FOUR f*****g HOURS TO BE EXACT AND NOW YOU ARE TELLING ME NA WALA SI DOC? ARE YOU INSANE? HINDI MO BA AKO KILALA?" nanginginig sa galit kong sabi sa nurse na kausap ko. "WHO OWNS THIS HOSPITAL? THE RAZONS AND CRUZS RIGHT?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang panginginig niya habang hawak ang record book at mabilis na tumango-tango "GUSTO MO IPATAWAG KO PA SILA?" pananakot ko sa kanya "YOU DON'T KNOW ME, DO YOU?" at nakita ko ang paglunok niya. "Bessy, kalma ka lang..." alo sa akin ni Ron saka hinimas himas ang braso ko "Walang kasalanan si Ateng, at pinagtitinginan na tayo dito..." saka siya pilit na ngumiti at tinignan ang paligid, I breathe out saka siningkitan ang mata. "Sagutin mo ako!" seryoso kong sabi "Kilala mo ba ako?" hindi siya makatingin at pilit na iniiwas ang tingin, tingin ko maiihi na itong babaeng ito sa susunod ko pang sigaw "MAGSALITA KA!" sigaw ko at narinig ko ang naglaglagang mga gamit mula sa mga nagulat na nurse. "H-Hindi po!" sagot niya na parang pigil sa paghinga. "See, that's why you made a mistake!" sagot ko sa kanya saka siya tinitigan siya ng matalim "FOR YOUR INFORMATION I AM NOREEN DEL VEGA, DAUGHTER OF THE OWNER OF WISE TELECOMMUNICATIONS..." Lumapit ako sa kanya saka bumulong "Wise ka di ba? That's your network, gusto mo bang ilantad ko lahat ng text messages niyo ng boyfriend mo? What do you call that? Sexting?" at nakita ko ang pagpapawis niya, GOTCHA! "M-Ma'am hindi ko naman po alam na magkakaroon ng emergency call si Doc..." sagot niya sa akin at mas lalong nag-init ang ulo ko dahil doon "Humihingi po siya ng sorry sa inyo..." "Hindi mo alam? Eh ano palang alam mo bukod sa pumalpak?" nagpipigil kong sabi "Sorry? Maibabalik ba nun ang oras na sinayang ko?" "Noreen tama na yan!" saka ako hinila ni Ron. "THE NEXT TIME YOU'LL SET AN APPOINTMENT MAKE SURE NA SISIPUTIN AKO AH!" saka ko siya inirapan, napatigil ako sa paglalakad saka napatingin sa mga tao na nakatingin sa amin, ngumisi ako and flipped my blonde hair, kakapalit ko ng hair color last week! "WHAT?" pagtataray ko sa mga taong nakikiusyoso "DO YOU LOVE THE SCENE?" tanong ko at isa-isa silang nagbawian ng tingin. "Tara na nga, bruha ka!" hila sa akin ni Ron palabas ng hospital. "I HOPE YOU ENJOYED THE SCENE!" sigaw ko bago tuluyang nakalabas ng building ng hospital "YOU DRIVE!" utos ko kay Ron, saka hinagis sa kanya ang susi ng kotse "KABANAS!" sigaw ko sa loob ng kotse saka tinignan ang sarili ko sa salamin, hinila ko ang free-flowing skirt ko pababa saka umupo ng maayos. "NAKU BAKLA KASALANAN MO ITO!" saka ko siya inirapan, huminto ang kotse ng mag red ang traffic light. "Ako? Bessy ano nanaman ang nagawa ko?" tanong niya saka pinunasan ang noo, nilakas niya ang aircon sa loob "Ikaw bessy ah! Ang taray taray mo! Paano kung may lumabas nanaman article tungkol sa iyo at yang kamalditahan mo? Yari ka nanaman sa Papa mo!" sita niya sa akin and I just rolled my eyes. "Ikaw kasi hahanap ka ng doctor na iinterviewhin, hindi yung purong psychologist lang! s**t!" hampas ko sa dashboard ng kotse "Sa lahat ng ayaw ko yung nag-aantay sa wala!" "Sorry na bessy, malay ko bang physician din yun at maraming pasyente, pa-major kasi yang General Psychology subject natin, first week pa lang ini-stress na tayo!" sagot niya saka binalik ang tuon sa pag da-drive. Bading si Ron, matalino siya, scholar since birth, taga gawa ko ng assignments, projects, personal advisor, takbohan at kung anu-ano pa. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko tungkol sa sikreto ko...at ng pamilya ko. "Sa susunod, ayusin mo trabaho mo!" Naiirita kong sabi saka ako napatingin sa daan, heavy traffic, wala na talagang asenso sa Pilipinas. Isang factor pa na itong daan ay malapit sa isang simbahan, araw kasi ng Friday at ito yung araw ng simbahan dito, maraming namamanata, maraming nagsisimba, nagbebenta ng kung anu-ano. I took a deep breath saka napatulala. Medyo napagod ako dahil sa pagtataray ko kanina. "Bessy, umayos ka..." baklang sabi ni Ron "Gusto mo nanamang masaktan?" tanong niya "Pag nalaman ito ng Papa mo, naku patay ka nanaman, baka gusto mo ma freeze lahat ng credit cards mo at mawala itong kotse, gusto mo nanaman bang palayasin sa inyo?" sunud-sunod niyang sabi, huminga lang ako ng malalim "Bessy, ayaw kong kakatok ka nanaman sa harap ng bahay umiiyak habang may pasa sa mukha..." "Ron..." sinagot ko siya "It will not happen again. I assure you!" saka biglang may kumatok sa bintana ng kotse, napatingin ako sa mag-inang kapwa madungis, mukha silang gutom na gutom at hindi pa kumakain "Please give me my wallet..." bulong ko pero alam kong narinig niya kaya naramdaman ko na rin agad ang wallet ko sa may lap, I opened it saka kumuha ng five hundred peso bill, ibinaba ko ang bintana ng kotse saka ngumiti habang inaabot ang pera sa ale. "Bumili ka ng pagkain niyo..." sabi ko at nakita ko ang saya sa mukha niya "Please take care of your child, wag mo siyang papabayaan..." at nakita ko ang maluha-luhang mata ng ale. "M-Marami pong salamat..." sabi niya at bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa gilid ng mga mata, inabot sa akin ni Ron ang tissue, and I bit my lower lip to stop myself from crying "Hulog ka ng langit, hindi ka lang maganda, napaka busilak pa ng puso mo. Ito ang pinakamalaking perang nahawakan ko..." sabi pa niya sunod nun nakita ko ang pagluha niya. "Ahem!" I cleared my throat saka binilisan ang pagkurap "I see, kaya ibili mo ng pagkain niyo yan huh!" sabi ko at mabilis ring sinara ang car window. "Yan! Yan ang sinasabi ko! Why do you have to cover up yourself?" tanong ni Ron saka inapakan ang gas, umandar na kami. "Cover up?" tanong ko at umiwas ng tingin. "Oo Noreen! Mag taray ka pa! Sige, pero hindi mo maitatago ang mabuti at malambot mong puso dyan sa pagsigaw sigaw mo!" daldal niya and I glared at him. "Ang arte mo bakla!" sagot ko na lang saka ko niyakap ang braso niya "Bakit ba hindi ka na lang naging lalaki?" "Para pakasalanan at pagnasaan mo? Naku wag na!" sagot niya and we both laughed "Noreen, bakit nga ba?" tanong niya sa akin "Bakit nga ba pilit mong ipinapakita sa iba na matapang ka, malakas ka, na no one can look down at you by shouting and being mean with people around you?" "Mean? Am I that mean?" sagot ko sa tanong niya. "After what you've done? Sa hospital? Sa school? Sa malls? And after lumabas ang mga articles about sa iyo? Ayyy hindi Mare! Napakabanal mo!" sarkastikong sagot niya sa akin. "Ewan ko Ron..." seryoso kong sagot sa kanya "Maybe because, pagod na akong kinokontrol? Pagod na akong ginagawang manika? Pagod na akong saktan? I don't know Ron..." saka tuluyan ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Bessy..." rinig kong sabi niya "Kaya ayaw kong maging mayaman na tulad sa inyo eh. Okay na akong may magandang trabaho at nabibili ang lahat ng gusto ko at ng pamilya ko..." "Sana kayo na lang pamilya ko..." bulong ko, saka mapaklang ngumiti "Sana magkapatid na lang tayo..." saka ko siya hinarap, gwapong bakla si Ron pero wala akong magagawa, ganyan talaga ang tinitibok ng puso niya. "Hindi pwede bessy kasi wala na akong libreng pagkain, baon at tuition!" sagot niya saka ko siya siningkitan ng mata. "Is that the reason kung bakit kinakaibigan mo ako?" tanong ko sa kanyan saka bumeywang, pinipigilan niya ang pagtawa niya. "Tingin mo, ano pang hahabulin ko sa iyo? Bessy parehas lang tayong maganda!" saka ko siya hinampas, we both laughed "Ayan edi mas maganda ka na sa akin, kasi ngumiti kana!" sabi niya at napatigil ako, he always know how to lighten up the situation. Ron belongs to an average family, minsan wala, minsan meron kaya nga nag-aaral siyang mabuti kasi pag naging Engineer siya at makapasok sa amin, para sa kanya napakalaking break yun! "Ano hahatid na kita sa bahay niyo?" tanong niya at umiling ako. "Sa School, sa unit ko." sagot ko at umupo ng maayos. Our university has its own building wherein students can buy or rent their own unit, nasa loob yun ng campus kaya very convenient, minsan doon si Ron pero madalas nauwi siya sa kanila kasi inaasikaso niya rin ang Milktea Shop na medyo malapit din sa school, sosyo kami doon, pinahiram ko siya ng puhunan at iyon ang ginagamit niya para matustusan ang pag-aaral niya at makatulong sa pamilya niya. Ron is a good man. I mean, a good gay, at mahal na mahal ko ang kaibigan kong ito. Naiinggit ako sa kanya, oo, sa kabila lang lahat ng meron ako, naiinggit parin ako kay Ron, bakit? Dahil he can do whatever he wants! He is free unlike me. And suddenly my phone rang and I answered it. "DADDY YOW!" sagot ko at napailing nalang si Ron "NOREEN! WATCH YOUR LANGUAGE!" sita niya sa akin mula sa kabilang linya "Go home now, we'll have a family dinner with the Del Rosarios..." and I rolled my eyes, sa kanila nanaman? For sure next thing I know, engaged na ako! "Okay! Gogora na ako dyan!" sagot ko at di napigilan ni Ron ang pagtawa, gayun din ako. "WE'LL TALK LATER YOU- DAMN IT! JUST GO HOME NOREEN!" and he ended the call. "Appointment?" tanong ni Ron at tumango ako "Saan ang destination Ma'am?" pagloloko niya. "Sa Hell..." sagot ko at saka niya mabilis na kinabig ang kotse sa direksong kung saan nakatirik ang malaki at nakakasuka naming bahay! "You want to go inside?" tanong ko kay Ron. "Di na bessy, baka litsunin pa ako ng tatay mo, naku di ko keribels!" and we both laughed, ayaw kasi ng parents ko kay Ron bilang kaibigan, sabi nila pera lang ang habol niya sa akin, nakakatawa kasi never ko naramdaman yun kay Ron. Never siyang humingi sa akin, I willingly gave it to him. "Sunduin mo na lang ako mamaya, wait for my message!" sabi ko at umalis na rin siya. Didiretso sana ako sa kwarto ko pero laking gulat ko ng sinalubong na nila ako sala. Bumeso si Mommy at Daddy sa akin, really? Ang galing nilang umarte, I smiled at them. "Good evening Tita Elaine. Tito Sky..." saka ako bumeso sa kanila "Hello Cielo..." and I cleared my throat "C-Cloud!" the very annoying guy! "Habang lumalaki ka, lalo kang gumaganda!" puri ni Tita Elaine. "Salamat po, it runs in our blood..." sagot ko at narinig ko ang pagtawa nilang lahat except kay Cloud, he was standing there, firm and straight, hindi ko alam kung nakikinig ba siya o binabaliwala niya kami, ewan ko sa kanya! Basta he annoys me! "So, what made you come here?" tanong ko. "Ahh ito kasing Mommy mo, nag-aya!" sagot ni Tita Elaine, she is beautiful kahit may edad na, she is sweet and caring, unlike my mom, hindi ko tuloy maiwasan na hilingin na sana ganyan din si Mommy sa kanya. "I see, then let's eat?" aya ko at naglakad na rin kami papuntang dining area. Buong oras panay business ang pinag-uusapan, minsan tinatanong ni Tito Sky si Cloud abot sa opinions niya, like hello? He is just nineteen, ganun ba ka mature ang lalaking iyan? "How about you Noreen, kumusta ang school?" Tita Elaine suddenly asked me. "A-Ah, w-well it's good, I'm enjoying it!" sagot ko sa kanya. "That's great, sabagay it's been five years since you permanently moved here, right?" and I nodded "A-Ah our Cloud is planning to transfer to other university..." "Mom..." and finally narinig ko na rin ang boses niya! Infairness ang lalim ah! "It was just a plan..." "Why?" tanong naman ni Mommy kay Tita Elaine "Cloud attends in one of the premier university just like Noreen, tama ba ako na rivals ang schools niyo in terms of achievements and awards?" and I lazily nodded. "Well, baka nabobored na si Cloud sa school nila..." sagot ni Tita Elaine, bored? Si Cloud bored? Kung i de describe ko si Cloud in one word, wala nang iba pang papasok sa utak ko bukod sa salitang boring! "Baka gustong maghanap ng bagong view!" singit ni Dad "Bagong magagandang babae?" he teased him at napatingin ako sa ekspresyon niya, matipid lang siyang ngumiti pero agad rin iyong nawala. I doubt kung meron nga siyang interest sa mga ganun. Natapos na ang dinner at lumabas na rin ako para magpahangin, panay business na ulit ang pinag-uusapan nila and I can't understand them. No, I actually can't stand them. I was lazily walking around ng bigla kong narinig ang boses ni Cloud. "What? You're breaking up with me?" He asked habang may kinakausap sa phone. The topic seemed serious pero his tone is calm parin. I wonder sino kausap niya. He was standing near our pool. I hid myself and continued eavesdropping. "What is it all about, huh Mia?" I heard him say again, but this time medyo irritable na. Mia? Mia Santillan? Yung artista na model pa nag-aaral sa school nila? Taray! "THAT'S NON SENSE!" I was actually shocked when he shouted. Wow. Like, this is the first time I saw him do that. Ito nga rin ang pinaka mahabang salita na narinig ko sa kanya! At may girlfriend pala siya? Eh bakit parang nilalapit siya ni Tita Elaine sa akin kung may girlfriend siya? Ah. Baka hindi alam ng parents niya. "Mia, let's talk. Please. Mia! Mia! DAMN!" at nakita ko ang pagsipa niya ng bato papunta sa direksyon ko at- "AAAHHH!" huli na para maiwasan iyon, tumama sa makinis kong noo ang bato "A-Aray. Aray ko!" iyak ko habang sapo sapo ang noo. "WHO IS THAT?" Malakas niyang tanong agad rin siyang tumakbo palapit sa akin saka tinignan ang dumudugo kong noo "What are you doing here?" He asked kaya tinignan ko siya. "Hello? Bahay kaya naman to!" sagot ko saka bumalik sa pag-iyak. "Are you eavesdropping?" Kunit noo niyang tanong. "Kung ayaw mong may makarinig sa iyo, doon ka sa bundok makipag-usap!" sagot ko at pilit ng tumayo pero nadulas ako at buti na lang nahawakan niya ang beywang ko, napalunok ako ng masubsob ko sa bisig niya, ang bagong niya, infairness! "Bitawan mo nga ako!" agad kong bawi sa kanya. "Sorry." rinig kong sabi niya that made me stop. "Sorry? Magagamot ba niyan ang bukol ko?" pagtataray ko at napalunok ako ng naglakad siya palapit sa akin. It's a little dark here kasi yung mga pin light lang sa ground ang nakabukas, but I was able to see Cloud's face clearly when he came near me. This man is really tall and I think he is still growing. He has this kind of face na pagtitignan mo ay ayaw mo ng lubayan ng titig. I don't remember kung nakita ko na siyang ngumiti but he definitely has a sexy serious face. He also omits an aura na mahirap kausapin or unapproachable. Though when you're near him, you'll definitely be enchanted by his manly scent. I know him simula pagkabata and I'm pretty sure hindi siya dumaan ng puberty. He has been like that ever since. Mister prim and proper. Well, I'm just being honest here. Pero despite those facts, never ko siyang naging type. Like, never as in. "Sorry not sorry. Hindi ko kasalanang chismosa ka at nakikinig sa usapan ng iba..." Aba't! "AKO? HELLO! HINDI KO KASALANAN NA NANDITO KAYO SA BAHAY KO!" bulyaw ko sa kanya at nakita ko ang paglayo niya ng mukha, napalunok ako, na conscious din, mabaho ba hininga ko? I cleared my throat saka pasimpleng inamoy iyon "HA, HA!" I breathe out "Di naman!" bulong ko at binalikan ko siya. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim at paniningkit ng singkit na mata "Anong problema mo sa akin?" he suddenly asked. "P-Problema?" ulit ko "AKO? WALA! IKAW! BAKA IKAW!" turo ko sa kanya saka niya hinawakan ang hintuturo ko, nanigas ako dahil doon. He moved near me kaya medyo napaatras ako but I couldn't actually move, I can't even look at him because he is really close to me right now and it kinda feel uncomfortable. Gusto kong tumakbo pabalik sa loob but my feet won't move, ganun din yung hintuturo ko na hawak hawak parin niya. "Ako? Wala naman akong ginagawa sa iyo." He whispered but I clearly heard. I tried to look away but his stares never gave me a chance to. "Is it-" nabigla ako ng bigla niyang hinapit ang beywang ko, I put my hands on his chest to distance myself from him but I think that was not a good decision, I actually felt it and that made me more uncomfortable. T-Teka nag-gi-gym ba siya? "Is it because you like me?" He softly asked again. Damn this man! Is he playing with me? Ako? Gusto ko siya? H-HINDI! HINDI NO! NEVER! I want to shout those words on his face but his demeanor is obviously trying to test me. I tried to pull away but I felt his hand on my back. He acted as if he was going to kiss me. I wanted to push him but I have no strength to do so. Bigla akong kinabahan, I'm not sure if it's my heart I am hearing or yung kanya, he is too close to me too. He was moving his face little by little, aiming for my lips. Namamasa ang kamay ko ngayon dahil sa kaba that's for sure. T-Teka, will he really kiss me? Now? Anong gagawin ko? This is my first time. Teka, should I close my eyes? I had no choice but to close my eyes tightly. I was waiting for his lips to meet mine that's why I unconsciously pouted it. "You do like me..." he suddenly blurted out and sabay nun ang mabilis kong pagdilat ng mga mata "Indeed..." rinig ko pang sabi niya saka ngumisi. Tinanggal niya ang kamay niya sa likod ko saka pinagpagaan ang sarili na para akong isang malaking dumi na kumapit sa kanya. "Well I'm sorry, but you are not my type Noreen..." saka niya ako iniwang tulala, walang nasabi at lutang doon. HUH?! Ano daw? I like him but I am not his type!? Gago pala siya eh! "WELL GO TO HELL CLOUD DEL ROSARIO!" sigaw ko habang nag-uusok ang ilong "I LIKE YOU? AREN'T YOU BEING FULL OF YOURSELF? KEEP DREAMING!" saka ko sinipa sipa ang lahat na nasa harap ko. ANNOYING, REALLY ANNOYING!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
232.1K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Unwanted

read
532.1K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
89.9K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
474.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook