Episode 10

1147 Words
At dahil bagong kasal sina Clyde at Andy, naisipan ni Lucy na bigyan ng honeymoon trip ang dalawa. Ayaw man nila ay wala na silang nagawa pa. Nandito sila ngayon sa tagaytay, may naka-reserve ng hotel room para sa kanilang dalawa. Namasyal muna sa kahit saan na para bang tunay talagang nagmamahalan. Hindi maiwasan ni Clyde ang maiirita sa kasama dahil para sa kanya napaka-ignorante nito. Pero habang tinitingnan niya ito, hindi naman niya maiiwasan ang  namumuo niyang ngiti sa kanyang mga labi. Napapiksi na lamanb siya nang mapansin niyang nakangiti siya habang nakatingin kay Andy. Dapat maiinis siya rito. Oo, tama! Yan ang dapat niyang gawin. Ang mainis sa babaeng naging asaw niya. "Hoy, uwi na tayo, dumidilim na ohh," tawag niya rito habang abala pa ito sa pagmamasid sa kagandahang taglay ng kalikasan. "Ano?" kunwari nitong tanong. "Uwi na tayo," ulit pa niya. "Ano uli?" parang pang-iinis na tanong uli ni Andy. "Sabi ko, uwi na tayo! Bingi lang?" Napipikon nang sabi ni Clyde. "Ba't ba ang sungit mo? Meron ka ba ngayon?" Pang-iinis pa nito. "Ano?" "Sabi ko gwapo ka!" aniya. "Alam ko," confident niyang sagot. "Bingi lang." Mahina lang ang pagkasabi nito pero sadyang pumutok iyon sa tainga ni Clyde na siyang nagpakulo ng kanyang dugo. "Andy ang pangalan ko at hindi HOY!" Nakataas ang kilay nitong sabi saka siya noto nilagpasan pero hindi niya ito pinansin at hindi siya sumunod dito . Nanatili lang siyang nakatayo. "Hoy, Bingbang! Sabi mo uwi na tayo. Tara na!" tawag pa nito sa kanya. Napatingin siya rito hindi dahil uuwi na sila kundi dahil doon sa itinawag nito sa kanya. "Anong itinawag mo sa'kin?" "Bingbang. Bakit may problema ba du'n?" tanong nito. "A-anong bingbang?" kunot-noo niyang tanong. "BINGI at MAYABANG! Gets?" Naningkit ang mga mata ni Clyde sa narinig. Napakuyom niya ang kanyang kamao habang nanggagalaiti na siya sa inis dito. "Bingbang pala huh! Lagot ka sa'kin. Sa sahig ka mamaya matutulog!" inis na nasambit ng utak ni Clyde. Nang makarating na sila sa hotel, inunahan na niyang maligo si Andy para mauna siyang makahiga sa kama. Lagot sa kanya si Andy ngayon. Sisiguraduhin niyang sa sahig ito matutulog! Pero teka! Di ba mag-asawa naman sila? Bakit kailangan pa nilang maghihiwalay ng higaan? Dapat magkatabi sila sa pagtulog pero ini-imagine pa lang ni Clyde ay nasusuka na siya. Ayaw niya! Baka mahawaan pa siya ng pagiging ignorante nu'n. Kahit anong mangyari, hindi talaga siya tatabi rito sa pagtulog. Pero dapat makapaghigante siya sa mga ginawa nito sa kanya kanina. May ngiti sa kanyang mga labi nang lumabas na siya ng banyo dahil may plano na siya kung papaano niya mapapatalbog palabas ng kwarto si Andy o di kaya sa sahig niya ito mapapatulog kaya lang ...ang ngiting kanina lang ay kaylaki-laki na nasa mga labi niya namutawi ay agad napawi ng makita niyang nakahiga na sa ibabaw ng kama si Andy. "What are you doing?" tanong niya rito. Napatingin ito sa kanya ng marinig nito ang tanong niya pero ng makita nitong topless ang nasa bahaging ibabaw ng kanyang katawan at tuwalya lamang ang nasa ibaba ay napanganga ito at agad na nagtakip sa mukha. "Ba't ganyan ang suot mo?" tanonh nito habang natatakpan ng kumot ang mukha nito. "Bakit may masama ba?" Napatingin si Clyde sa sarili kung may mali ba sa suot niya pero wala siyang nakitang mali. "Magbihis ka nga ng matino." Napaawang tuloy ang mga labi niya dahil sa sinabi nito. Wala namang masama sa suot niya pero bakit siya pinabibihis ng matino? Tumagilid patalikod sa kanya si Andy at agad namna siyang nagbihis ng pantulog na damit. "Get out from the bed now," utos niya kay Andy. Bumangon ito at napatingin sa kanya na nagtataka. "Bakit mo naman ako pinapaalis?" nagtataka nitong tanong. "Dahil ako ang matutulog diyan at sa sahig ka." "A-ano?!" gulat nitong tanong, "...di naman patas yan. Dapat ikaw ang matulog sahig at hindi ako," dagdag pa nito. "Di pwede! Ako ang matutulog sa kama at ikaw ang sa sahig! Got it?" "Hindi!" pagtatanggi pa nito. "Ayaw mo?" tanong niya rito. "Ayaw ko!" matigas nitong sagot. "Wag mo 'kong pagalitin," pagwa-warning niya rito. "Ehh, di magalit ka. Paki ko." Pakiramdam ni Clyde, sinasadya nitong painisin siya. "Alis!" sigaw niya. "Ayoko nga!" Patuloy pa rin ang pagmamatigas nito sa kanya. "Sabing alis!" Sadyang maliit na lang ang pasensiya niya sa asawa niya. "Ayoko nga eh. Kulit." Clyde rolled his eyes sa sobrang inis na kanyang naramdaman. "Ayaw mo talaga? Gusto mo yatang magtabi tayo ngayong gabi. Sige pagbibigyan kita total ...mag-asawa naman tayo di ba?" parang paghahamon na sabi ni Clyde "Hoy! At sino naman ang nagsabi sa'yo na gusto kong tumabi sa'yo?! Kahit kailan hinding-hindi ako tatabi sa'yo," aniya na siyang lalong nagpainis sa kanya. "Ganu'n? Ehh .. .di umalis ka diyan!" pagtataboy pa rin niya. "Ayaw ko." Patuloy pa rin ang paninigas nito. "Kakaladkarin kita palabas," pananakot niyang sabi. "Tsk! Eh, di kaladkarin mo. kahit kailan talaga, wala kang kadala-dala." Sabi nito saka muling humiga at tumagilid patalikod sa kanya. Mababaw na hininga ang pinakawalan ni Clyde. Sabi nito  wala raw siyang kadala-dala? Napatangu-tango si Clyde sa sinabi nito. Kailan pa naging walang kadala-dala ang isang katulad niya? Umandar ang pagiging pilyo ni Clyde. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama. "Ako? Walang kadala-dala? Talaga? Subukan nga natin kung talaga bang wala akong kadala-dala. Ano?" Dahan- dahan niyang hinawakan ang balikat ni Andy.  Labis naman ang pagkabigla nito at agad nitong iniwaksi ang kamay niya saka nito binalot ang katawan ng kumot. "Manyak! Bastos!" sigaw nito. Binalot nito ng mabuti ang katawan nito ng kumot pero natatawa si Clyde sa naging reaksiyon ni Andy.  Sarap asarin. Maasar nga uli para matakot at maisipang lumabas na laman. "Manyak pala huh!" aniya saka umakyat siya sa kama at nang akma na niya itong yakapin mula sa likuran, bigla itong lumabas sa kumot. Nang makita siya ni Andy na nasa tabi na siya nito ay labis ang pagkagulat nito at bigla siya  nitong itinulak ng kaylakas sanhi upang bumagsak siya sa sahig.  When his body met the floor, he heard a c***k came from his back! Napasigaw siya sa sakit. Hindi niya naiwasan ang mapamura. Napinsala yata ang backbone niya! Napangiwi siya sa sakit pero pinilit pa rin niyang bumangon. He saw her starring at him. Nasa mukha nito ang pag-alala para sa kanya. "O-ok ka lang?" nag-alala nitong tanong. "After you pushed me down, that's all you can say? Iba ka rin, Andy! s**t!" nakangiwi niyang sabi. He opened the door and he heard her asking where he's going. "Sa labas, baka mamaya 'pag nag-stay pa ako sa loob ng kwartong 'to baka bukas baldado na ako." Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at dumiretso siya sa isang malapit na beerhouse at uminom lang ng kunti habang pinag-iisipan kung papaano niya mapapatalsik ang babaeng 'yon sa loob ng kwartong 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD