"Anak, ready ka na?" tanong ni Fe sa panganay na anak.
"Opo, Ma," sagot naman ni Andy.
"Anak, lagi mong tatandaan na ang pagpapakasal ay sagrado at dapat ang nagpapakasal ay tunay na nagmamahalan. Anak, kung mabigat sa dibdib mo 'tong gagawin mo, mataas pa ang oras para umatras. Madaling pasukin ang isang bagay pero mahirap lumabas kapag ayaw mo na. Mahirap ang buhay may asawa lalo na kung kahit ni gusing wala kayong nararamdaman para sa isa't-isa."
"Ma, nandito na tayo. Nakakahiya naman kung aatras pa tayo at isa pa, ginusto ko 'to kaya Ma, 'wag kang mag-alala sa'kin. Kung sa simula, mahihirapan ako pero promise po, walang mangyayari sa'kin. Pinapangako ko sa inyo, hinding-hindi niyo ako makikitang umiiyak dahil magiging masaya ako. Adjust lang 'yan, Ma at kung hindi man ako magiging masaya, ako na mismo ang susuko."
"Excuse me po. Ma'am, Andy, aalis na po tayo papuntang simbahan."
Napatingin sina Andy sa isang babaeng nakadungaw sa pinto ng saan inayusan si Andy. Napatingin si Fe sa anak na may pag-alala sa mga mata.
"Ah, sige. Andiyan na kami."
Tumayo na siya para lumabas na ng silid ng biglang hinawakan ni Fe ang kamay ng anak saka niya ito niyakap.
"Anak, nandito lang ako para sa'yo. Kung di mo kaya, umuwi ka lang huh? Kung magkaproblema ka, huwag mong itago huh? Lapitan mo lang kami ng mga kapatid mo," umiiyak na nitong sabi kaya napaiyak na rin si Andy.
"Drama niyo, Ma," ani Andy saka sila nagtawanan.
"Ba't ba ang tagal ng babaeng 'yon? Ano naman kaya ang nangyari du'n? Haist! Ano ba? Excited lang?"
Hindi maiwasan ni Clyde ang kabahan. Hindi niya maiintindihan ang sarili. Iniisip niya na sana nagbago ang takbo ng isip ni Andy at maisipan nitong umatras na lamang sa kasal na 'to.
Sana nga lang. Magse-celebrate talaga siya kapag nagback-out na ito. Pero bakit may ilang bahagi ng kanyang pagkatao na parang nae-excite pa sa kasalang 'yon pero pilit pa rin niyang isinasaksak sa isipan na this is not the wedding na pinapangarap niya.
"Nandiyan na siya," balita ng isang staff nila. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Nakakainis siya para du'n. Nagmukha tuloy siyang natataranta.
Maya-maya lang, nagsilakad na ang mga kasali sa okasyong iyon, little brides, little grooms, flower girls, bridesmaids, bestman at kung anu-ano pa at ang pinakahuli, siyempre, ang bride!
Agad bumukas ang pinto ng simbahan at mula doon, Clyde saw an angel wearing a white wedding gown, holding a bouquet of flowers. Dahan-dahan nitong iniangat ang mukha and their eyes meet each other.
Napaawang ang kanyang mga labi. She's so beautiful with her elegant gown. Kahit nakatakip ang mukha niya ng belo, nakikita pa rin niya ang maamo at inosente nitong mukha.
And now, she's slowly walking on the aisle towards him while they keep starring each other. Kumakabog ang dibdib ni Clyde sa tingin niya he's going crazy right now. Di siya dapat mag-isip ng ganu'n dahil pagkatapos ng kasal na'to magiging impyerno ang buhay niya sa piling ng babaeng 'to.
Napatingin siya sa ina at nakita niya ang napakalaki nitong ngiti and when he turned his head on the other side, he saw his grandma, she's gushing na para bang nanonood ito ng isang romantic korean drama.
When he look to Andy's mother, he saw her crying right now at may pakiramdam si Clyde na that tears is not because of happiness.
Pakiramdam naman ni Andy ay parang nakabalot na siya sa yelo sa sobrang lamig ng nararamdaman lalo na nang hawakan na ni Clyde ang kanyang kamay para iharap siya sa altar where the priest standing and any moment he will grant them his prayer and blessings to make them as one.
"Young man, will you take this woman as your wife for better and for worse?" tanong ng pari.
"Yes, I do," walang pag-aalinlangang sagot ni Clyde.
"Young lady, will you take this man as your husband for better and for worse?" baling ng pari kay Andy.
"I do, father," sagot naman ni Andy.
After hat, they wore their wedding ring while they're saying their vows, promises and then tapos na!
"I pronounced to you, husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ng pari. Napatingin kay Andy si Clyde saka bumulong.
"Sa'n mo gustong halikan?" tanong nito.
"Sa paa ko, gusto mo-----" hindi na natapos pa ni Andy ang sasabihin nang bigla siyang hinalikan sa ...sa PISNGI niya ni Clyde! Sobra siyang nabigla sa ginawa nito kaya napanganga na lamang siya.
"Tapos na kaya move on ka na. Alam kong masarap akong humalik kaya lang 'wag kang aasang hahalikan kita sa lips," muli nitong bulong sa kanya.
Napahiya ulit si Andy sa narinig! Naiinis na talaga sa lalaking 'to. Kala mo kung sinong gwapo!