Episode 14

1304 Words
"Baba na." "Haist! Wag mo 'kong utusan! Alam ko na ang gagawin," inis na sabi ni Andy. Agad siyang bumaba ng kotse nito. Kahit kailan talaga di na nabago ang ganitong set-up nila. Maglalakad na naman siya nito patungong school. Bahala na! Pag siya magkakotse, pinapangako niyang babanggain talaga niya si Clyde. Tatawid na sana siya nang biglang may pumaradang motorsiklo sa kanyang harapan Napaatras siya sa sobrang takot. Muntik na siyang mapamura sa sobrang takot. "Hoy! May balak ka babanggain ako huh?" Tinanggal nito ang helmet nito at slow motion pang tumingin ito sa kanya. Aminado si Andy na kahit papaano'y gwapo rin ang lalaking sakay ng motorsiklo. "Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Ahhhmmmm ...sa school ba ang punta mo?" baling nito sa kanya. "Obvious ba? Tinatanong pa," masungit niyang sagot. "Sorry talaga," hinging paumanhin nito uli."...gisto mo, hatid na kita kasi doon rin ang punta ko," kusa nitong yaya sa kanya. "No, thanks. Kaya ko ang pumunta du'n." Paalis na sana siya nang bigla siyang hinarang nito sabay lahad ng kanan nitong kamay. "I'm Rex and you are ...?" "I'm ...I 'm not interested." Pagkasabi ni Andy nu'n ay iniwan na niya ito kaagad kahit na tinatawag pa siya nito. Dumiretso na siya sa kanilang room at doon di na pumapasok sa utak niya ang mga pinagsasabi ng kanilang prof. kasi sobrang badtrip ng araw niya ngayon.  Masayang nagkukwentuhan ang tropa habang nagbe-break na sila. Break time na kasi kaya heto sil ngayon sa kanilang tagpuan. Nagtatawanan nang biglang... "Hey, Dude!" "Rex?!" sabay-sabay nilang tawag sa kararating na kaibigang si Rex. "Yes, it's me!" masaya nitong sagot. Isa-isang nasilapitan ang tropa sa kaibigang matagal na rin nilang hindi nakakasama. Nagkamayan at nagyakapan. Lima silang magtropa, pang-anim si Dani. Since high school pa silang anim na magkatropa. Pagka-graduated nila ng high school, pumunta ng Singapore si Rex kaya naiwan silang lima sa pinas. Almost 3 years na nilang di nakikita 'tong lokong 'to kaya namiss nila 'to ng sobra. "How are you now? Kala namin nakalimutan mo na kami," ani Nico. "It's been a long time that we don't have a communication. How was the Singapore?" tanong naman ni Kent. "It's ok and I'm ok. Kayo? Kamusta kayo? Si Dani? Si Cassandra?" sunud-sunod nitong tanong. "We're ok, Dude. Ito sa awa ng Diyos, buhay pa rin," pagbibiro ni Oliver. Nagtawanan na lang sila. Alam rin ni Clyde na sinasadya ni Oliver iyon na idaan sa pabiro dahil binanggit ni Rex si Cassandra. Bigla naman kasing umasim ang mukha niya. Di rin kasi nito alam ang nangyari. "Buti naman, naisipan mo pang bumalik dito," singit ni Clyde. "Aba! Oo, naman nuh! Sa katunayan nga, dito na'ko mag-aaral," excited nitong balita. "Talaga?" sabay nilang tanong. "What a nice idea, Dude," ani Nico. "That's great, Dude. Buo na tayo uli at------"Rex?" takang-tanong ng kararating lang na si Danica. Napatingin silang lahat kay Dani. Nakangiting lumapit ito kay Rex at si Rex, sabik na sabik sa dating crush. "Hey, Dani! How are you?" masaya nitong salubong. Nagyakapan ang dalawa at ang mukha ni Nico ay biglang hindi maipinta. "I'm fine. I really miss you," masaya ring bati ni Dani rito. "I miss you, too," sagot rin ni Rex. "Ahheemmm!" Napatingin ang lahat kay Nico kasi bigla ba naman itong tumikhim. "Dude, baka nakalimutan mong girlfriend ko na 'yang kayakap mo at Dani, nanonood sa'yo ang gwapo mong nobyo oh kaya bitaw na!" nag-aalburuto nitong sabi. Napatingin naman si Dani sa nobyo. "Wala namang masama kung magyakapan kami di ba?" tanong niyo saka nilapitan si Nico at hinawakan nito ang pisngi ng nobyo, "...kahit magdamag pa kaming magyakapan ni Rex, ikaw pa rin ang laman ng puso ko." Nagtuksuhan ang lahat sa pagiging cheesy nilang dalawa. "At isa pa, Nico. Wala na 'yong feelings ko para sa kanya. I love her as friend and that's all. Di ko 'yan aagawin sa'yo dahil may natitipuhan na akong babae," parang nangangarap nang gising na pahayag ni Rex sa mga ito. "Sino?!" sabay-sabay nilang tanong na siya ring kapapasok lang ni Andy. "Guys, may cupcakes akong dala. Gusto-----" biglang napahinto sa pagsasalita si Andy nang makita niya si Rex sa kanilang tagpuan, "...kaw?!" gulat niyang tanong dito. "Wow! Small world huh," bulalas ni Rex. "Kilala niyo siya?" kunot-noong tanong ni Andy sa tropa. "Siya si Rex, isa sa mga barkada namin," pakilala ni Dani. "Magkakilala kayo?" nagtataka ring tanong ni Clyde. "Siya ba ang tinutukoy mo, pare?" singit rin ni Kent. Napangiti si Rex saka muling binalingan si Andy. "Hindi ko akalain, kaibigan niyo pala siya." "She's Clyde's cousin," ani Nico. "Cousin?!" gulat na sabi ni Rex. "Yeah," maikling sagot naman ni Clyde. "How?" curious nitong tanong. "Anong how?" tanong naman ni Oliver kay Rex. "How? We all know that Clyde's father is the only one child, so paano siya nagkaroon ng pinsan?" Lahat napaisip kaya napaisip na rin si Clyde sa isasagot niya. Hindi niya aakalaing hahantong sa ganitong tanungan ang lahat. "Ano kasi ...yong ...yong-----"yong lolo ko, may anak sa labas at siya ang naging apo," putol kaagad ni Clyde sa iba pa sanang sasabihin ni Andy saka siya tumingin sa kanyang asawa, "...itinago 'yon namin para na rin sa dignidad ng pamilya namin," napaiba ang timpla ng mukha ni Andy sa mga sinabi ni Clyde. "P-pasensiya na kayo kung ...kung di ko sinabi ang tungkol du'n. " "Ahhh ...now I know," ani Oliver. "Ok lang 'yon, Dude," sabi naman ni Kent. "Buti na lang din, natanggap niyo 'tong si Andy," sabad rin ni Dani. "Ehh ..pamilya kasi," sagot naman niya. "Buti na lang, magpinsan lang kayo," dagdag pa ni Rex. Napatingin silang lahat kay Rex. May binabalak kaya 'to sa asawa ni Clyde? Kung meron man, wala nang pakialam si Clyde du'n di naman niya mahal ang asawa niya. Dahil kumpleto ang tropa. After class, nagbonding silang lima sa bar na pagmamay-ari ng parents ni Kent at siyempre, naka-VIP room pa sila. "How was your life in Singapore, Dude? Siguro naman ang dami mong chikababes du'n, ano?" tanong ni Kent habang nagsasalin ng mainom sa baso nito. Tumawa naman ng bahagya si Rex. "No, I changed. Isa pa, alam ko na kung pa'no  maging stick to one and I found nothing there," he said. "Stick to one? Don't tell me, you're still in love with Dani?" tanong kaagad ni Nico. "Of course not! You owned her already and I'm not so stupid para aasa pa na magiging kami. I love Dani as one of my best friend, hanggang doon na lang 'yon." Nakahinga nang malalim si Nico sa kanyang narinig. "And what's the reason why you're still single right now? Don't tell me, wala pang nakapagpatibok diyan sa puso mo doon?" sabad ni Clyde. "Before, yeah nothing but now I'm sure meron na," nakangiti nitong turan. "Oh ...oh! And who's that lucky and mysterious woman?" Oliver asked. "Si ...." "Who?" excited na tanong ni Nico. "Si Andy!" Sobrang nabigla si Clyde sa sinabi ni Rex. "Ow ...Dude!" bulalas ni Oliver. "Si Andy? Pero-----" Tama nga ang hinala ni Clyde, may binabalak nga talaga ito kay asawa niya. "Yes ! I like Andy," "Bakit si Andy?" tanong naman ni Kent. "I don't know.  Basta, I like her. Ok lang naman sa'yo 'yon di ba, Clyde?" baling nito kay Clyde na nanahimik lang habang nakikinig. "Oo naman, nuh! Walang problema," sabi niya at pinilit pang pinasigla ang boses. "Yes! thank you, Dude! Yes!" masayang bulalas ni Rex. Bakit ganu'n? Hindi maganda ang pakiramdam ni Clyde. His mind keeps saying " that's good. I don't love her" but then his heart keeps telling him " no! Don't let him to do it. Andy is your wife, don't let her go away from you". Gumulo tuloy ang utak niya, sobra! Hindi niya mahal si Andy  at kahit kailan di niya ito magugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD