Episode 15

1569 Words
"Tara kain muna tayo," aya ni Grandma sa kanilang lahat. "Tara! Gutom na rin ako," sang-ayon naman ni Lucy. Kasalukuyan silang nasa beach. Family bonding raw sabi ni Grandma.  Siyempre, kasama sina Fr at mga kapatid ni Andy.  Nagsalu-salo sila sa mga pagkaing kanilang dala. "Oh, Clyde! Andy! Picture muna," maya-maya'y sabi ni Grandma. "Ma, kumakain pa tayo," saway naman ni Lucy sa biyenan. Hayaan mo na nga ako, Lucy! Sige na mga apo, remembrance lang," pagpupumilit pa nito. Nagkatinginan sina Clyde at Andy. Biglang inakbayan no Clyde amg asawa. May kuryenteng gumapang sa katawan ni Andy nang magdikit ang kanilang mga balat lalo ng maalala niya ang nangyaring aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi. "Smile ...one, two, three!" Kasabay ng kanilang pagngiti ay siya ring pag-flash ng camerang hawak ni Grandma. "Wow! Nice. One more." "Ma," awat uli ni Lucy. "Mapaka-kj mo naman, Lucy.  Oh, Clyde.  Sige na." Muling inakbayan ni Clyde si Andy pero umangal amg kanyang lola. "Ay, wag laging ganyan. Iba naman. Grandson, kiss your bride in her lips." "Grandma!" sabay-sabay na sigaw nina Clyde at Andy. "Bakit ayaw niyo? Oh, baka---"Grandma, kasi----"Madaming tao, Grandma.  Nakakahiya," putol ni Clyde sa oba pang sasabihin ni Andy. "Oo, nga naman, Ma'am Elizabeth.  Kahit sabihin nating mag-asawa na ang mga 'yan pero nakakahiya pa rin kung maghalikan sila sa harap ng maraming tao," dagdag pa ni Fe. "Oo nga naman, Ma," dagdag pa ni Lucy. "Hay, sige na nga," pagkuwa'y tumigil na rin ito sa pangungulit. "Oh, kain muna tayo," pag-iiba naman ni Lucy. Nakahinga sina Andy at Clyde ng maluwang. Kumain muna sila  pagkatapos ay kanya-kanya na sila ng diskarte para maligo. "Oh, Andy.  Maligo na tayo," aya na ni Grandma sa kay Andy. "Mauna na po kayo, Grandma," tugon naman niya. "Halika na," pagpupumilit pa nito. "Sige po." "Teka, yan lang ba ang susuotin mo?" puna nito sa kanyang suot. Napatingin si Andy sa sarili. Wala naman sigurong masama sa suot niya. Naka-t-shirt naman siya tapos naka-short na halos abot - tuhod. "O-opo," maikli niyang sagot. "Hayyy ..magbihis ka nga. Wag yan ang isuot mo." "Bakit po? Masyado po bang maiksi?" "Hindi naman pero may mas babagay pa sa'yo kesa diyan," pakindat pa nitong sabi. "A-ano po?" Bakit may kakaibang nararamdaman si Andy para du'n? "Clyde, halika nga muna dito," tawag ni Grandma sa apo niya. Agad namang lumapit sa kanila si Clyde. "Bakit po, Grandma?" tanong nito. "Samahan mo muna si Andy sa kotse. Ibigay mo yong binili ko na susuotin niya." "Ok po," agad itong tumalima sa utos ni Grandma. Tumingin si Clyde kay Andy, tiningnan niya ito at nakuha naman nito kung anong gusto niyang sabihin. Agad itong humawak sa braso niya at agad nilang iniwan si Grandma.  Pagdating nila sa kotse, agad naman niyang iniwaksi ang kamay nitong nakahawak sa braso niya na para bang nandidiri sya. "Arte! Kala mo kung sino," narinig niyang sabi nito. "Anong sabi mo? "Wala! Nasa'n na ba yong binili ni Grandma?" Pumasok siya sa kotse at  kinuha niya ang isang maliit na paper bag at patapon na ibinigay niya iyon kay Andy. "Oh, ayan! Bilisan mong magbihis." "Kahit kailan talaga, wala kang respito, ano?" "Magbibihis ka na o baka gusto mong ako pa ang magbibihis sa'yo?" "Andiyan na oh! Tssk!! Sungit." Agad na siya nitong iniwan at dumiretso na ito sa banyo para magbihis. Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin bumabalik si Andy mula sa banyo. Nagsisimula na ring mabagot sa kahihintay sa kanya si Clyde. "Bakit ba kasi pagong kung kumilos ang mga babae, huh? Ang tagal-tagal, kala mo sila yong may-ari ng oras," reklamo ng utak niya matapos lumipas ang ilang minuto na di pa rin lumalabas si Andy. Biglang tumunog ang cellphone niya. Si Rex lang pala. "Dude, bakit?" tanong niya rito. "Dude, pwede ko bang mahingi ang phone number ni Andy?" Ayun! Sa kanya pa hinihingi nito ang phone number ng asawa niya. "Wala akong number sa kanya, Dude, eh," pagsisinungaling niya. "Di ba magpinsan kayo bakit---"Nagchange kasi siya ng number, di pa ako nakahingi. Hihingi pako ma------" hindi na natuloy ni Clyde ang iba pa sana niyang sasabihin nang magsalita mula sa likuran niya si Andy. "I'm done." Agad siyang napalingon sa kanyang likuran and literally, his jaw drop. Ang mga mata niya, di niya maalis-alis sa asawa. Na-froze siya at that moment. He didn't expect na ganito pala kaganda ang hubog ng katawan ng asawa niya, ang kinis ng kutis nito and with a beautiful smile in her face. Pakiramdam niya, huminto sa pag-ikot ang kanyang mundo. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman niya? This kind of feeling is so different and he'd never felt this way before. "Dude, are you still there?" tanong ni Rex sa kanya. "Oh, yeah! Sorry, I need to go. Bye," agad niyang putol sa tawag ni Rex. Kunwaring nakasimangot ang mukha nang muli niyang binalingan ang asawa. "Buti naman tapos ka na. Alam mo ba kung gaano na'ko katagal naghintay dito?" panenermon niya rito. "Aw! Sorry naman po," hingi nitong paumanhin. "Hawak ka na." Nakataas ang kilay ni Andy sa kanyang sinabi. Naninibago ito sa kanya. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili kung bakit niya iyon nagawa. Bawat lalaking nadadaanan nila, halos lahat nakatitig kay Andy. Sarap tuloy  dukutin ang mga mata nila at sabihin sa mga ito may asawa na ang tinitingnan nila. "ow, Andy! Ang ganda! Bagay na bagay sa'yo," kumento agad ni Grandma pagkakita niya kay Andy. "Nice, Andy. Lalo kang gumanda," segunda naman ni Lucy. "Ang ganda-ganda mo, nak," nakangiti ring sabi ni Fe sa anak. "Oh, Clyde.  Ipasyal mo muna si Andy o di kaya maligo na kayo," pagtataboy ni Lucy sa dalawa. Agad namang tumalima si Clyde. "Ok po, Ma. Sige, iwan po muna namin kayo," paalam niya sa mga ito. "Oh sige, hijo," ani Fe. "Ingatan mo yang asawa mo," bilin naman ni Grandma. "Opo," sagot ni Clyde sa kanyang lola saka siya napatingin kay Andy, "...shall we?" "Ok." Kumapit si Andy sa braso niya pero kinuha niya ang kamay nito at hinawakan niya ito sa palad. Napakunot ang noo ni Andy sa kanyang ginawa at napatingin ito sa kanya. Nagtataka man ay nakabawi na rin. Naglakad-lakad sila sa tabi ng dagat. Walang imikan. Tahimik lang din si Andy. Napaisip si Clyde kung ano kaya ang pwede niyang gawin para mag-ingay ang kasama niya. "Maligo ka na. Ang baho mo na," aniya. Itinulak naman siya ni Andy. "Hoy! Naligo kaya ako kanina." Bigla niya itong hinila sa may tubig at sinabuyan niya ito. "Ano bang ginagawa mo? Tumigil ka nga," awat nito na pilit namang umiiwas. "Ayoko! Ang baho mo, kaya kailangan mo ng maligo." Patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. "Hoy! Naligo ako kanina nuh! Tumigil ka na!" awat pa rin nito. Di siya nakinig, patuloy pa rin niya itong sinasabuyan ng tubig-dagat kaya ang nangyari, napikon ito at ayun! Gumanti na rin kaya nagsasabuyan na sila ng tubig. Maya- maya'y naghabulan na sil sa tabi ng dagat.  Panay ang tawa ni Andy na ewan ba ni Clyde, ang tawang 'yon ay nagbibigay ng kakaibang damdamin sa kanya. Nang mapagod, umupo siya sa buhangin, nakangiting lumapit si Andy sa kanya, uupo sana ito sa tabi niya pero bigla niya itong hinila kaya napasubsob ito sa kanyang dibdib at nang iangat nito ang mukha, their eyes met.  Nagkatitigan na lamang sila. Walang kumukurap, walang gumagalaw. Ano ba 'tong nararamdaman ni Clyde? Ang puso niya, ang bilis ng t***k nito na para bang gusto nitong lumabas sa kanyang dibdib. Napatingin si Clyde sa mga labi ni Andy. Nakakaakit. Nag-aanyaya. Gusto niya itong halikan. So he lay down his head while thye're keep staring each other. Ang lapit na ng kanyang mukha sa mukha nito. Isang dangkal na lang, palapit pa ng palapit. Nararamdaman na niya ang hininga nito sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha nito. Ito na! Ito na talaga. Kunti na lang. Until ...until their lips are .... "Pahingi pong piso." Mahinang napamura si Clyde sa sobrang pagkabigla sa biglaang pagsulpot ng batang 'to sa kanilang harapan. Naramdaman rin niyang napapiksi si Andy sa sobrang pagkabigla. Napapikit na lamang siya sa inis. Lapit na sana! "Wala kaming pera dito, bata," sabi ni Andy sa bata nang pareho na silang nahimasmasan sa pagkabigla. "Sige po. Alis na po ako," agad nitong paalam. "Wrong timing naman," pabulong na sabi ni Clyde. Napatingin naman si Andysa kanya. "May sinasabi ka ba?" taka nitong tanong. "Huh? Meron ba? W-wala naman, ah," palusot niyang sabi. "Tingnan mo ang araw, palubog na," pag-iiba nito ng usapan. "Oo nga." Umalis si Andy sa pagkasubsob niya kay Clyde at umupo siya sa tabi nito pero hinila siya nito. "Bakit?" kunot-noo niyang tanong. "Dito ka umupo sa harap ko," sabi nito. "Huh? Bakit naman? Dito na lang ak-----"Baka sinusundan tayo ni Grandma," putol nito sa iba pa sana niyang sasabihin. "Sige na nga," pagsasang-ayon niya. Umupo siya sa harapan ni Clyde patalikod dito. Hindi na napigilan pa ni Clyde ang sariling yakapin si Andy ng dahan-dahan mula sa likuran.  Ipinatong niya ang kanyang chin sa balikat nito habang nakayakap rito sa beywang nito. Ang sarap sa pakiramdam. He closed his eyes and feel the moment with her. He feel that, there's a huge butterflies in his stomach right now. Hindi niya maiintindihan ang sarili kung bakit niya nararamdaman iyon basat ang alam lang niya ... HE WANT TO STAY WITH HER!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD